May Bagong iPhone! E Ano Ngayon?!

Photo credits: macrumors.com
9/21/2014 12:37:47 PM

May bago nang iPhone. iPhone 6 (at 6 Plus) ang tawag (bagay na talaga namang obvious).

Eh kaso… ano naman ngayon?

Malamang, marami na naman ang makikiuso nito. Parang ganito: marami ang mag-aasam na bibili nito (walang masama dun, libre lang naman mangarap eh). Yun nga lang. Dahil maraming mag-aasam, marami rin ang magpapakadesperado’t desperada para magkaroon lang ng iPhone.

Bakit, ano bang meron ang iPhone na wala sa ibang mga klase ng telepono sa panahon ngayon, partikular sa mga smartphone. At teka, ibig bang sabihin nito – na hindi puwede sa mga tulad naming mangmang o bobo ang mga ‘smartphone?’

Malamang, oo kung bibira ka sa mga tropa mo ang ganitong kaklase ng joke. (Tangina, corny mo!) At lalo na siguro kung sasabihin mo na ‘pag smartphone ba, bawal sa Globe? Pati sa Verizon, TMobile, Sun, Addict Mobile, TM at kung anu-ano pang network?

Sige na nga, pucha, balik na tayo sa medyo seryosong usapan.

Photo credits: macrumors.com
Photo credits: macrumors.com

Dahil nga maraming desperadong bibili ng iPhone6, malamang, marami naman dyan ang uutang, at isasangla ang mga luma nilang telepono. Mas masaklap, marmai ring kakapit sa patalim (ay, ewan ko na lang kung magawa ninyo yun).

At kapag may bago kang iPhone, sikat ka. Diyos ka. Ikaw na, ika nga ni Boy Abunda. Nakapagpapataas ito ng social status ng isang tao. Oo, kahit ikaw pa ay isang informal settler na dinaig mo pa ang mga middle class dahil may cable at aircon ka pa sa bahay, basta may iPhone ka, tangina lang pare, big time ka!

May bagong iPhone! Eh ano ngayon?!

Sinasabing astig ang specifications nito. iOs 8 ang operating system, A8 ang microprocessor at may maarming maavail mula 16Gb hanggang 128GB.

Ahhh. Yun lang. Talaga lang ha? Kumpara nga natin siya sa ibang astig din na telepono gaya ng Samsung Galaxy Q4, LG G3 at iba pa.

Click here to continue reading

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions