Must Die Or Must Exist?: Trending Words – Part 2


www.strangepowerofwords.com
7/31/2013 10:42:46 AM

Ang mga tampok na salita na nailahad sa blog post na ito ay ang mga salita na naging uso sa kamalayan ng mga tao – sa personal man na approach o sa birtwal na mundo lang ng internet. Karamihan ay may kanya-kanyang panahon ng pagsibol. Tinatayang mula 2009 hanggang sa kasalukuyang taon ang itinampok rito.

Karamihan sa mga salitang nauuso ay maituturing na kabilang na kolokyal na lengwahe. Pero ang tanong ay may kabuluhan ba ang mga ito? Kung bitin kayo sa part 1 ng blog na ito, e… tigil-tiglan n’yo na ang pagta-tantrums n’yo, dahil narito na ang Part 2 ng serye ng mga pananaw ko ukol sa mga nauusong salita.

Major major – Must die. Alam ko, dito napansin si Venus Raj, pero hindi n’yo ba napagtanto na baka dito rin na-cost ang tiyansa nya na maging Miss Universe sa halip na maging parte ng mga runner-up lang? Alam mo naman ang mga hurado, hindi lang sa confidence sa pagsagot ng bawat contestant ang tinitignan, kundi pati na rin sa grammatika. Lalo na’t English pa ang sinagot.

Yung totoo? – Must exist. Buti naman sa lahat ng mga binitiwang patawa na tirada ni Vice Ganda e mukhang okay pa ‘to. May tama ring kinalulugaran ‘to e. (i.e.: “Yung totoo, naligo ka ba ngayong araw o hindi?”)

“Yung feeling na…” – Must exist. Naalala ko ang ilan sa Facebook friend ko at admin ng mga page ko na ganito palagi ang paunang laman ng post niya. Well, okay lang yan kung nakakarelate ka. Kahit ako, impressed sa ganitong expression e.

“That awkward moment…” – Must exist. English version lang ito ng “yung feeling na…” palagi ko rin ‘to nakikita, sa Twitter nga lang. Same concept lang din ng statement tulad nung nauna.

AWKWARD! (as in “AWWWWWKWWAAAAAAARRRD!”) – Must die. ‘di naman halatang nanghu-humiliate ka ng tao niyan no? Nahiya na nga sa dyahe-trip n’ya, ginatungan mo pa? Pero kunsabagay, minsan sila na rin mismo ay pinagtatawanan ang mga kasablayan nila. Kaya okay lang yan kahit papano.

Click here to read the entire article.

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

 

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.