Matteo Guidicelli nakilahok sa Army roadshow

Image from Instagram and ABS-CBN News

Namataan ang aktor at ngayon ay Army reservist na si Matteo Guidicelli sa Philippine Military Academy (PMA) capability demonstration sa may Borromeo Field sa Tuba, Benguet.

Ang Army roadshow na ito ng PMA ay dalawang araw na ginaganap upang makapanghikayat ng mga bagong graduates para maging recruit sa PMA Special Forces Command at madestino sa Light Reaction Company, Scout Ranger Regiment, Special Forces and Air Borne troops.

Image from Matteo Guidicelli via Instagram

Ibinahagi ng aktor sa kaniyang Instagram account ang isang video kung saan ay binigyan siya ng parangal sa pakikipaglahok sa roadshow.

Ang video ay may caption na: It was an honor and privilege to have taken part in the Philippine Army’s field demonstration alongside the Special Operations Unit and other military units this afternoon. It was a humbling experience to have set foot on the sacred grounds of the Borromeo Field in the Philippine Military Academy. Thank you to each and every soldier I met today for the warm welcome. “Serving the people. Securing the land.” I am a proud Filipino!

Noong nakaraang buwan, nagulat ang marami nang mapagdesisyunan ni Matteo na pumasok sa Armed Forces of the Philippines bilang isang reservist.

Ngunit bago pa ang desisyon na iyon, nakilahok din si Matteo sa Philippine Coast Guard Auxillary (PCGA) bilang isang lieutenant commander kasama sina Erwann Heusaff at Nico Bolzico; dalawa sa matatalik niyang kaibigan.

Image from Matteo Guidicelli via Instagram

Matatandaan na sinabi ni Matteo na ang kaniyang pagpasok sa Army ay dahil sa pagmamahal niya sa bansang Pilipinas.

Sa simula ay nangamba umano ang mga magulang ni Matteo sa kaniyang pagpasok bilang Army reservist; gayun din ang kaniyang nobya na si Sarah Geronimo.

“Madaming tao nagsasabi, nagtatanong sa ’kin, ‘Bakit ka mag-re-reserve force, bakit ka mag-a-Army? Sabi ko, ‘Bakit hindi? Pinoy ako,  ‘di ba?” pagbabahagi ng aktor.

Sa kalaunan ay naintindihan na rin ng kaniyang mga magulang at ng kaniyang nobya ang nais magampanan ni Matteo sa kaniyang pagsabak sa Army.

Saludo kami sa iyong katapangan at kagustuhang maprotektahan ang bansa, Matteo!