May “Buhay” Ka pa Ba?

Sa madalas na pag-post ko sa Facebook account ko, asahan mo ang kwentong kalokohan at kakulitan … pero may mga pagkakataon na seryoso ako, sobrang seryoso. Tao lang, sinusumpong din minsan o tinotopak. O siguro dahil tumatanda na rin hehe!e

Sa ganitong panahon na napaliligiran ako ng mga taong gaya ko ay nagmamadali din masyado sa buhay at nakakalimutan nang kumalma at sabay-sabay din kami sa pagsasabi na, “Grabe, nakaka-stress na!” eh tara, halika at basahin mo ang isinulat ko noong May, 17, 2015.

Madaling araw noon na kung saan nagising ako na may kakaibang pakiramdam at masyado akong nag-aalala sa mga nangyayari sa akin noon.

SA MGA MAKAKARELATE…

I have been working my ass off for the past 9 years, been thinking that I may not be that great, did not even made me rich nor stable but at least I was good. Though problems were inevitable yet I have always thought that I was able to manage everything but I was wrong.

I have focused too much on bills, due dates, miscellaneous, on being too practical for I have always believed that it was all for their own good (my children). I am a hands on mom but never a full-time mom.

I was too courageous, I felt invincible and I forgot to rest and to keep calm. I was always on the go without even noticing that eventually it made them sad because the only time that I get to stay at home longer is when I am sick or over fatigued or when they are sick.

That I was surprised hearing one of them saying, “MAMA, SANA LAGI NA LANG KAMING MAY SAKIT PARA HINDI KA NA AALIS PARA MAGHANAPBUHAY PARA MAS MATAGAL TAYONG MAGKAKASAMA”.

They may be too young to understand our situation but I was too dumb not to understand what they were trying to express then. That they needed more of my time and that they worry about me. “MAMA, PARA KANG LAGING NAI-STRESS MAGPAHINGA KA KASI”.

Natakot akong hindi makapuno sa mga obligasyon ko kaya hindi ako tumigil gumawa o mag-isip. Ako ang nakawala ng balanse sa sarili ko, na madalas lutang na pala ako.

Para sa ‘kin kasi noon ang pagpapahinga ay kahinaan, may oras na nasasayang at mali ang pananaw ko, tama ang mga anak ko.

Nakalimutan kong kumalma, laging nagmumulti-tasking. Laging gahol, tao pala ako at hindi makina.

Na dahil nasanay na akong mag-isa at walang sinasandalan na katuwang sa buhay, nakalimutan kong minsan pwede naman maging mahina sandali para maging malakas ulit. nakalimutan kong mag-recharge.

Na dahil hindi nila sinasabing kailangan nila ang ama pero sabi nila sa ‘kin, “MAMA, NASANAY KAMING WALA SI PAPA, IKAW LANG KAILANGAN NAMIN PERO KAILANGAN ISA LANG MUNA ANG MAGTATRABAHO WAG KAYONG MAGSABAY KASI NAGKAKASAKIT KA NA SA STRESS”.

Na dahil ma-pride ako sa ibang paraan at ayaw ko nang may sumbatan, nagpaubaya akong huwag ipilit noon ang mga legal naming karapatan na nito ko lang sinolusyunan.

Na nakalimutan kong ok lang naman pala umiyak. Ok lang umamin na minsan hindi ko talaga kaya.

Na ok lang makaramdam ng takot, na mali ako na lagi kong kinokontra ang takot dahil sa takot kong maging mahina.

Na kahit sanay akong tagatakip, tagapuno at tagatago ng mga hindi nila dapat malaman pa eh nararamdaman pa rin nila na may kulang.

Ok lang pala malaman mo mismo sa sarili mo kung ano ba talaga ang kahinaan mo at maging aminado dito.

May mga bagay na hindi mo na mababago, irreversible damage, ‘ika nga, pero ok lang na magpahinga, huminto sandali, mag-isip saka muling gumawa…

Na kahit gaano ka katino, gaano ka katatag, tao ka pa rin na may hangganan.

At lahat ng yan natutunan ko sa 7 at 8 years old na mga bata…

Matapos niyan ay may mga ilang komento at mensahe akong natanggap na tila nga sila ay napaisip din at naka-relate. May mga ilang araw din mula noon na may mga nagkukuwento na sa akin tungkol sa mga buhay nila ke personal kong kakilala o hindi. Sabagay ganyan naman ang tao minsan. Mas madali nga sigurong mag-open sa hindi mo kakilala pero nararamdam mong mauunawaan ka niya dahil alam mong pinagdaraanan din niya ang pinagdaraanan mo kesa naman sa inakala mong kilala ka na pero ni hindi maunawaan ang sinasabi mo. Kadalasan niyan pag ganyan ay bibigat lang ang pakiramdam mo eh. Ang lalabas pa ay ikaw ang may mali kaya nangyayari sa iyo ang isang bagay.

Hindi naman palaging malungkot ang buhay. Kaso ang realidad na lahat tayo lalo’t yung mga wala namang ibang inaasahan kundi sarili nila at may mga matitinding responsibilidad ay nakakalimutan nang magkaroon ng “buhay”. Kumabaga ang routine ay paulit-ulit na lang na hindi naman sa nagsasawa ka na pero minsan ay maiisip mo kung may magbabago pa ba o kelan nga kaya magkakaroon ng pagbabago.

Sa ngayon ay iyan ang unti -unti kong binabago sa sarili ko. Ang matutunang kumalma sa araw-araw. Workaholic na kasi ako kung tawagin ng iba. Mapa-bahay man o hanapbuhay ay para bang lagi akong nagmamadali at nag-iisip. Pero hindi lang din naman iyon ang ginagawa ko, may mga kalokohan din ako siyempre. Yung tinatawag natin na kahit paano ay nakapaglilibang tayo o nag-eenjoy lang din sa pagiging tao natin.

Napaisip ka rin ba? Iiwan ko sa iyo ang ang ending ng isinulat kong ito. Gaya lang na iniwan ko din na nakabukas ang parteng iyan nang pagmumuni-muni ko para naman maisara ko nang maayos ang chapter na iyan ng buhay ko.

About hellraiser1117

Sabi nga nila may sarili akong mundo. Malalim depende sa tumitingin pero madalas hindi nila ako masakyan o maarok. Ang katahimikan ng gabi ang pinaka gusto ko sa lahat, pakiramdam ko andoon ako sa mundo kong ako lang yata ang mayroong ganoon. Hindi naman sa lahat ng oras ay dapat bumabase ang pakiramdam at pananaw natin sa klase ng basehan ng mga tao sa paligid natin sa kung ano ang tama o kaaya-aya sa paningin nila. Dahil pag dumating na ang dilim, ikaw lang mag-isa ang andyan. Maaaring ang mga bagay na hindi mo naiintindihan pero tinatanggap mo na lang ang maging karamay mo pero tuloy-tuloy ka lang hanggang may liwanag na ulit at pag bayad na ang kuryente niyo. Malamang naputulan lang kayo. But wait, there's more! Ah oo ganyan ako, 'yung madadala ka sa lalim ko tapos biglang magiging gago. 'Yung paiyak ka na sana eh kaso naudlot pa. Kaya nga kung tawagin nila ako eh baliw, bipolar, topak, gaga o siraulo. Kahit alin doon ok lang, ganoon din naman ang tingin ko sa kanila kaya quits lang hehe! Tara! Yosi at kape muna...