Minsan May Nagmahal Sa’yo

Minsan may nagmahal sa’yo pero binalewala mo
Minsan may nagmahal sa’yo pero itinaboy mo
Minsan may nagmahal sa’yo pero anong ginawa mo?
pinaluha at inisang tabi.
Sabi niya “Mahal kita” ngunit wala kang nai-sagot ni-isang letra..

Minsan may nagmahal sa’yo pero lumayo ka
Minsan may nagmahal sa’yo pero nagpakamanhid ka
Minsan may nagmahal sa’yo pero naghanap ka ng iba
Pinaluha at winasak ang puso niya.
Sabi niya “Ikaw lang” ang sagot mo “Okay ka lang?”

Minsan may nagmahal sa’yo pero sinaktan mo ng pauilt-ulit
Minsan may nagmahal sa’yo pero hindi mo binigyan ng kahit kaunting pag-ibig
Minsan may nagmahal sa’yo pero kahit pagpapahalaga wala kang ibinalik
Pinaluha at pinagod mo siya
At ngayon sabi mo “Bigyan mo ako ng pangalawang pagkakataon”
pero sabi niya “Binigyan mo ba ako ng pagkakataon na mahalin ng puso mo?
pinagod mo lang akong umasa sa’yo.”

lost

About soulsurfer

I am from my mother's womb, I'm quite a human, I have nothing much to share except for my ragged ideas about things that I have felt and experienced, I do whatever I want, I don't talk too much but I am never good in not speaking my mind. I am a direct person, and reading between the line is out of my league, I love photography, I love to capture & steal moments and stare at it all day. I love life, something I would never get tired flirting with. 🙂