MMFF, is it Worth it?

Photo credit: Pep.PH

Malamang, mayroong mga madla ang nagtataka kung bakit wala sina Vic, Vice Ganda at Kris Aquino sa mga mapapanood ngayong taon ng Metro Manila Film Festival.

Ayon sa aking mga nakitang poster, pampagana sa social media sites, mga panggagantso sa tao kung anong mangyayari, ang mga teaser, mga trailer- e, medyo kakaiba nga talaga ang mga ipinalalabas ngayon. Ito ay tipo bang may mga kakaibang kuwento kaysa sa ating mga kinagisnang panoorin na katatawanan, katatakutan, kababalaghan at maramdamin na mga pelikula.

Ngunit ‘worth it nga ba ang panonood ng mga pelikulang ito?’ Oo, worth it naman, hindi ka mawawalan ng ganang manood dahil nga ito ay bago at mas mayroong katuturan ang mga istorya, ngunit sabi nga ng ating mga nakatatanda- na ang Pasko raw ay para sa mga bata at ang MMFF ay naturingang nagagawi tuwing bisperas ng pasko! Whooo, hustle naman ‘te! Kaloka na ‘to. Whoooo, issue yan!

Pero siguro, eto na yung oras na bigyan naman natin ng pagkakataon ‘yung mga pelikulang makabago at mayroong mga artistang ‘di masyadong hinihirang. Mga writer na ngayon lang mabibigyan ng pagkakataong isiwalat ang mga sining nila.

Para pa rin naman ito sa ating mga Pilipino e, kung sino man ang artista, ano man ang istorya, pakulo o theme song- ay dapat pa rin nating suportahan.

Hindi porke’t wala ang poging artistang crush ng bayan, e hindi ka na manonood?

Tandaan mo, huwag kang maantig sa mga itsura ng karakter, kundi sa kanilang pagganap at ikot ng istorya. Dahil hindi mananatili ang ipinahihiwatig ng pelikula kung inaalala mo lamang ang mukha ng karakter!

About chsandr_26

Isang makabuluhang pag-iisip sa nag-kakagulong mundo.