Miss mo na bang KILIGIN???

Marami nakong naririnig na nagsasabing “Nakakamiss na ang ma in love”. Nag aagre naman ako 100%. Nakakamiss na yung feeling na kinikilig. Yung natural na kilig ah. Hindi yung pilit at hindi rin yung tipong kinikilig ka lang dahil sa napanuod mong movie or kung anuman nabasa mong love story. Yung talaga Live na kilig. Yung true-to-life. Hindi na kasi natin napapansin yung mga ganun na emosyon eh. Kasi ba naman, sa 24 oras na binigay ng Diyos sa isang araw, eh mahigit 12 oras ang ini spend natin sa work, the rest, sa mga worries or sa mga issues ng pamilya, sa friends, sa housemates o sa updates ng mga lovelife ng mga artista sa TV at most of the time sa Twitter, sa FB o kung anu anupang social networks. Hay. Kung may free time ka naman eh mas gusto mo na lang itulog. Kelan nga ba yung last time na kinilig ka?? Yung parang tumigil ang mundo mo. Yung di ka makahinga, tapos kahit na gutom na gutom ka na eh di mo na nararamdaman, bigla ka na lang nanghihina kasi di ka pa pala kumakain. Hehe! Di ba? Come on, relate na relate kayo sakin, Kahit In a relationship pa kayo ngayon o single. Nakakamiss. Gustong gusto mong maramdaman ulit ang feeling ng KINIKILIG. Kung minsan kasi di natin namamalayan, tayo na mismo yung tumataboy sa moment o sa feeling na ito.

Siguro, dahil UNA, ang walang kamatayang rason na BUSY AKO. Kapag busy ka nga naman, eh masyadong pre occupied ang utak mo. Kahit nga siguro mga tao sa paligid mo di mo na kilala eh, eh pano ka pa kaya magkakaroon ng kilig moments niyan. Lahat na ng atensyon mo eh nakapako na sa trabaho mo. Pressured ka na nga tensed ka pa. Palagi ka pang pagod. San na sisingit si Kilig niyan?? Kaya ang tendency, kapag nabobrought up ang kilig moment, kusa na siyang tinataboy ng isip natin. Nagsusumigaw na “Hay naku, magtigil. BUSY AKO!”

PANGALAWA. Umabot ka na sa sitwasyon na medyo nahihiya ka na. Na parang yung kilig moments eh parang pang High school lang. Di ka na masyadong nageexpect na may mararamdaman ka pang ganung kilig kasi nga uso nga lang yun sa High School. Ayaw mo ng magpakakeso. Nababaduyan ka na. Kahit ako, di ko alam kung pano magreact sa mga kesong linya na nauuso ngayon. Initial reaction mo pa eh nacocornyhan ka. Para kasing kapag pinatulan mo eh parang mas maiirita ka pa sa sarili mo. Ang cheeesssyyy!!

PANGATLO. Masyado ka ng negative sa mga nararamdaman mo na hindi mo na ito pinapansin. Dahil siguro sa mga pambobola o panloloko na naexperience mo na sa past. Di mo an sineseryoso kahit ang nararamdaman mo. O kaya nagkaroon ka na ng mentality na ang mga lalaki ay sadya lang talagang malalandi at mahaharot. Pa fall. Pa asa. Kaya ang epekto eh kapag pumapasok na ang kilig feeling sayo eh, tinatabla mo na kaagad ito. Binabanatan ka na kagad ng utak mo na, “feelingera ka, ikaw lang ang tinatamaan..” kaya ayun most of the time nababalewala ang moment. Kaaway mo pa ang sarili mo. At pwede din na ayaw mo lang masabihang baduy, madrama, emo o hopeless romantic. At lalo na, ayaw mong masabihan na feelingera. Nakakaasar kung minsan ang mga ganun. Makwento ka lang na kinikilig ka, kinokontra ka na kagad. Bitter. Kaya yan tuloy, nagiging bitter ka na rin.

PANG APAT. Siguro magaapply ‘to sa mga in a relationship na ang status. Pati na rin sa mga married. Opinyon ko lang to ah. I’m not in a relationship ngayon eh, mas lalo nang hindi ako married. Base lang to sa mga kwento-kwento ng mga kaibigan ko na ganun na ang status. Masyado na daw kasing nasasanay sa sitwasyon. Sanay ng magkasama, na magkausap, na nawawalan na daw ng excitement yung relationship. Sa katunayan, yung linyang ‘nakakamiss na ang feeling na kinikilig’ eh nanggaling sa isa kong kaibigan na almost 5 years ng in a relationship. Pati na rin sa mga married. Meron pa silang linya na, ‘Yes I am loving but I am not in Love.’ Siguro tinutukoy nila yung high feeling na being in love. Relate naman ako. Kaya nga sabi, di ba nga ng mga lumilipad na advice, sa mga magboypren/gerlpren at sa mga mag asawa, always make an effort na hindi daw mamatay yung spark between the two of them. Kaya kung minsan siguro namimiss na nila yung feeling ng kinikilig kasi unti unti ng natutupos ang apoy. Haha!

PANG LIMA. Wala ka sa mood. Tinatamad ka. Gusto mo palagi mapag isa. At higit sa lahat, masyado kang nagpapantansya ng ideal na pagkakataon na hindi mo na napapansin na may kilig moments na pala sa paligid mo. Kasi nga nakafocus ka dun sa idea mo na gusto ko ganito, gusto ko ganyan. Tapos magrereklamo ka na di ka kinikilig. You’re already losing the power of spontaniety. Saka di ka naman talaga kikiligin kung from the start eh alam mo na ang mangyayari, o kaya ay sinet up mo na yung standard mo na ‘eto ang mga bagay na makakapagpapakilig sakin’. Wala ng breathtaking moment yun. Wala ng element of surprise na mahalaga sa isang kilig moment. Hihi!

Anyway, kahit anupaman na sitwasyon. Masarap pa rin ang feeling ng kinikilig. Masarap iimagine na kinikilig ka lalo na kapag nakakarinig ka ng mga love songs, o nakakakita ka ng mga sweet moments sa mga sikat na tao o sa pelikula, na winiwish mo na sana ikaw din, makaexperience ng ganun.

 

Ako naman, umaasa pa rin ako na darating ang ultimate kilig moment para sakin. Na lahat ng iniimagine ko na makakapagpatigil ng mundo ko ay higit pa sa ibibigay ng moment sakin. Yung di ka makapaniwala na nangyayari yun, di ka makapaniwala na siya yung nasa harapan mo. Di mo alam kung tatawa ka o iiyak. Di ka makagalaw, di ka makahinga, di ka makapagsalita, ang kaya mo lang gawin ay titigan siya. Yung feeling na yun na yung hinihintay mo sa buhay mo kaya ayaw mo ng pakawalan. Wala ka ng pakialam kung baduy, o kung ano ang sinasabi ng utak mo o anuman ang sinasabi ng mundo. Basta ang alam mo ayaw mo ng umalis sa moment na yun. Ayaw mong mawala kung anuman ang nararamdaman mo. Gusto mo lang siyang yakapin. Di mo na kayang magsalita pa ng ‘I love you’ kasi di na sapat ang I love you para idefine yung moment.

Haaay. Sarap ulit ma In love. *KILIG* 🙂

 

 

24 Comments

  1. namimiss ko nang ma inlove hehehe…kilig to the bones and my spirit is happy when i’m in love with the right person though.

  2. namimiss ko nang ma inlove hehehe…kilig to the bones and my spirit is happy when i’m in love with the right person though.

  3. namimiss ko nang ma inlove hehehe…kilig to the bones and my spirit is happy when i’m in love with the right person though.

  4. namimiss ko nang ma inlove hehehe…kilig to the bones and my spirit is happy when i’m in love with the right person though.

  5. Mga tsika pag sila nakaka kita ng guwapo sila ay KINIKILIG. Nakakalimutan na nila na sila ay may BF o kaya sila ay may asawa na.

Leave a Reply

Your email address will not be published.