Michael Jackson, Whitney Houston At Ang Illuminati

MJWHITNEYGaano nga ba katotoo ang alegasyon na may kinalaman ang Illuminati sa pagkamatay nina Michael Jackson at Whitney Houston – ang dalawa sa pinakasikat na singer/artist ng mga nagdaang dekada?

Hindi ako masyadong nagpapaniwala sa mga conspiracy theories dahil ang problema kasi sa mga kuwentong ito ay mahirap patunayan at dahil din sa dami ng nakikisawsaw na mga conspiracy theorists,  hindi mo na alam kung alin ang totoo at alin ang hindi.

Ngunit isang teorya ang nakapukaw sa interes ko nang minsang naglalagalag sa mundo ng internet, partikular na sa Youtube.  Ito ay ang tungkol sa Illuminati – isa umanong secret society na nagsusulong ng New World Order at may malakas daw na impluwensiya sa mga Hollywood celebrities lalo na sa music industry.

Ang Illuminati ay una kong nabasa sa aklat ni Dan Brown na Angels and Demons. Inilarawan dito ang grupo bilang sikretong organisasyon na may kapangyarihang makialam sa mga malalaking kaganapan sa mundo. Marami na rin akong nabasang mga secret societies tulad ng Inver Brass sa mga aklat ni Robert Ludlum at ang Skulls and Bones ng Yale University. Pero ang pinakaprominente sa kanila ay ang Illuminati.

Ayon sa mga napanood kong documentaries (http://www.youtube.com/watch?feature=player_detailpage&v=X30M9h8xqVo) , makapangyarihan ang grupong ito bukod pa sa napakayaman. At ayon din sa mga ito, ang grupo daw ay nagsusulong ng satanismo at karamihan sa mga sikat na singers ngayon sa mainstream music ay kontrolado ng Illuminati. Nabanggit ang mga pangalan nina Jay-Z, Eminem, Rihanna, Britney Spears, at marami pang iba.

Tinalakay din sa video ang mga sumusunod:

–          Karamihan daw sa mga sikat na singers noon at ngayon ay nagbenta ng kanilang kaluluwa kapalit ng kayamanan at kasikatan.

–          Ang ilang mga kanta ay mayroong nakatagong mensahe at malalaman mo ito pag nai-play ng pabaliktad ang kanta. Ang mga subliminal messages na ito ay karaniwang patungkol sa demonyo.

–          Bakit madalas mabanggit ang Illuminati at Rain Man sa mga kanta ng ilang singers? Sino si Rain Man?

–          Maging ang mga video ay may nakatagong mga imahe na hindi napapansin ng ordinaryong manonood.

–          Ang Illuminati umano ang may kinalaman sa pagkamatay ng ilang sikat na celebrities (tulad nina Jackson at Houston) at pagkasira naman ng buhay ng iba.

–          Ang Illuminati umano ay isang kulto na naniniwala sa symbolism at numerology.

Talakayin natin ng pahapyaw ang mga kaso nina Michael Jackson at Whitney Houston. Hanggang sa kasalukuyan ay nalalambungan pa rin ng misteryo at mga tanong ang kanilang pagkamatay. Bakit sila ninais ipapatay ng Illuminati?

Si Michael, dahil umano ay nais na niyang kumawala sa kontrol ng kulto. Sa video ng kanta niyang Black and White ay ipinakita ni MJ kung paano siya nagrebelde at nakahulagpos sa Illuminati. Dahil dito naging target ang King of Pop ng kapangyarihan ng kulto. Una ay sinira muna ang kaniyang pagkatao sa harap ng publiko sa pamamagitan ng  media kaya andami niyang kinaharap na kaso tulad ng child molestation at sari-saring kontrobersiya sa kaniyang buhay. Sa ilang interview kay Michael ay paulit-ulit niyang sinasabi na pagod na pagod na siya sa pagmamaniobra ng ilan sa kaniyang buhay bagama’t hindi niya tuwirang tinukoy ditto ang Illuminati.

Pero ang lahat ng ito ay nalampasan ni MJ kaya nga nagpasiya siyang magstage ng comeback noong 2009 sa pamamagitan ng This Is It World Tour. Pero hindi yata tumitigil ang grupo hanggang sa tuluyan siyang patayin.

Noong June 25, 2009 ay natagpuan siyang wala nang buhay sa kaniyang inuupahang mansiyon sa LA. Maraming tanong ang hindi nasagot sa kaniyang hindi inaasahang pagpanaw. Maging ang kaniyang personal physician na si Conrad Murray ay nahaharap ngayon sa kasong kapabayaan.

Sa isang interview din sa kapatid ni MJ  na si LaToya Jackson ay isiniwalat niyang matagal nang sinasabi sa kaniya ni Michael na may gustong magpapatay sa kaniya. Ngunit nang tanungin kung sino ito ay tumanggi nang sumagot si La Toya.

Ang kaso naman ni Whitney Houston (http://www.youtube.com/watch?feature=player_detailpage&v=mmxJe2IHYQo) ay itinuturing na isang sacrifice ng kultong Illuminati. Isang sakripisyo umano sa ritwal ng grupo.

Tulad ni Michael, naababalot din ng misteryo ang kaniyang pagkamatay. At tulad din ng King of Pop, ay sari-saring kontrobersiya sa personal na buhay ang hinarap ni Whitney.

Ano-ano ba ang mga hiwaga sa pagkamatay ng singer?

Isang araw bago nalunod sa bath tub si Houston, ay muntik na ring malunod dito ang kaniyang sariling anak. Coincidence?

Sa isa sa kaniyang mga huling video, ang interview nina Monica at Clive Davies kay Brandy(isa ring sikat na singer) ay biglang pumasok si Whitney sa eksena. Nang tanungin siya ni Monica kung bakit basa siya, eto sagot noi Whitney-“Because I went swimming I almost DROWN again”. Isa ba itong premonisyon ng kaniyang napipintong pagkalunod?

Kasabay nito ay ang pag-abot ni Whitney ng isang note kay Brandy.

Kitang-kita sa mukha ni Brandy ang pagkagulat sa pakatanggap ng note. Nang tanugin siya tungkol dito, matapos ang pagkamatay ni Whitney, ay tumangging isiwalat ang nakasulat sa papel. Ano ang koneksiyon ni Brandy sa pagkamatay ni Whitney Houston?

Well, eto po – namatay si Whitney noong February 11, 2009, eksaktong 30th birthday naman ni Brandy.

Ang Illuminati ay gumagamit ng simbolismo at numerology sa kanilang mga ritwal. Dahil naniniwala silang dito nagmumula ang kanilang kapangyarihan.

Ang mga numbers na 11, 22 at 33 ay napakahalaga sa kanila. Ngunit sila lamang ang may alam kung paano at kailan ito nararapat na sundin.

Isa pang misteryo ay ang dalawang Egyptian sarcopaghus na nakapwesto sa funeral homes ni Whitney. Ano ang ibig sabihin nito?

Ang konklusyon ng documentary, dahil sa masusing pag-aaral ng kaganapan sa likod ng mga pangyayari kay Whitney Houston, ay isa syang sakripisyo sa isang ritwal ng Illuminati.

Marami pang kwento ng Illuminati ang napulot sa aking pagsasaliksik sa internet. At pawang ang mga ito ay nakababahala.

Alam ko marami sa inyo ay ipagkikibit-balikat lang, ipagwawalang-bahala at maaring tuligsain pa ang artikulong ito at sabihing wala namang katotohanan ito. Walang basehan  at puro haka-haka lang.

Pero hindi nyo ba naisip na ganun talaga ang gusto nilang mangyari?

Na hindi tayo maniwala na meron talagang Illuminati! Na sila ay hindi totoo.

Alam n’yo ba ang devil’s greatest deception? They would make us believe that they don’t actually exist!

Ang isa ko pa ngang tanong ay ‘eto – kung talagang makapangyarihan ang grupo, bakit nila hinahayaan ang mga video sa Youtube tungkol sa kanila na manatili. Bakit hindi nila i-censure?

Simple lang pala ang sagot na naisip ko. Dahil kung gagawin nila yun, titibay lamang ang mga paghihinala tungkol sa kanila. At iyon marahil ang ayaw nilang mangyari, ang mabulgar sa ngayon.

Kung tunay man ang grupo o hindi, ay mahirap talagang patunayan hangga’t hindi sila lumantad.

Pero isa lang ang masasabi ko, ang demonyo ay tunay, secret society man o Illuminati. Sila ay nasa paligid lamang at nasa iba-ibang anyo.

Kaya dapat din talagang maging mapagmatyag, mapanuri at MAG-INGAT!

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.