Move-On? (Para Sa Mga Taong Hindi Maka Move-On)

Photo Credit: shinzoo.com
Photo Credit: shinzoo.com
Photo Credit: shinzoo.com

Sa hinaba-haba ng ginugol mo sa isang relasyon, naging sobra nang seryoso  at lubusang nasaktan.  Darating din yung panahon na kailangan mong masaktan. Hindi naman tayo matututo kung hindi tayo mabibigo sa kung ano mang bagay na makapagpapaiyak sa atin.

Ang buhay ay hindi puro sarap lang at kaligayahan. Eh, paano nga ba talaga maka-move on?

Halika, usap tayo!

Walang halong duda, isa ka na sa mga taong nagsabing, “Oo naka move-on na ko!”. Pero habang unti-unti mong inaalala ang sarap ng nakaraan, siya namang pumipiraso sa puso mong hindi alam ang kalalagyan.

Anong sinasabi mong naka move-on ka na?

Ayan tayo eh, ang kulit mo kasi. Huwag kang feeling na hindi mo kaya kapag nawala siya. Umiyak ka nang umiyak hanggang maubos ang mga luha mo. Hindi naman masama yun, hindi ba? Masarap umiyak, lalo na kapag sobrang sama ng loob mo. Tandaan mo na hindi yan laro na kailangan mong gamitan ng cheat code para makapandaya; lalong hindi yan katulad ng larong Crazy Kart na kailangan mong dumaan sa short cut lane para madaling makarating sa finish line. Lahat naman dumaraan sa tamang proseso; basta simulan mo lang sa sarili mo.

Dumako naman tayo sa social network. Nakasisiguro ako na friends kayo sa Facebook. If you want to move on totally, go ahead. Alisin mo siya sa friends list mo. I-unfollow mo siya sa Twitter account mo.

Bitter?

Hindi naman totoo na kapag nagbreak kayo eh “Sana friends pa rin tayo.” Kailangan mong gawin yun, dahil yun ang nararapat. Hangga’t maaari, lahat ng bagay na makapagpapaalala sa ‘yo ay itapon mo na, ibasura mo, sunugin mo pa kung kinakailangan. Kahit kasing liit pa ng butil ng bigas yan. Dahil sa maliit na bagay na yun, maaaring nakatago lahat ng sakit na iyong nararamdaman.

Puwede ring maglibang-libang kasama ang malalapit mong kaibigan. Ang kaibigan nandiyan lang yan para suportahan ka. Pero ang higit na makatutulong sa ‘yo ay ang sarili mo. Hindi sila ang dapat na lumapit sa ‘yo, “magkusa ka kapag may time.” Hindi sila ang magsasabi na maging masaya ka. Dahil sa hinaba-haba man ng pagsasama ninyong magkakaibigan, ikaw pa rin ang higit na nakakikilala sa sarili mong kakayahan.

Huwag kang maging bulag sa kaiisip sa kanya.  The mere fact na iniisip mo siya ay lalo ka lang masasaktan at mahihirapan. Isipin mong hindi lang umiikot ang mundo mo dahil sa kanya; isipin mo kung paano iikot ang mundo mo kung wala siya. Paano mo sisimulan? It’s just a matter of praying guidance from above. Ask for the strength to overcome all those obstacles that you have now. Just believe Him and He will give you all.

Masasabi mo lang sa sarili mo na karapat-dapat kang mahalin, kung mamahalin mo muna ang sarili mo. Dapat sarili mo muna ang iniisip mo. Mahalin mo nang todo-todo, 101 percent para lamang. Mahalin mo hangga’t wala pa yung taong nakatadhana para sa ‘yo. Dahil kung hindi mo kayang mahalin ang sarili mong ikaw, wala kang karapatang magmahal ng ibang tao.

Hindi rin sagot sa hiwalayan ang pagpapakamatay.

Ano ka, sira? Kapag pinagtangkaan mo ba ang buhay mo, sa tingin mo babalik yung taong mahal mo o nang iwan sa ‘yo? Hindi naman, ‘di ba?

Minsan gumising ka sa katotohanan, dahil ang katotohanan ang magpapalaya sa iyo.

Napanood mo ba yung pelikulang One More Chance? Anong say ng linya ni John Lloyd Cruz? “Kaya tayo iniiwan ng taong mahal natin, kasi baka may darating na mas ok, na mas mamahalin tayo, yung taong hindi tayo sasaktan at paaasahin, yung nag-iisang taong magtatama ng mali sa buhay natin”.

Isang tao lang ang nang iwan sa ‘yo, kung makapag-emote ka, akala mo parang katapusan na ng mundo. Hindi lang naman iisa ang tao sa mundo. Nakasisiguro ako na sa dinami-rami nito, mahahanap mo rin ang taong nakatadhana para sa ‘yo.

About kelvinjonas

I’m just trying to make a story/blog to explore my imagination in different kind of story that will surely strike the readers heart, lungs, oesophagus, kidney, large intestine into small intestine, reproductive system...HUWAAAATTT, just be kidding, but sort of romance and what so ever. And not even the readers but also to hit the author’s feelings which he will include his own experience in this story. I’m just writing whatever is on my mind and whatever emotions will it take, convey, fetch, pass on, put across and get across and so whatever etcetera, etcetera, blah, blah, blah.