Mommy, May Multo!

(Photo Credit: Crainium.net)
(Photo Credit: Crainium.net)

Limang taon lang yung bata noon at naglalaro ng Barbie, nagkukulay ng coloring book niya at nagdo-drawing nung bigla na lang siyang dumating at pumasok sa kuwarto niya. Tinawag niya yung bata tapos ay pinalapit.

Niyakap niya yung bata tapos sinabi niya na namiss siya ni kuya. Nasa seminaryo ang kuya nun at pinagpapari kasi ng magulang niya. Napansin nung bata na hindi normal yung yakap ng kuya niya dahil ang kamay niya ay nasa puwitan na nung bata. Nagpumiglas yung bata dahil hindi na siya komportable.

Sabi ng kuya niya, “naglalambing lang ako.”

Di na nakagalaw yung bata lalo na nung hinalikan siya sa pisngi. Inosente pa ang batang yun at inisip na lang na naglalambing nga lang siguro ang kuya niya. Pero biglang bumaba ang halik ng kuya niya papunta sa leeg niya. Nang maramdaman iyon ng bata, nagpumiglas siya at sa pagpupumiglas niya, napahiga ang bata. Nadaganan siya ng kuya niya at lalong hinalikan sa leeg.

Gustong-gustong sumigaw ng bata nun dahil nasa labas lang ng kuwarto ang nanay niya. Pero walang lumalabas na boses. Sinipa niya ang kuya niya papalayo sa kanya at unti-unti siyang gumapang papunta sa dulo ng kama niya at bumalik sa pagkukulay.

Tinitigan lang siya ng kuya niya nun. At saka lumabas ng kuwarto. Akala siguro ng kuya niya walang imik lang ang bunso niyang kapatid pero sa mura niyang edad, tumakbo sa utak niya at tumatak sa isip niya na, “Na-rape ako. Na-rape ako. Na-rape ako.”

Akala ng bata ay hindi na mauulit ang nangyaring yun. Pero ilang linggo lang ang lumipas ay ganun na naman ang nangyari. Bumalik ang kuya niya ulit sa bahay nila para dumalaw. Hinalikan na naman siya at niyakap. Laging sinasabi ng kuya niya na , “Kuya mo ko, namimiss lang kita. Naglalambing lang ako.”

Pero sa kailaliman ng isip ng batang iyon, hindi iyon ang lambing ng kuya nya. May dalawa pa siyang kuya at hindi naman sila ganun kung halikan siya o yakapin. Pero pinilit ng bata na isipin na baka nga naglalambing lang ang kuya nya.

Ilang taon ang lumipas at lumabas ng seminaryo ang kuya niya. Nakatira na ngayon ito kasama sila. Sa kabila ng saya ng nanay at tatay niya, ang bata naman ay takot na takot dahil alam niya na mauulit at mauulit ang ginawa ng kuya niya noon. Hanggang sa isang araw nangyari ang kinakatakutan niya.

Umalis ang nanay at tatay nila noon at naiwan sa bahay ang bata. Grade 4 na ang bata noon at gumagawa ng homework niya. Biglang dumating galing trabaho ang kuya niya – nagpahain ng hapunan. Sumunod ang bata. Matapos kumain ay iniligpit na ng bata ang mga pinagkainan nang bigla siyang niyakap ng kuya niya. Naghuhugas na siya ng pinggan nun. Niyakap siya nang mahigpit ng kuya niya. Pinilit niyang alisin ang yakap, pero wala siyang magawa, masyadong malakas ang kuya niya. Sinabi na naman sa kanya, “Namimiss lang kita. Lagi akong nasa trabaho. Payakap lang.

Alam ng bata na hindi na tama ang nangyayari, pero wala siyang magawa. Hinalikan na naman siya ng kuya niya sa leeg at ramdam na ramdam niya ang ari ng kapatid na nasa likod niya. Buti na lang at biglang dumating ang nakatatandang kapatid niya na babae.

Kinabukasan ay kinausap siya ng kanyang ate. Tinanong siya, “Nene, naranasan mo na ba yung sexual harassment?”

Kumuha pa ng dictionary ang bata nun at tiningnan kung ano ang ibig sabihin ng harassment. Nang makita niya ang ibig sabihin, tiningnan lang niya ang ate niya at tumango. Napaiyak ang ate niya. Doon lang nagsalita ang bata. Sinabi niya lahat ng ginagawa sa kanya ng kuya niya. Akala ng bata noon ay matatapos na ito, ngunit biglang sinabi ng ate niya, “Wag mo yan sasabihin kay Mommy. Mababaliw lang si Mommy at hindi niya iyan matatanggap.”

Sobrang nalungkot ang bata, pero nangako ang ate niya na hindi siya pababayaan. Na babantayan siya ng ate niya.

Ilang taon ulit ang lumipas at nagpakasal na ang ate niya. Natakot ang bata dahil wala na siyang kakampi. Wala nang magbabantay sa kanya. Highschool na ang bata noon at nagdadalaga na. At nangyari na naman ang kinatatakutan niya.

Umalis ulit ang magulang niya nun. Naiwan na naman siyang kasama ang kuya niya. Niyakap na naman siya nito habang siya’y naghuhugas ng mga pinggan at ipinaramdam na naman ang kanyang ari. Bigla siyang tinanong ng kuya niya, “Nakukuryente ka ba?” Sabay humalik sa batok at leeg ng bata.

Naramdaman ng bata ang pagdampi ng dila ng kanyang kuya. Tumakbo ang bata papunta sa loob ng kuwarto niya at naglock ng pinto. Dumating bigla ang magulang niya at natigil ang kuya niya. Ngunit habang natutulog, mayroong nagpupumilit na buksan ang kanyang pinto. Hinarangan niya ng drawer niya ang pinto at kinabukasan ay nagsumbong sa kanyang Mommy.

Sinabi ng bata sa mommy niya na ayaw na niyang matulog mag-isa. Nang tanungin ng mommy kung bakit, biglang dumating ang kuya niya at masama ang tingin sa kanya. Natakot ang bata kaya sinabi ng bata na mayroong multo sa kuwarto niya. Natawa ang nanay niya, pero pinayagan ang bata na matulog na lang katabi siya habang ang tatay naman niya ay sa kwarto ng bata. Nakahinga ang bata noon.

Akala ng bata ay hindi na magagawa iyon ng kanyang kuya dahil kasama niya lagi ang kanyang mommy sa pagtulog. Hanggang sa isang araw, maagang umalis ang nanay niya para magsimba. Naiwan na nakabukas ang pinto ng kuwarto. Hindi ito naisara ng kanyang mommy. Nagising ang bata na may mabigat sa kanya at pagkita niya ay nakapatong na ang kanyang kuya. Naka-boxers lang ito at pinaghahahalikan na siya sa leeg. Pilit na itinutulak ng bata ang kuya niya papalayo, pero wala itong nagawa. Masyadong mabigat ang kuya niya. Wala ring boses na lumalabas dahil sa takot niya. Hindi niya masaktan ang kuya niya dahil sinasabi ng kuya niya na “Ako ang nagpapaaral sa iyo simula sa simula. Naglalambing lang ako.”

Ramdam na ramdam ng bata ang pagkatutok sa kanya ng isang matigas na bagay. Naitulak ng bata ang kuya niya at tumakbo ito sa banyo. Umiiyak ang bata habang tinatawagan ang ate niya. Iyak nang iyak ang bata at wala nang nasabi kundi, “Ate, si kuya. Ate, si kuya. Ayoko na dito. Ate, kunin mo ko. Ayoko na dito. Sunduin mo na ko.”

Nagmadali ang ate niya sa pagpunta sa kanila. Umalis ang kuya niya. Nang dumating ang ate niya ay pinag-impake ang bata. Papaalis na sila nun nang dumating ang magulang nila. Nagalit ang mommy nila at ayaw paalisin ang bata. Nag-away away sila. Sinisi ng nanay ang bata. Nang-aakit daw kasi siya, inaaakit daw kasi ang kuya nila. Malandi daw ang bata, para makuha daw ang gusto ay nilalandi ang kuya niya. Lalong umiyak ang bata. Wala siyang kakampi. Walang naniniwala sa kanya.

Nang biglang sumigaw ang Daddy nila, “Tumigil ka na! Pakinggan mo naman ang mga anak mo kahit minsan! Gago ang panganay mo! Hindi mo ba nakikita yun?!”

Alam pala ng daddy niya ang lahat. Kaya pala ito pumayag na makipagpalit ng kuwarto. Wala lang magawa ang daddy nila dahil baka daw mapatay niya ang kuya nila sa sobrang galit. Kaya wala na lang ginawa ang daddy nila kundi bantayan ang bata. Kinausap ng mommy nila ang kuya. Ang sinabi lang ng kuya nila, “Napakamalisyosa ng mga anak n’yo. Naglalambing lang ako.” At naniwala naman ang mommy nila sa kuya.

Hindi na naulit sa bata ang nangyari dahil laging nakabantay ang daddy nila. Ngunit  isang taon lang ang lumipas ay binawian ng buhay ang daddy nila. Wala na ngayon bantay sa bata. Pagkalibing ng daddy nila, nawalan ng pag-asa ang bata na hindi na talaga mauulit ang mga nangyari. Buti na lang at may girlfriend na ang kuya niya. At nakatira ito sa bahay nila. Natahimik ang buhay ng bata nang mga panahong iyon.

Hanggang sa isang araw, naliligo ang bata. Pagkita niya sa pinto ay may nakasilip sa kanya habang naliligo. Ang kanyang multo. Nagbabalik ang kanyang multo…

About dollyciouss

I'm not a good writer. I neither have the perfect grammar nor the widest vocabulary (FIlipino or English). I just write what I feel, what's inside of me, and what I can't say out loud. I express my emotions through writing.