Minsan May Isang Ako

300px-OFW-Logo1Nakatayo ako; hindi ko alam kung paano ako nakarating sa simbahang ito,,,,, hindi ko alam kung bakit mula sa ibayong dagat ay narating ko ulit ang lupang aking sinilangan.  Galing ako sa bansang aking pinagtatrabahuan; heto ako ngayon nakaapak ang mga paa sa lugar na pilit kong iwinaglit sa aking isipan,

Sa maraming dahilan at kadahilanan.

Marami ang nagsasabi na ipokrita ako.  Oo, naging ipokrita akong tinitiis ang lahat para sa katahimikan. Pero bago n’yo ako husgaan ay hayaan n’yo munang alamin ang dahilan kung bakit naging ipokrita ako sa sarili kong lupang sinilangan.

Ako si Vanessa, nag-iisang anak sa tahanang ang tanging nariyan ay isang yayang laging nakaagapay sa lahat.

Isinilang ako sa lugar kung saan sikat ang aking pamilya…….. ‘ika nga ay may gintong kutsara sa bibig. Nag-aaral ako nang may yaya at katulong sa bahay. Buhay-prinsesa ako sa aming malapalasyong bahay…. nag-iisa akong anak sa palasyong iyon…..

Palasyong ako ang prinsesa na lahat ng luho at gusto ay nakukuha. Oo, masayahin akong bata, pero hindi nila alam ang sakit na dulot ng pag-iisa. Tanging yaya ang kasa-kasama. Si Mama ay busy sa career niya, na pinag-aawayan nila palagi ng Papa….. ayaw ni Papa na magmomodelo pa si Mama, pero buhay iyong nakasanayan ng aking mahal na ina. Si Papa naman ay madalang kong makikita sa palasyong aking kinatatayuan at kinabibilangan. …pero kahit minsan ay hindi nagkulang si Papa bilang ama sa akin; maliban nlng sa oras.

As the years passed by, naging isang ganap na dalaga ako, natutong umibig sa isang dayo sa lugar namin.  Noong una ay ayaw ni Papa sa kanya, sumingit naman si Mama kaya sa edad na 21 ay itatakda na sana ang aking kasal…..

Birthday ko two months before ang kasal, birthday ni inay sa susunod na linggo pero huli parati si Papa….. namimis ko ang aking ama…

”Magtatagal ka ba, Dad?” iyon ang lagi kong tinatanong pag dumarating si Papa….busy kasi siya.

Itinakda at naganap ang kasalan; late ang aking Papa. Pero naintindihan ko siya…

 Years passed by again at naging ina ako sa kambal na lalaki, nagkikita pa rin kami ng aking ama, dahil doon pa rin kami nakatira sa palasyong ako ang prinsesa at nagmamana.

Masaya ang aking pamilya. Hanggang isang gabi noon, umuwi si Papa at wala ang aking asawa.

Dinig ng dalawa kong tainga ang pagtatalo ng aking mga magulang.

”Dumating ka pa?” boses iyon ng aking ina. Ramdam ko ang hinanakit at tampo sa boses ni ina…

”Lasing ka na naman,” sagot ni ama…. oo, nitong nakaraan taon ay malungkot si Mama, lasing, nasa bahay, at ang tanging nagpapangiti sa kanya ay ang aking anak.

Nagtatalo sila….

”Umuwi ka pa, naalala mo pa kami ni Vanessa at ang magaling mong manugang? Hanggang kailan mo itatago kay Vanessa ang lahat?  Takot kang malaman niya na ang mahal niyang ama ay tutol na ipakasal sa napusuan niya dahil dayo sa lugar natin?  Saan ba ang ikinatatakot mo.? Ang malaman niya na na kaya wala ang dakilang ama niya sa mga mahalagang okasyon ay dahil may pamilya ka?
Litanya ng aking ina…….

Kaya pala….. ngayon, hindi nila  nalalaman na alam ko ang totoo…..

Nadiagnose ang Mama ko na may sakit  na tumor at  diabetes ….. ang palasyong dati ako ang nagmamay-ari ay nawala na…… dahil sa kagustuhan kong maipagamot si inay….

At dahil walang-wala na kami ay kinausap ko ang aking mister na mag-aabroad ako……na kahit sa panaginip ay ‘di ko inisip…. Noong una ay tutol ang aking asawa, ngunit wala na rin siyang magwa.  Nakarating ako sa bansang Canada sa tulong ng aking ina…… naging caregiver ako……

Sa patuloy na pagbubuhay-abroad nadagdagan nang kaunti ang buhay ni ina, na inabandonado na ng dakilang ama ko….. at dahil nga nalalaman ng unang pamilya ni Papa na may pangalawang pamilya,masakit mang tanggapin, hindi kami ang pinili ng aking mahal na papa.

—–magulo ang story simula rito.  

Umuwi ako sa libing ng aking ina……

Noong una ay mahirap akong tanggapin ng aking kambal.  Umuuwi ako taon-taon…..noon. Nagbabalak na sana ako na tapusin ko na ang kontrata ko at uuwi na for good dahil kahit papaano ay may naipundar na rin sa tulong ng aking mag-ama.

“Mama, ‘wag ka na mag-abroad, please,” iyon ang huling yakap ko sa  anak ko na dalaga na pala.

Nang umuwi ako ay nadatnan ko ang anak kong lalaki at babae kasama ng kanilang ama na wala nang buhay…….nirape  ang anak ko at pagkatapos ay pinatày,,,,, pagkatapos nilang nakawin ang naipundar namin ay ninakaw pa nila pati ang buhay ng aking mag-aama.

Oo, may nahuling suspek….. sa masaker na naganap, pero sadyang ganun ba talaga sa atin? Walang hustisya? At walang ahensya ng  gobyerno na nangangalaga sa kaso na tulad ng sa amin? Ilang beses, ilang ahensya at ilang sangay ng pamahalaan na ang nilapitan ko, pero hanggang ngayon ay walang nangyari at walang nakaaalaala na MINSAN AY MAY ISANG AKO NA NAWALAN NG PAMILYA AT NAGHAHANGAD NG HUSTISYA….

Tuloy ang buhay; isa, dalawa, hanggang naging SAMPUNG taon na akong naninilbihan sa amo kong puti…..Pero magpahanggang ngayon ay wala pa rin akong balita sa kaso……..

At ngayon nga’y nakatapak ang aking mga paa sa simbahang ito na saksi sa lahat ng ng aking saya at pighati….dahi nandito ang aking mahal na ama, nakasilid sa kuwartong kabaong at wala nang buhay……na sa huli niyang hiling ay maiburol sa lugar at simbahan kung saan ako nagkamalay at siguro’y mamamatay….. ….

NGYON N”YO AKO HUSGAHAN KUNG BAKIT GUSTO KONG KALIMUTAN ANG AKING INANG BAYAN ??

About Jhacque

I'm just an ordinary girl who walks with faith, a trying hard writer, a wanderer who lust for an adventurous travel and crave for peaceful places. I write to impress not but to express my feelings .... Like you, I laugh , I cry, I get hurt too.... ... Isang babaeng madaling tumawa,at humanga sa mga magagandang tanawin, Mabait daw ako pero luko-luko,saksakan ng kakulitan,,Isip bata kung minsan. Marunong tumawa at marunong ding ngumiti pero may temper na matindi.