Muli Kong Aabutin Ang Langit – Chapter 1

(Photo Credit thoughtstream-distantechoes.blogspot)
(Photo Credit  thoughtstream-distantechoes.blogspot)
(Photo Credit thoughtstream-distantechoes.blogspot)

Chapter 1

“HOY  POGI….isang sulyap naman diyan oh”…pagbati ng isang kakilala .

        Pero di siya pinansin ng taong kanyang binati …

        ABA suplado…di man lang makatingin ah..at inis-nob pa ang biyuti ko…huu….ah teka nga….

        HOY  RALPH….isang ngiti naman diyan oh .

        Ika at muling pagbati ng kabiruang babaeng kapit-bahay at dating kabarkada at naging kaeskuwela pa sa high school noon ng taong binati na napadaan…

        At inulit pa…

        HOY  RAP- RAP….napakasuplado mo naman yata ngayon ah .

        Minsan kasi  Ralph o kundi man ay Rap-Rap kung tawagin si Ralphael …pero ang nanay niya ay matunog na  PAENG  kung tawagin siya.

        At nalingon ito at parang wari’y nagulat pa at ngayon lamang niya napansing may bumabati at kumakausap sa kanya at huminto siya sa kanyang medyo malayo-layo niyang paglakad upang sinuhin ang bumati .

        HA! EH IKAW PALA SUSIE…..ha, ha, ha….pasensiya na di kita agad napansin…me minememorize kasi ako eh…..malapit na kasi exam namin .

        HUU  AKALA KO KASI malaking tao ka na….ha, ha, ha…kaya di mo na ako pinapansin……ano ba kumusta ka na .

        HETO ….mabuti naman…..hindi pa rin nagbabago….poging-pogi  pa rin… he, he, he…..eh ikaw naman …kumusta na ……

        H A eh…eto….kagaya mo…katulad pa rin ng dati…seksing-seksi pa rin…ha, ha, ha…..akala mo…ikaw lang …ang pagpapatawa nito .

        Medyo natawa si Ralph….ha, ha, ha…talagang ikaw OO di pa rin nagbabago…ah  eh di  me…may boyfriend ka…ang medyo kinabahan at nag-alangan siya sa kanyang pagtatanong…

        Ah eh wala pa ring magkamali….ha, ha, ha…eh naghihintay nga akong sana ay may magkamali na…..ang sagot namang walang kamali-malisya at walang kakiyeme-kiyeme .

        O W  eh sa ganda mong iyan….wala pa…….maniwala ako sayo .

        OO  peks man…..wala pa akong boyfriend…..ha, ha, ha  agad uling sagot .

        EH masyado ka naman kasing pihikan ….eh ang dami namang dating umaali-aligid sayo na pogi na…..maipagmamalaki mo pa…….katulad ni Estong pungay……eh bakit ba di mo pa siya sinagot non… ..ha, ha, ha ..

        HA!…..loko mo…estong pungay ka…..eh estong kirat yon….ayoko nga sa kanya…..wag mo na siyang babanggitin…di ko siya type…….eh sana kung naging katulad mo siya…..pwede pa….ha, ha, ha .

         HA!….medyo kinilabutan siya at ewan ba niya kung biro lang yon o totoo at naantig muli ang puso niya… pero matagal na naman yon at limot na niya ito……

         Maya-maya ay siya naman ang nagpasaring…..

         EH… kung naging katalo ka lang…..eh di sana ikaw na nga…ha, ha, ha….ang medyo matipid niyang sagot……na parang di naman nasakyan ang ibig sabihin at di nakahalata ang dating kaibigan ..

         Kasi nong araw ay tinutukso silang dalawa…. at noon nga ay lihim na nagkakagusto na siya dito….pero habang nagtatagal napapansin niya ang kakaibang ikinikilos nito…bakit laging malagkit ang tingin nito sa kanilang kapwa barkada na babae at madalas pa nitong himasin ang buhok niyon at laging nagho-holding hand’s pa sila at kadalasan laging nagkukulong sila sa kuwarto… at kapag nagbibisikleta ay laging inaangkas niya sa unahan at madalas ding mapuna niyang laging sinasamahan pa nito sa pagpasok niyon sa CR .

         Kasi ang alam niya…. ang ganitong may ganoong katayuan o katangian ay walang paki-alam sa mundo at di nila nalalaman na may nakikiramdam at nagmamasid sa kanila .

         Minsan nag-outing silang mga magkakabarkada . Habang kumakain sila ay napansin nilang nagsusubuan sila Susie at ng babae ding kabarkada nila .

         IKA pa ng isa nilang kabarkadang lalake….

         HOY Susie….nakaiinggit naman kayo….pagkatapos niyan….ako naman ang subuan mo….ha, ha, ha……na sa palagay niya ay may nahahalata na rin.

         At siya bilang lalake ay may matalas na pang-amoy at pakiramdam…..napagtanto  niyang me pagka-tomboy pala ito .  Ika pa niya……sayang…pag-uukulan pa naman sana kita ng wagas at tapat na pag-ibig…sinayang mo ang iyong pagiging  EBA..

         Pero kapag kaharap na niya si Susie ay hinayang na hinayang siya… di niya aakalaing ganoon ito…femining-feminin ang kilos nito…sa ganda at amo ng mukha at mga labing tila mamasa-masa at mapupungay at bluewish na mga mata na kapag nakatitig sa kanya ay para bang tila bato-balaning hinihigop siya at parang ipinaghehele siya at gusto niyang yakapin at halikan at nalilimutan niyang …….hindi katalo ito .

         Hindi nga niya iisiping ganoon si Susie…sa kilos na mahinhin ay babaeng-babae . At kahit na maganda ito at nagtataglay ng katangiang babaeng-babae na pinapangarap niyang maihatid sa dambana ay nawalan na siya ng gana .

         Ayaw na niya rito… na baka kung sakaling mapangasawa na niya ito ay dumating ang araw na may makaagaw pa siya sa pagmamahal dito .

         Kaya magmula noon ay inisip na lang niyang parang isang maling pangarap at turing kapatid na lang at kaibigan si Susie at ang nabubuong damdamin niya para dito ay biglang naglaho at kusang napawi at hindi na nga niya itinuloy at kinalimutan na lang .

        Na hangga sa ngayon ay di alam ni Susie na noon ay lihim siyang nagkagusto sa kanya .

        Sa kanyang pagninilay-nilay ay nagulantang pa siya ng magsalitang muli si Susie….

        EH  BUTI KA PA ….tuloy lang ang pag-aaral mo…eh ako baka sa isang taon na makapag-aral…pinagtitinda muna ako ng inay ko ng pinanahi niyang baby dress sa Baclaran at bihira at ngayon lang ako nauwi….eh sabi niya palit muna kami…nanay ko muna ang magtitinda at ako ang mananahi ……kaya ngayon ay sa bahay na lang ako .

        H A…EH SAYANG NAMAN ANG PANAHON …matalino ka pa naman at naging first honorable mention ka pa naman noon sa ating batch …..eh bakit ba …mahihinto ka ..

        AH  EH…ALAM MO NA …financial problem…ika nga…alang datung…..ha, ha, ha…. pagtatapusin muna ang panganay naming kapatid… ..kasi graduating na siya at di kaya ng mga magulang ko na magsabay kami sa college.

        EH  MERON NAMANG SCHOLARSHIP AH .eh di humanap ka na lang kaya muna .

        E H  MASYADONG LATE NA AKO.…nahuli ako sa balita….di ko agad nalaman na nakapag-issue na pala ng exam yung kilala kong foundation at limit lang daw ang kinukuha at saka di ako agad  nakapaghanda ng mga isa-submit na mga kailangang requirements…. kasi di ko naman inaasahan na di na pala kaya na ng mga magulang kong pag-aralin pa ako at pagsabayin kami ng kuya ko .

        Tumango-tango lang siya at hindi na siya gaano pang nag-usisa at baka lalong magkatagalan pa ng kuwentuhan at baka  may mapag-usapan pa silang iba na iniiwasan niyang magawi doon  at baka masira pa ang araw niya .

        Hindi lang niya ito maiwan-iwanan….kasi ngayon lang uli sila nagkita…alangan naman daw na… HI…at HELLO…KUMUSTA LANG at pagkatapos niyon ay iiwanan na niya ito…. unethical daw yon ..

        HA…GANON BA…o sige seksi… diyan ka na…he, he, he…nagmamadali kasi ako baka ma-late ako sa escuela…..b y e .

        Okey  Pards….b y e……

        H A !………

        Muntik na siyang masubsob sa nilalakaran sa narinig na yon .

        Nakakailang hakbang pa lang siya palayo ay biglang sumigaw sa kanya ang kausap….

        HOOYY  RALPH…..KINUKUMUSTA KA NGA PALA NIYA .

        H A !….E H   S I…S I N O  Y O N…..ang tila nagulat pa siya .

        EH  DI  SINO PA…EH DI  YONG ….EX  MO …ang walang kapreno-preno at diretsahang sinabi nito .

        AHH  YON  BA……na medyo kumunot ang kanyang noo…

        EH  SABIHIN  MO …PATAY NA  . .

        HA!……LOKOMO …ME MASAMANG DAMO BANG NAMAMATAY AGAD ……ha, ha, ha .

       Natawa rin siya sa makalokohang biro ng kanyang dating lihim na minahal at kalog na kabarkada .

       Pero hindi na niya pinatulan ang biro at baka humaba pa nga ang kuwentuhan…eh naghahadali nga siya . Alam niya sa lahat ng kanyang naging kabarkada ay di mo ito maiisahan at kayang-kaya kang paikutin…..at kung naging lalake pa ito’y lalo na …at ngayon nga’y…..parang sa isip niya ay bumigay na .

       AHH……BASTA SABIHINMO…….PATAY NA AKO  .

       Hindi dapat iyon ang isasagot niya…..pero naalala niya ang ginawa sa kanya ng babaeng tinutukoy nito na nagpapangumusta…. kaya ganito ang naisagot niya . At kapag iyon ang nababanggit at naalala niya ay nasisira tuloy ang concentration niya sa pag-aaral.

        Malayo na siya’y nagpahabol pa si Susie…

        AH HINDI PWEDE…ME PATAY BANG NAGSASALITA….BASTA SASABIHIN  KONG  LALO  KANG  PUMOPOGI ……ha, ha, ha .

        Medyo nainis siya sa kakulitan nito at tuluyan na siyang umalis .

        EWAN DAW BA NIYA …sa dinadami-dami ng mga babae na mapagpipilian niya na nahuhumaling naman sa kanya na karapat-dapat at ikakarangal na maging  girlfriend niya ay kung bakit iyon pa ang  p a n i b a g o n g  n a g u s t u h a n  n i y a .

        Tampulan pa nga siya ng mga pagbibiro ng mga kapit-bahay nila na napakasuwerte naman niya at ipinanganak siyang magandang lalake na hindi na nahihirapang maghanap ng babaeng liligawan kasi siya na mismo ang nilalapitan at nagpapakita sa kanya ng motibo….at iyon ngang babaeng naging girlfriend niya ay kusang nilapitan siya at nagbigay-motibo at di na siya nahirapang ligawan pa ito at halata namang may gusto sa kanya… kaya pinatos na rin niya at di naman siya naging agrabiyado dahil napakagandang babae nito .

        Lalong higit daw may matatag na trabaho na ito at pwede pa siyang buhayin at papagtapusin sa pag-aaral kahit na raw mag-asawa na sila .

        Pero ika niya …akala lang nila yon…..MALAS  KO NGA  EH .

        MAKALIPAS ANG ISANG BUWAN  napadaan na naman siya sa bakuran nila Susie…ito kasi ang madaling daan at shortcut, kaysa sa dating dinadaanan niya . Pero di siya papasok ngayon sa escuwela at naghahadali at mayroon siyang mahalagang bagay na pupuntahan .

        HOY MISTER POGI …..daan ka daw muna dito …at magkakuwentuhan daw muna kayo …..ika uli ni Susie .

        Pero parang di na naman niya nadinig at di napansin ang bumati .

        HOY….RALPH……RAP-RAP…..RAPHAEL…..PAENG…kapag di mo pa naman ako napansin …ewan ko na lang …..ha, ha, ha .

        NAPAKASUPLADO MO NAMAN DAW NGAYON ….ha, ha, ha .

        Sa lakas ng pagkakabati….ay biglang nalingon siya .

        H A !…na para siyang nakakita ng multo at siya’y biglang nagulat..at kung anong bagay ang naramdaman niya at wari’y umakyat ang dugo niya sa ulo na kanyang ikinainis..  Ang walang kabuhay-buhay at walang kalatoy-latoy na HA lang ang naisagot na parang di siya interesado……

        Kasi natingin siya sa katabing babae ng bumati sa kanyang si Susie at di sinasadya ay nagkatitigan sila ng babae at ang malaking pino-problema niya ay waring nadagdagan pa sa pagkainis niya .

        Nakita niya na parang mangingiti sa kanya na parang inaasahang babatiin niya at wari‘y nagpapaawa na parang ang mga mata nito’y pinalalamlam at pinalulungkot pa at di maalis-alis at di maantig-antig ang pagkakatitig sa kanya .

        Pero saglit lang yon at siya na mismo ang bumawi……nainis talaga siya .

        Di nakatiis ang babaeng bumati na si Susie at muling nagsalita at nagpasaring .

        HUU….napakasungit mo naman daw….PORKE  sikat na sikat ka na raw sa inyong campus…at marami daw na magagandang girls na umaali-aligid sayo…eh di mo man lang kami mapansin ngayon…..PASYAL ka naman daw sa bahay at ng magkakuwentuhan naman daw kayo…..miss na miss ka na raw niya…at saka…

         G ALIT KA PA RAW BA SA KANYA. …ang pang-aalaska at biro uli ng kaibigan .

         Kinurot naman ito ng kasamang babae na parang nahihiya .

         PERO DI NA NIYA PINATULAN ANG PANG-AALASKA NITO AT DI NA KUMIBO AT NAALALA NIYA….

         Dati niyang naging girlfriend ng mga ilang buwan lamang yon babaeng kasama ngayon at tinutukoy ng kanyang kaibigang si Susie at nakapagdate na sila noon…Pero nang malaman niyang may ibang minamahal na ito’y nawalan na siya ng gana at siya na mismo ang kumalas at ayaw niyang may kaagaw siya sa babaeng minamahal niya . Matagal na niyang nilimot ito….at itong si Susie na lihim din niyang minahal ay tuluyan  na rin niyang nilimot …at ngayon ay napansin niya na parang type nito ang naging girlfriend niya na tinutukoy….kaya lagi silang  magkasama ngayon .

         Hindi lang siguro tuwirang masabi sa kanya ni Susie na …..hoy Ralph kung ayaw mo sa girlfriend mo…sa akin na lang .  Siguro ay pinakikiramdaman pa siya kung talagang ayaw na niya rito .  Iyon naman ay hinala lamang niya at sana man lang ay nagkakamali siya ng akala  .

        PEROANG DI ALAM NI SUSIE AY MATAGAL NA NIYANG KINALIMUTAN ANG  BABAENG  ITO at itinuon na lang niya ang atensiyon sa kanyang pag-aaral .

        Siguro sa palagay niya ay di naman gaanong mahal niya ito at nabighani lamang sa angking kagandahan nito at sa sulsol ng barkada at iyon ay dagling nawala at ika nga ay infatuation lamang . Ngunit may pagkakataon daw na naaalala niya at di malimot-limutan ang napaka-ikling panahon na naging magkasintahan nila at napamahal na rin sa kanya ito at nakatatak na rin sa kanyang puso .

        Pero di nagtagal ay nabalitaan niya na nagka-break na pala ang babaeng minahal niya at ang boyfriend nito at pagkatapos non ay minsan daw ay kinukumusta na naman siya .

        Abot-abot ang kabog at pintig ng kanyang puso na natuwa siya ng malamang kinukumusta siya ng babaeng dating minahal niya…ika niya ay baka magkabalikan muli sila at nagkataong wala pa naman siyang girlfriend pa noon ay nagkaroon uli siya ng interest at pagkakataon na  m u l i n g  s u y u i n  i t o .

        Hindi raw pala niya magagawang limutin ito basta-basta at talagang itinitibok ng kanyang puso . Binabawi na niya ang kanyang sinabing ayaw na niya sa babaeng may ibang minamahal.

        KUNG TALAGA DAW NA MINAMAHAL MO ANG ISANG BABAE…KAHIT MAY PINAGDAANAN NA ITO AY BABALEWALAIN MO AT MAGPAPAKASAKIT KA ……at ito ang nakatanim sa isip niya .

        Kahit pinagsasabihan na siya ng kanyang mga magulang na pumili-pili naman siya ng babaeng ikararangal niya at maging ang ibang mga malalapit na mahal niya sa buhay ay pinapaaalalahanan siya… ay di niya sinusunod at di pinapansin .

        IKA PA NIYA ….ako ang may puso at siyang nakakaalam ng itinitibok nito at ako rin naman ang makikisama at dapat sundin ko ang itinitibok nito .

        Kasalukuyang namamasukan bilang accountant sa isang malaking Banco sa Maynila ang babaeng minahal niya at matanda sa kanya ng ilang taon at gusto niyang abangan at ihatid na lang sa pag-uwi ….pero wala pa siyang hanap-buhay at ni pamasahe ay kinakapos siya at inilalaan na lang sa pamasahe sa pagpasok sa escuwela .  Kaya sa bahay na lang niya ninais pasyalan .

        Tubong Bacolod ang naging girlfriend niya at ito ngang tinitirhan ay kapatid ng ama at pansamantalang nakikitira habang di pa nakakakita ng mauupahang apartment na malapit sa bancong pinagtratrabahuhan nito . At nagkataong kapit-bahay nila Susie .

        Tuwing linggo na walang pasok ito sa opisina at wala rin siyang pasok sa eskuwela ay pinapasyalan niya sa tinutuluyan nito .

        Kalaunan ay tuluyang naging magboyfriend na uli sila.  At yong inaakala niyang di naman talaga niya mahal ito nong una ay nagkamali pala siya .

         HINDI PALA INFATUATION LAMANG…..KUNDI TRUE LOVE ANG DUMAPO SA KANYA….AT ITINALAGA NA NIYA SA KANYANG SARILI NA ITO  NA ANG  BABAENG  PAKAKASALAN  NIYA  .

         Ipinangako at sinabi pa niya na hihinto na siya ng pag-aaral at maghahanap na lang siya ng trabaho at magpapakasal na sila .

         Marami silang mga pangarap na binubuo na pinagsumpaan na kamatayan lamang ang makapaghihiwalay sa kanila. Sisikapin daw niyang makakita na ng trabaho at nang matuloy na ang kanilang balak na pagpapakasal .  Hindi raw siya aasa at sasandig na lamang sa trabaho ng kanyang magiging asawa .  Katwiran niya …siya daw ang lalake at nararapat lamang na tawagin siya bilang padre de pamilya…na  ma-ipagmamalaki ng kanyang magiging mga anak at ito ang pangako niya sa babaeng pakakasalan na niya .

        NGUNIT MAY DUMATING NA ISANG BAGAY NA MAHIRAP NIYANG MATANGGAP ….kasalukuyan pa lang bumubuo sila ng mga pangarap at bago pa lang nila nilalasap ang pagiging magkasintahan  ay ilang araw na di na nakikipagkita sa kanya ang naturang babaeng kasintahan  at nabalitaan na lang niyang sumamang muli sa dating boyfriend nito at nagkabalikan muli sila.

       PARANG GUMUHO ANG MUNDO NIYA .

       Ginawa lamang pala siyang  PAMASAK-BUTAS at napaniwalang mahal siya nito. Nagkagalit lamang pala sila ng dating boyfriend nito at gumanti lamang dito at ng lumaon ay nagkabati na naman .

       Sa tindi ng kanyang sama ng loob ay isinumpa niyang di na siya iibig pa at magtitiwala sa kanino mang babae at ipagpapatuloy na lamang niya ang kanyang pag-aaral.

        NANG LUMAON  ay naging panatag na siya at naging maligaya na siya sa takbo ng kanyang buhay….at limot na ang masamang panaginip at bangungot na nangyari sa kanya at natuon na lang ang kanyang pansin sa pag-aaral at gusto niya talagang makatapos ng architecture at mapagsilbihan naman niya ang kanyang  mga magulang na nagsisikap kahit papano na matustusan ang kanyang pag-aaral at di na siya nakakaisip manligaw .

        HA!……ika pa ng kanyang kaibigan at ka-clasmate…..eh papano na yong mga babaeng nagkakandarapa sayo….sayang  yon….ha, ha, ha….ang pagbibiro nito .

        HUU….hamo nang magsitulo ang laway nila.…hinding-hindi nila ako matitikman…ha, ha, ha…..ang minsan pang birong naisagot niya upang maibsan at matakpan lamang ang naging kabiguan at naging karanasan niya sa babaeng sumira ng kanyang mga pinapangarap .

        PE O mga ilang buwan lang  ang nagdaan ay nabalitaan na naman niya na muling nagkalabuan at nagka-break na naman ang babaeng minahal niya at dati nitong boyfriend .

        NA MULING NAGBALIK AT NGAYO’Y HETO AT NAGPASAMA PA SA KANYANG KAIBIGANG SI SUSIE na ginawang padrino na mahikayat siya at ipinakukumusta siya at hinihintay na muli niyang suyuin ……

        HETO NGAYON SA KANYANG HARAPAN at parang sa palagay niya ay talagang gustong muli silang magkabalikan .

        SA  LOOB-LOOB NIYA ……

        Ano kaya ang akala sa akin ng babaeng ito…na napakatanga ko na… NA PARANG ASO…nilawayan at kinain at iniluwa at pagkatapos ay muling kinain….at parang lumang damit sa ukay-ukay na pinagsawaan na ng China at ibang bansa ay isusuot pa niya .

        At ngayon ay inaasahang babalikan ko pa siya …ha, ha, ha…nakakatawa naman.

        Noong una….OO…inaamin ko…di ko alintana kung anoman ang pinagdaanan niya at minahal ko pa rin siya kahit pagtawanan pa ako ng aking kapwa lalake….pero ng ulitin niya ito ay di ko na yata maaatim at masisikmura .

        HINDI NA NIYA nagawang kumustahin at pansinin ito dahil hangga ngayon ay di pa naghihilom ang sugat na iniwanan nito sa kanyang puso at isinantabi muna niya ang muling magmahal at  AYAW NA NIYA TALAGA SA BABAENG MAPAGLARO SA PAG-IBIG  .

        Lalong hindi na niya talaga magagawang muli pang susuyuin ito na magkabalikan pa sila  at isasantabi muna at isasarado muna niya talaga ang kanyang puso na magmahal uli …dahil nakatuon ngayon ang kanyang pansin sa problemang kinakaharap ng kanilang pamilya .

        HINDI NA NIYA INALINTANA na  kung naging bastos man siya sa oras na yon….kasi sinadya niyang umalis na di na nagpa-alam at nagpahalatang naiinis siya sa pagkikita nilang muli…hinding-hindi na siya paloloko….hindi na niya mahal ang babaeng ito……

        At itong si Susie na lihim din niyang minahal noon ay biglang nainis din siya…kasi pakiwari niya…. talagang type din nito ang naging girlfriend niya kaya lagi silang magkasama.

        Sa loob-loob ni Ralph…..o sige…..kayo na lang ang magsama…ha, ha, ha…ang masakit at mapait at pilit niyang pagtawa .

        Hindi pala siya suwerte sa akala ng iba…..MALAS PALA SIYA  sa kanyang minahal na mga babae….yong isa ay abnormal at ito namang isa ay nagpaka-abnormal .

        At umalis nga siyang naiwang napatanga na lamang ang babaeng naging girlfriend niya na umaasang muli silang magkakabalikan… at maging si Susie ay nanibago at nagtaka sa inasal niyang iyon ay napatanga na rin .

        May pupuntahan daw si Ralph na mas mahalaga kaysa kanila .

        TOTOONG  may pupuntahan siya at naabala lang ng dating kabarkadang babaeng lihim niyang minahal noon at nataon pang naroroon din ang babaeng minsan niyang minahal pero minsan na rin niyang kinamuhian.

       Itutuloy………………..