Meteor Garden Rewind!

Meteor Garden
Meteor Garden (Photo credit: Wikipedia)

So, they’re back! As the promotional ad says, “The Asianovela that started it all is here – again.”

Nung nakita ko ‘yung commercial ng pagbabalik nila, pakiramdam ko nahulog ang puso ko sa sobrang excitement. Though may mga taong hindi maiintindihan ang pagkahumaling natin sa mga Asianovelas, hindi nito mababago ang katotohanan na naging patok ang kwento ng Meteor Garden. And now, we are being given the chance to relieve the Meteor Fever.

Hmmm..teka nga..bakit nga ba sila bentang benta sa masang Pilipino?

1. Super gwapo ng mga bida. Kahit pa may ilang eksena kung saan makikita na hindi sila ganun kagaling umarte, keri na din – ang importante, kaaya aya sila sa paningin.

2. As Filipinos, we tend to root for the underdogs. Gustong gusto natin ang mga kwento tungkol sa isang mahirap na mamamahalin ng isang mayaman at patutunayan nila na “love can conquer all.” Kaya nga halos lahat ng mga Filipino soaps and movies ay umiikot sa parehong tema.

3. Since it was the first Asianovela to air on one of the big TV networks, naging refreshing ang kwento nito kumpara sa mga soaps na nakasanayan na natin. Sure, the story was basic, but unlike Mexican based soaps na sobrang haba, and Filipino soaps na heavy drama and hindi nawawalan ng mga kontrabida who resort to hiring killers to deal with the protagonist, Meteor Garden had the light comedy-romance theme na sobrang kinagiliwan ng mga manonood.

4. Meteor Garden did not solely revolve around the love story of Shan Chai and Dao Ming Si. It is also a story about family, failures, triumphs, heartaches, and friendships.

5. Lastly, Meteor Garden has, in a way, instilled in us the hope of believing in true love – the kind of love that can transcend time and even social status.

Marami na akong nabasa na posts and articles tungkol sa mga taong hindi nanonood or walang kahilig hilig sumubaybay sa mga telenovelas at soap operas. Pero base sa patuloy na paggawa ng mga tv networks sa ganitong mga palabas, masasabi natin na mas marami pa din ang ginagawang past time ang panonood ng mga ito.

Syempre, sa totoong buhay, lagi na tayong nakakaranas ng hirap at sakit. Ano ba ang madalas bumungad sa mga napapanood nating balita sa tv? Walang katapusang usapin tungkol sa corruption, fund scams, murder, tragedy, accidents, at kung anu ano pa. Kaya hindi na nakakapagtaka na maging refuge natin ang isang panoorin na makakapagbigay sa atin ng kilig at tuwa.

Hindi ba ‘yun naman talaga ang nagpapaganda sa kahit na ano mang panoorin, mapa sine man yan o soap opera. Ang makapag pasaya sa mga manonood.

And now, they’re back.

Kahit pa alam ko na ang magiging ending ng kwento, hindi ko palalampasin na mapanood silang muli. After all, what I’m really looking forward to is having to feel that kilig moments (once again) as I follow the story of Shan Chai and Dao Ming Si, two individuals who embark on a journey of finding true love.

Enhanced by Zemanta

About hashie

I am a woman, a nurse, and a mother who loves to read and to write. I hope that someday, my literary pieces will be enough to make a difference - no matter how small it will be - in a world that is struggling to live in a peaceful way. Please visit and like my page https://www.facebook.com/pages/Hashie/276925455677468?ref=hl