Mga Inang Bagong Bayani

(Photo Credit: Lakwatseralovers.blogspot)

 (Photo Credit:    Lakwatseralovers.blogspot)
(Photo Credit: Lakwatseralovers.blogspot)

Kapag buwan ng Mayo, naaalala natin ang pagdiriwa sa ating mga mahal na Ina. Espesyal sa kanilang mga Ina ang buwan na ito dahil halos lahat nang mga tao ay nakaaalala sa kanilang kadakilaan. Kadikalaang hindi mababayaran nang kahit magkano pang halaga sa mundong ating ginagalawan.

Sumagi sa aking isipan ngayon-ngayon lang ang  unang nabansagang bayaning OFW na noon kamamatay lamang na si Flor Contemplacion, naalala ko pa; kasi  bata pa ako noon nang pumutok ang balitang pagbitay kay Aling Flor sa bansang Singapore sa salang pagpatay sa kapPinoy na si Delia Maga. naririnig ko sa mga radyo at napapanood ko sa aming black and white na telebisyon noon na matindi ang papuri sa kanya, ang pakikipag-laban ng ating bansa para sa kanya sanang kaligtasan; ngunit sa kasamaang-palad hindi nakuha sa pakiusap ang pamahalaan ng Singapore.

Gayunpaman, naisagawa ang inaasahan; nabitay si Aling Flor iyon ang nagluklok sa kanya upang tawaging bagong bayani, para konswelo de bobo ng ating bansa sa kanyang pamilyang naiwan na noon maliliit pa ang kanyang mga anak, pinangakuan ito ng ating pamahalaan na bibigyan di umano ito nang mga scholarship. Naglalayun na makapag-aaral nang libre hanggang sa makapagtapos  mga anak ng nabitay.

Ang asawang nagluluksa sa pagkawala nang pinakamamahal ay pinangukuan din nang marangal na trabaho, ngunit ayon sa aking nakalap na  huling balitang sa pamilyang ito ay masama ang nangyari sa kanila.

Hindi natupad ng ating gobyerno ang kanilang mga naipangako, dahil na rin siguro sa matinding depresyon at traumang dinanas ng pamilyang ito naging pariwara ang kanilang mga buhay. Ang panganay na babae ay nag-asawa agad sa bata pang edad, iyong dalawang bagitong lalaki ay naluluong sa ipinagbabawal na gamot ang masama pa doon kasama nila ang kanilang ama sa ganoong gawain at humantong sa New Bililid Prison at nahatulan sila nang habambuhay na pagkabilanggo. Nanlulumo ang aking damdamin sa kanilang kinasadlakan.

Sa tingin kaya natin, masaya ba ang ina nang tahanan kung saan man Ito naroroon sa kinahinatnan ng kanyang pamilya?

Noong nagdaang taon may dalawang ina na namang tinaguriang bayani, dalawang nagkasalang ina sa batas ng China, nahatulan nang bitay sa salang pagdadala nang droga.

Ang mga  opisyal ng ating gobyerno ay parang stereo-typing lang ang mga sinasabi. Kung ano ang mga ipinangako sa mga anak at asawang naiwan ni Aling Flor, ganun din ang mga ipinangako sa mga kaanak ni Aling Sally at Aling Elizabeth. Sana sa pagkakataong ito kahit humupa na ang balita ay tuparin ng ating pamahalaan ang kanilang mga pangakong nabitawan para maging masaya naman ang inang pumanaw, ang mga tinaguriang bagong bayani at maging payapa sila sa kanilang kinaroroonan..

Mga Ina silang naghahangad nang ikabubuti ng kanilang pamilya, lahat magaganda ang layunin ng kanilang pakikipagsapalaran sa ibang bayan, dahil sa mga hindi inaasahang pagkakataon nabingit ang kanilang buhay sa kamatayan, kung ano man ang kanilang mga naging kasalanan ay huwag nating husgahan, alam nating sa ating mga puso iisa lamang ang kanilang hangad ang mapaganda ang buhay ng kanilang pamilyang naiwan.

Umaasa at nanalinging wala nang matulad pa sa kanilang kinahinatnan…

Maligayang Buwan ng mga Ina..

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.