Mga Dapat Malaman Tungkol Sa Mercury Retrograde

Ano nga ba itong tinatawag na Mercury Retrograde?

Pero bago ko sagutin ‘yan . . .

Imagine this scenario.

Scene 1:

May 20. Naka-schedule akong umuwi sa Pilipinas noon upang magbakasyon.  Nalaman ko ang tungkol sa Mercury Retrograde dahil sa interest ko sa astrology at horoscope. Katuwaan lang ganun. Pero late ko na nalaman na pumatak pala ang date ng pag-uwi ko sa panahon ng  Mercury Retrograde ng April 29 – May 23.

 Ibig sabihin noon ay sakop pa ng retrograde ang araw ng pagalis ko ng May 20. Worried ako pero I tried to be positive about it.  Kailangan lang prepared ka sa anumang puwedeng mangyari. Ang susunod na retrograde ngayong taon ay magaganap sa August 30 hanggang September 22  at  December 19 hanggang 31, depende kung saan time zone ka.

Naka-book na ang flight ko kaya na-receive ko na rin ang aking pera at e-ticket. Kaya nag-double check agad ako ng mga dokumento, air ticket, passport. Kumuha na rin ako ng maaga ng OEC sa embassy. Nag-confirm din ako sa website ng paliparan kung pareho ang flight schedule, number at oras na nasa e-ticket ko. Kakarenew ko lang ng passport ko noon kaya okay lang. Naka-ready na ang checklist ng bagahe ko at 4 hrs pa ang ilalaan ko sa pag check in sa airport in case magkaroon ng flight changes or whatever. Ang tanging worry ko na lang noon ay ang infamous “laglag-bala, tanim-bala eklavu scheme” sa NAIA.

At dahil kampanteng kaka-renew lang ng passport ko, nakalimutan ko palang i-check  ang expiration date ng aking visa na  May 11. Na-check ko lang siya ng May 15. NGEK! So kumusta naman diba? Parang nalaglag talaga sa tiyan ang puso ko nun.. Nagmamadali akong pumunta sa HR Dept  ng opisina upang ipa-renew ang aking visa, mabuti na lang ay meron pang 5 days para mahabol ito. Eh pano nga kung di ko na-check?  Ikaw na ang humusga.  Awa naman ng Diyos nasolve din agad.

Scene 2:

Okay na ang kuwento tungkol sa visa. Dumating ako sa sa airport 4hrs before the flight schedule. Punta ako sa Gate 14. Nag-confirm ako ng gate number sa dalawang pinay doon na parehong biyaheng Manila din. After 2 hrs and a half ng paghihintay napansin kong puro mga taga India ang dumadating. Kala ko nakikishare lang sila ng upuan. Tanong ko sa sarili  . . .

“Teka nga, bakit kami lang ang pilipino dito?” “Where na you mga kababayans?” Pabirong sabi ko pa.

“Wait lang!”Something fishy is going on.” Check namin ang flight board, tama naman.

Nagtaka rin pati yung ibang pinay khit na  tama naman ang nakalagay sa tiket namin. Oo nga, pero, malakas ang kutob kong something is wrong somewhere dahil alam naman nating pag umuwi ang mga pinoy sandamakmak tayo diba? Pero kami tatlo lang na babae at dalawang batang maliit.

Hintay kami sa paglabas ng mga flight crew para magtanong nang sumigaw ang isang pinoy ng . . .

“CHENNAI! CHENNAI! “

“Ansabe?” “Saan daw?”

Oo, Chennai sa India yun!Nagkaroon daw ng late changes ang gate number pero walang nag-advise sa amin. Dahil maaga kami dun di namin nakita na pinalitan na pala.  Ang dahilan pa ng crew ay akala nila mga tourist lang kami na papuntang India kaya di daw kami pinansin. Ayayay Ai Ai!

Dali dali kaming nagtakbuhan sa west wing ng airport na nasa kabilang ibayo para hanapin ang Gate 5 dahil less than an hour na lang bago ang boarding time. Halos hilahin namin ang mga batang anak ng isang pinay na di makatakbo. Kalurkey talaga! Kaya ayun nga, nasa hulihan na kami ng  dalawang super habang pila ng mga Pilipinong uuwi. Tawanan kami dun habang naghahabol ng hininga. To make the long story short, we all went home safely.

So, anong kinalaman dito ng mga planeta?

Naniniwala man kayo sa Astrology o hindi  merong pa ring mga pangyayari sa mundo na ating nararanasan pero hindi natin alam kung ano ang pinagmumulan o hindi natin maipaliwanag. Unless siyempre kung isa kang expert dito. Pero naisulat ko ito hindi dahil isa akong eksperto kundi dala na rin ng aking interest sa topic na ito at sariling karanasan.

Alam na natin ang tungkol sa mga moon phases tulad ng full moon at new moon, solar at lunar eclipses, planetary alignments at transits pero di tayo masyadong na-orient sa planet retrogrades.

Pero sa lahat ng mga retrogrades, dito ako nawiwindang ng todo sa tinatawag ng mga astrologers na Mercury Retrograde o MRx dahil marami ang apektado. Hango siguro ang retrograde sa salitang retro o retrospective na ibig sabihin ay pagbabalik tanaw sa nakaraang mga pangyayari o panahon. Sabi nila ang mabagal na pagikot nito sa kalawakan ay nagbibigay daw ng ilusyon na parang gumagalaw ito ng pabalik at ito ang nagiging dahilan upang maapektuhan  tayo. Ayon sa website na Find Your Fate:

Mercury turns retrograde more frequently than any other planet in our solar system. It can never be more than 28 degrees from the Sun, and whenever it reaches its furthest distance from the Sun, it changes direction or goes retrograde. Being the planet that rules communication and information, Mercury retrograde brings about much chaos and confusion in our lives. Scientific research has shown that Mercury has a rich concentration of Iron and hence it exerts a magnetic influence over human beings on its nearest planet, the earth.

So, ayon naman pala, ito ay isang mahiwagang phase na parang midlife crisis lang na pinagdadaanan ng planetang Mercury kung saan ang pagikot niya ay bumabagal at nakakaapekto sa ating mga nasa Kalupaan.  Hmmm.  Base sa ilang mga  karanasan, kakilala at mga nababasa, marami ang epekto nito sa atin.

PERSONAL COMMUNICATION – nagkakaroon ng misunderstanding o arguments

Dapat Gawin:

Maging maunawain at habaan ang pasensiya sa mga tao at mga sitwasyon.
Alamin muna ang dahilan ng mga bagay at huwag agad mag-assume o maghusga.
Intindihing mabuti ang usapan upang maging malinaw ito at sigurado kayong youre on the same page.              Ipagpaliban muna ang paggawa ng mga major decisions upang walang pagsisihan.

TELECOMMUNICATION– mga tech glitches tulad ng emails, phones, wifi connection, computer crash, mga undelivered messages.

Dapat Gawin:

Laging i-check ang mga wirings at servers, mag update o upgrade ng mga phone at computers settings at mga applications.

Kung ‘di agad nare-receive ang mga text at tawag, alamin muna ang dahilan at ‘wag basta na lang awayin ang ating mga loved ones. Keep calm. Relax. See a movie.

Practice patience sa pag-deal ng mga problema dito lalo na kapag walang wifi o connection. Goodluck diba?

TRANSPORTATION AND TRAVEL – mga sira ng sasakyan, mga travel delays at cancelation ng mga trip

Dapat Gawin:

Laging icheck ang mga parts ng inyong mga sasakyan bago gamitin, i-tune up ng regular.
Icheck din ang mga tools kung kumpleto kung sakaling masira ang sasakyan habang nasa daan.
Maglaan ng tamang panahon sa inyong pag check-in upang di ma-late o maging ready sa kung anumang mangyari.
I-confirm ang mga travel dates, tamang oras ng inyong mga flight schedules at  flight numbers.

DOCUMENTS & CONTRACTS – nagkakaroon ng mga typographical errors at mga mali sa mga information at mga detalye sa lahat ng klase ng komunikasyon.

Dapat Gawin:

Huwag munang mag-sign ng mga bagong kontrata o anumang dokumento dahil baka magkaroon ng di pagkakaunawaan sa mga impormasyon na binibigay lalo na kung may babayarang malaking halaga.
Kung hindi ito maiiwasan kailangan lang ninyong i double check ang mga impormasyon at detalye.
Basahin din muna ang mga fine prints ng mga dokumento dahil dito nakatago ang iba pang detalye.                          Huwag mahiyang magtanong sa mga experts lalo’t kung ito ay tungkol sa mga legal documents.

ELECTRONIC DEVICES – Nagkakaroon ng mga sira, malfunction o technical glitches

Dapat Gawin:

Iwasan munang bumili ng mga  gamit tulad ng TV, phones, computers, washing machine, relo, sasakyan sa panahon na ito dahil baka magkaroon ng problema sa mga parts, wirings, connections.
Siguraduhin maayos at mga gamit at ipa-repair agad ang mga sira upang di makaabala.

OLD ISSUES REVISTED –  At dahil nga retrospective ang panahon na ito, madalas daw bumabalik ang mga ex natin, mga dating frienemies at mga ka-family feud either para magkaroon ng closure o  ayusin ang mga issues na bumabagabag sa atin noon at maka move on ng maayos. Ito ang panahon upang bigyan tayo ng pagkakataon na magkaroon ng truce o mag-compromise. Pero advise din ng mga astrologers hindi daw ito ang tamang panahon para magumpisa ng mga bagong relasyon, bagong proyekto o bumili ng bagong bahay. Bukod sa issue sa ibang tao dapat ding ayusin ang mga issues sa ating mga sarili. Mga negatibong aspeto ng ating pagkatao, mga problema na kailangan nating harapin o mga bagay at old habits na dapat nating baguhin. Magkaroon ng maturity at matuto sa mga pangyayari.

Dapat Gawin:

Maging maingat lang dahil hindi naman lahat ng bumabalik ay may dalang magandang balita. Alamin kung ang mga sinasabi nila noong panahon ng retrograde ay pareho sa oras na nag-direct phase na ito.

Maging malinaw sa komunikasyon upang maiwasan ang misunderstanding at magkaroon ng solusyon sa mga problemang nararanasan.

Makipagkasundo kung kinakailangan o maghiwalay nang maayos para sa sariling kapayapaan.

Ito ay mga ilang bagay lang na puwedeng mangyari sa panahon ng retrograde pero hindi naman ito isang national crisis para magdeklara ng state of emergency.  Di tayo kailangang magmumukmok na lang ng isang buwan sa loob ng bahay tulad ng isang polar bear na lumalabas lang kapag tapos na ang kanyang hibernation period.  Mas okay syempreng gumawa ng plano kung ang planetang Mercury ay nasa direct phase na. Marami pa ring natatawa dito. Pero wala namang masama. Sabi ko nga katuwaan lang. Retrograde man o hindi, nagkataon man o hindi, dapat pa rin nating i-check ang mga bagay bagay na importante upang maiwasan ang mga di magandang pangyayari. Hindi rin ito lang ang magiging batayan ng ating mga desisyon at plano. Wala pa ring makakahigit sa tulong na magmumula sa Diyos at ang tiwala natin sa ating sarili.

Ito ay isang praktikal na gabay lamg para maiwasan ang mga aberya at maging smooth ang takbo ng ating pamumuhay sa panahon ng Mercury Retrograde.

Dahil ang sabi nga ni Ernie Baron, “Knowledge is Power.”

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.