Mula Karate Patungo sa Karate-do 5 : Si Hironori Otsuka at ang Wado-Ryu

Sina Hironori Otsuka (kaliwa) at Gichin Funakoshii (kanan).

 

Sina Hironori Otsuka (kaliwa) at Gichin Funakoshii (kanan).
Sina Hironori Otsuka (kaliwa) at Gichin Funakoshii (kanan).

Isa sa mga malugod na sumalubong sa pagdating ni Master Gichin Funakoshi sa Tokyo noong 1922 ay si Hironori Otsuka. Isang batikang manlalaro ng jujutsu (tinuruan siya ng kanyang ama sa edad na anin), si Hironori Otsuka ay naging isa sa mga pangunahing estudyante ni Funakoshi.

Noong 1938, itinatag niya ang estilong Wado-Ryu (way of Peace) – base sa kanyang mahabang pagsasanay ng jujutsu, atemi-style kempo at karate-do.

Tulad ng Shotokan karate, malaki ang pinahahalagahan ng Wado-ryu sa mga kata. Importante rin sa Wado-ryu ang bilis sa pagsangga o pagsalat sabay bilis sa ganting lusob (katangian na makikita sa jujutsu).

Noong 1966, pinarangalan ng pamahalaang Hapones si Master Otsuka ng 5th Order of Merit (Cordon of the Rising Sun) dahil  sa kanyang kontribusyon sa larangan ng karate.

Popular ngayon ang Wado-ryu hindi lamang sa Japan kundi maging sa Europa partikular sa Britanya. Sikat rin ito sa Australia, Canada at America (Hilaga at Timog).

Tulad ng tatlong naunang estilo, ang Wado-ryu ay kinikilala ng Japan Karate Federation (kung saan dating Vice-Chairman si Otsuka) at ng World Karate-do Federation (WKF).

(Susunod: Karate-do Dinumog sa Maynila)

Enhanced by Zemanta

About George M. Hizon

George M. Hizon was the former Karate-do head instructor of Claret School. This was during his college years at the De La Salle University from 1980-81. He would later become the head instructor of the University of the Philippines from mid 1983 to 1984.