Must Die or Must Exist: First half of 2013’s Major Trending Hits.

socialmedianz.com
8/3/2013 12:44:50 PM

Maraming nauusong bagay sa ating mundo kada taon, ke artista man yan, programa, kanta, libro o kung anuman. At narito ang ilan sa aking patutsada sa mga ito. Well, iko-correct ko lang, sa mga pumatok sa unang kalahati ng taon ngayong 2013.

:poop: emoticon sa Facebook

Siguro sa una, papatok talaga ito. Kaso nakasasawa na rin in a long run e. kaya nga minsan nagmumukhang madumi ang mga chat box ko sa fb, lallo na kapag nagkakaroon ng conversation sa mga Facebook group. Buti na lang, may tatlo akong option: linisin ang usapan, i-turn off ang chat para sa akin, o ang umalis sa mga grupong ito.

My verdict: must die.

Gentleman

Since sobrang gasgas na ang Gangnam Style ni Kuya Psy, na hindi naman nagunaw ang mundo matapos umabot ang video ng kantang yun sa isang bilyong views (asus, nagpapaniwala kayo dun? Ano kayo ngayon, nganga?), may second single siya na pumatok din naman… kahit papaano. At least hindi siya one-hit wonder. Dahil isang malaking bullshit yun kung nagkataon para sa kilalang Korean rapper. At kahit papaano ay may naiintindihan pa naman ako

My verdict: Must exist kung kaya mong sayawin ‘to. Must die kung magpapaka-TH na sayawin o kantahin ‘to.

Harlem Shake

Dahil sa isang blogger ay pumatok ang videong ‘to (kaya Titosen, never ever under-estimate ang kapangyarihan ng isang blogger), ay naging worldwide hit ang sayaw na ito. Halos sinuman na andun ay may kanya-kanyang 30-ish seconds of fame.

Pero sa totoo lang, mas okay pa ang Harlem Shake ni Bogart e.

At ano ba ang meron sa Harlem Shake na ito? Parang gumala ka lang naman sa bar e. yun nga lang, ilang segundo na isa lang ang sumasayaw at the next time around ay party-patry mode na ang karamihan. Pero, ang labo pa rin e. Parang tanga lang.

My verdict: must die.

Gwiyomi

Isang banyagang kanya na pinatugtog minsan at napauso sa tulong ng mga tulad ni Vice Ganda. Kaso, ano anman meron dito? Nyemas, isa ring malabo at sobrang ampaw na pagpapansin? Unless kung cute ang nagpapansin tulad ni Alodia Gosiengfiao.

My verdict: must die, unless cute yung nagi-Gwiyomi

Hashtag sa Facebook

Ano ‘to? Nakigaya sa Twitter?  Pati na rin sa instagram at Tumblr? Wala nang mahabang paliwanagan!

My verdict: depende sa paggamit. Must die kung for fame-whore’s sake and purpose lang ito gagamitin.

Nasa ‘Yo Na Ang Lahat

Sa lahat ng kanta sa Himig Handog Love Songs, ito ang mas pinansin. Anyare sa mga tunay at talagang panalos a patimpalak na ‘yun? Sobrang patok nya mina-mock na ang pagkanta nito. Sinubukan ‘tong pakinggan ng inyong lingkod. Isa lang masasabi ko…. So mainstream. Eww!

My verdict: must die, definitely must die (kung sa bulok ang istilo ng pagkanta niyan ha?).

Ang mga racist jokes against Nancy Binay

O, asan ang mga nanlait sa kanya? Hinuhusgahan nyo siya kasi gamit ang kanyang balat e. kung naging matalino lang sana kayo sa pagpuna. Nanalo na s’ya habang kayo at tayo, nganga.

My verdict: must die. Mag move-on na yung mga taong hindi makapag-move on.

Click here to read more of the article “Must Die or Must Exist: First half of 2013’s Major Trending Hits.”
 
For comments and suggestions, feel free to drop a line on any of slickmaster’s social networking accounts. Follow him on Twitter at http://www.twitter.com/slickmasterph; on Tumblr at http://theslickmaster28.tumblr.com; and like his Facebook page at http://www.facebook.com/theslickmaster28
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.