Mula Karate Patungo sa Karate-do 3 : Ama ng Karate-do

Ang ama ng Karate-do na si Gichin Funakoshi.

 

 Ang ama ng Karate-do na si Gichin Funakoshi.
Ang ama ng Karate-do na si Gichin Funakoshi.

Isang tahimik na nilalang si Master Gichin Funakoshi na isinilang sa Shuri, Okinawa noong 1868.

Nagsimulang magsanay ang masakatin at uuno-unong 11-anyos na si Funakoshi ng karate upang mapatigas at mapalusog ang kanyang katawan. Dito niya naging guro sina Yasutsune Azato at Anko Itosu – kapwa pinakadakilang maestro ng karate nang mga panahong iyon.

Sa bungad ng dekada 1900’s nadiskubre ng isang Hapones na Military doctor ang kagalingan ng karate habang nagsusuri siya ng mga Okinawan military conscripts na may magagandang physique na dulot umano ng pagpapraktis ng karate.

Noong 1902, kaagad inanyayahan ng Okinawan Education minister si Master Funakoshi na i-demostrate ang karate. Naging matagumpay ito kaya noong 1903 ay ipinakilala ang karate sa school curriculum.

Bandang 1906, unang namalas ang open exhibition ng karate sa Okinawa.

Ipinamalas din ni Funakoshi ang martial arts sa admiral ng modernong Japanese navy noong 1912 na nagkainteres na pakalatin ang karate sa Japan mainland. Gayon din sa Butokuden – Hall of martial virtues sa Japanese mainland at sa kabutihang palad noong Abril, 1922 ay pormal siyang inanyayahan ng Ministry of Education sa isang karate exhibit sa Tokyo sa harap mismo ni Crown Prince Hirohito – na naging hagdan upang ikalat ang karate sa buong Japan at maging sa buong daigdig.

Pinangatawanan ni Master Funakoshi ang pagiging lider ng modernong Japanese karate mula 1936. Binago niya ang pangalang karate (China Hand ang tawag sa Okinawa) tungo sa pagiging karate-do (Empty Hand way sa Japanese).

Tinanggap ito ng ilang Okinawans nang buong kasagraduhan. Gayon man may mailinis na layunin dito si Master Funakoshi – nais niyang bigyan diin dito ang puntong spiritual ng karate. Bago ang radikal na pagbabagong ito ginagamit ang karate bilang pang-self-defense. Sa pagpapalit ng kahulugan ng karate ay nagbago na rin ang kaanyuan, nilalaman at ang mithiin nito sa kabuuan.

Sa panahon ding ito, nakalikom ng malaking halaga Si Master Funakoshi upang makapagtayo ng isang dojo na tinawag na Shotokan o Shoto’s gym (Shoto ang pen name ni Funakoshi).

Dumagsa ang mga estudyante niya noong 1945 pero nangamatay ang matatandang guro sa digmaan (Ikalawang Pang-daigdig na Digmaan). Nawasak din ang kanyang dojo dahil sa pagpapasabog ng bomba isang gabi.

Sinikap ni Funakoshi na muling buhayin ang Karate-do sa edad na 79 noong 1947. Taliwas sa Judo at iba pang martial arts ay hindi ipinagbawal ng American forces ang Karate-do. Inakala ng mga Amerikano na ang Karate-do ay isang simpleng sayaw kaya di nahalata ang kanyang pagyabong. At, hindi naman kasi kilala ang Karate-do noong mga panahong iyon, di tulad ng Judo at Kendo na medyo kilala na sa Amerika at sa buong mundo.

Noong 1949, sinimulan ni Master Funakoshi ang pagtuturo ng Karate-do sa mga kolehiyo ng bansang Hapon.

Binawian ng buhay si Master Gichin Funakoshi noong 1957 sa edad na 89 anyos na nagpamana ng isang di malilimutang uri ng pagsasanay at mabuting pag-uugali na nananatiling buhay hangang sa kasalukuyang panahon.

Pinakamalawak ang kanyang estilong Karate-do sa buong daigdig na may tinatayang 10 milyong tagasunod sa mahigit na 90 bansa kabilang ang Filipinas.

(Susunod: Sina Kenwa Mabuni at Chojun Miyagi)

Enhanced by Zemanta

About George M. Hizon

George M. Hizon was the former Karate-do head instructor of Claret School. This was during his college years at the De La Salle University from 1980-81. He would later become the head instructor of the University of the Philippines from mid 1983 to 1984.