“Mga Linyang trENDING”

 

Tuwing pupunta ka ng McDo, at doon sa isang sulok mauupo. Mga mata mo’y mugto. Lahat din ng mga mata sa paligid mo ay nakatingin sa ‘yo na para bang sinasabing “Ay, siguro kabi-break lang…” o ‘di kaya “Ay, iniwan ng asawa…?” Blahblahblah… Bakit tayong mga babae palagi ang napagdidiskitahan? Eh marami naman silang dahilan kung bakit tayo iniiwan?

Siguro naman pamilyar sa inyo ang mga linyang ‘to kung saan walang ibang mapupuntahan ang usapan kundi sa ending o tuldok na ring maituturing sa kung anuman ang namamagitan sa inyong dalawa.

“I need space.”  Ayun! Space lang pala ang gusto mo eh ba’t di ka lumipad papuntang ibang planeta? Doon sa Mars o ‘di kaya Neptune. Isama mo na rin ang Jupiter baka sakali nandun din si Lucifer nang magpang-abot naman kayo at sabay mag-disappear!

“We’re not compatible.” Wow…ba’t biglang nag-iba ang ihip ng hangin? Kahapon lang sabi mo kutsara’t tinidor tayo. Ako ang kutsara. Ikaw ang tinidor…Magkamay na lang kaya ako ngayon nang makasampal naman ng tinidor…este “traydor!”

“It’s not you. It’s me.” Anong it’s me? Magma-Marso pa lang ngayon malayo pa ang May! Ganyan talaga kayo pag may ipinalit nang bago. Aakuin lahat ng kasalanan ng mundo pati na siguro ang pagpatay kay Andres Bonifacio, aakuin mo, maabswelto ka lang sa kasalukuyang mong panloloko.

“May pinagdadaanan lang…”  Bakit? Sino ba’ng walang pinagdadaanan dito? Mapa-kaliwa ka man, o kanan. Patalikod pa, o harapan. Lagi tayong may pagdadaanan. Kung hindi ka nga “makikiraan” malamang kung sa Bisaya pa “Naay purohan ikaw madasmagan!” #ouch di ba? Buti nga kung nadasmagan ka na lang. Maiintindihan mo pa kumbakit ka nasasaktan. Hindi ‘yung mahal mo “dunay laing nadasmagan niburot ang tiyan!”

“Hindi na kita mahal…”  Ah…kaya pala lagi mo siyang minumura…Dahil nagsawa ka at nakuha mo na lahat ng gusto mo bigla ka na lang nagising isang umaga: “Hindi mo na siya mahal.” Pero ang tanong ko naman sa’yo, “Minahal mo nga bang talaga?” Dahil ang tunay na nagmamahal hindi gagawa ng hakbang na makakasira sa isang relasyon na pinagtitibay niyong dalawa mismo.

Minsan hindi mo na kailangang makinig sa mga paliwanag. O sa mga walang kuwentang “Sorry.” The damage has been done already. Gaano man ‘to kaliit o kalaki, sapat na ‘to para tuldokan ang lahat.

“Isang malalim na himutok para sa isang tuldok.”

Pero ang isang tuldok  kung pagdugtong-dugtungin,

Isang “linya” pa rin ang mabubuo habang ikaw ay papalayo,

“Niloko N’ya…”

“Oo. Pero ‘yun ang una’t huli.”

..ang matibay na puso, hindi kumukunsinti.

About Nomatterwhat143

Analyst ang aking propesyon. Pag bagot, walang magawa, nagsusulat. Dati nung maliit pa ako, pinapalo. Ngayon pina-follow (hehe!) Kung hindi ako nagsusulat, nakikinig ng musik. Minsan naman wala lang imik. Tahimik. Mata'y ipipikit. Matutulog. Pag gising, magkakape. Pag walang kape, okay lang basta tayo'y mug-KAPEling hehe! Corny? Yun ako. 🙂 Page owner/Admin din ako ng https://www.facebook.com/iloveannemurray/; https://www.facebook.com/nomatterwhat143/.