Money War

Bakit may mga taong mayaman, pero makatao?.. Meron din naman taong ‘mayaman‘ pero di naman tao?.. Nakatapak lang ng P1000, akala mo nabili na nya pagkatao ng kaharap nya..  (kilala mo ba?, o baka natatamaan ka?, sorry ka, ikaw talaga yun..)

 

For example, kakausapin ka lang for the sake of money. Syempre magkakapera nga naman siya sayo.. at pagkakaperahan ka pa lalo! Pero after that, hmm.. kapag di na siya nakikinabang sayo,.. that’s it! (kawawa naman yung pobre). Mukhang tanga sa isang tabi..

 

Business as usual, ika nga.. walang personalan trabaho lang. Tama naman yun. Pero i-analyze mo yun maigi. Meron akong kilala dyan sa tabi-tabi. TINATRABAHO ka na,PINEPERSONAL ka pa!  At heto pa,  Business as usual daw pero di mo alam IKAW na mismo ang ginagawa niyang BUSINESS!

 

THE LOVE OF MONEY IS THE ROOT OF ALL KINDS OF EVIL… totoo ba?. Kumporme lang naman dun sa bumabasa at nakakaintindi kung paano nya i-aaply yun.

 

Ganito lang naman yun eh, heres the formulation:

 

MONEY + MAN + GOD = oopss.. mali di ba? Una pa rin kase yung PERA kesa kay GOD. Pero ganito ung nakikita kong style ng kakilala kong NAKATAPAK ng P1000!

 

MAN + MONEY + GOD = hmm.. mali pa rin, kase una yung TAO kesa kay GOD.

 

GOD + MAN + MONEY = correct! thats it. Balanced lahat, di ba?. Si GOD ahead kay MAN, then si MONEY naman nasa ilalim ni MAN.

 

Dapat ganun ang formulation, kaso yung iba wala nang ginawa kundi magpagamit sa pera kaya tuloy nasasabi nila na : THE LOVE OF MONEY IS THE ROOT OF ALL KINDS OF EVIL.

Kase di mo alam imbis na ikaw ang GUMAMIT sa PERA, ang nangyayari, IKAW mismo ang ginagamit ng PERA.

 

Nakakalungkot isipin, kahit ayaw natin tanggapin, ganun pa rin ang nangyayari sa atin sa ngayon. Ginagamit ang pinaghirapan ng iba para sa personal nilang gusto.

 

Di naman masama ang maging mayaman, kahit sino naman nangangarap maging mayaman…kahit AKO mismo.

Walang tao na di nangangarap maging maunlad ang buhay, mabili ang gusto niya,maibigay ang gusto ng pamilya nya.

 

Ikaw?.. saan mo gusto lumagay?

 

Gamitin ka ng pera?..

ikaw ang Gumamit sa Pera?

 

 

Just think of it..

Enhanced by Zemanta

About mangHulyan

hmm .. pano ba simulan 'to?? .. ang alam ko ako si William.Mahilig sa lovesong .. mahilig kumanta pero yung kanta walang hilig sakin . Hindi ko alam kung paano magpakilala dito eh .. basta bahala na, kung may magtyagang magbasa ng mga post ko dito .. salamat .. hehehe ..