Matakot ka sa bumbay!

Pinalaki ako ng mga magulang ko na may takot sa Diyos, sa mga nakakatanda at sa mga bumbay. These are arranged according to intensity. May tatlong uri ng takot. Sa kaso ko: When it comes to God, my fear was out of faith; elders, obedience; bumbay, phobia.
Ang mga bumbay ay kaliga ng mga gagamba at mga aswang, mga magic words na babanggitin mo kung gusto mong manakot ng bata. “Huwag kang malikot, ibibigay kita sa bumbay,” saway ng nanay ko. Susunod naman ako, kahit noon ay abstract pa ang idea ko sa kung ano talaga ang hitsura ng bumbay.
Kung ilalarawan ito sa papel, ang idea ko noon ay ito ‘yung guri-guring itim na pigurang nagtatago sa likod ng kurtina sa drawing ng batang may early signs of mental disturbance. May pakpak, nahahati ang katawan, at hindi tinatablan ng silver bullet kahit na ibinabad pa ito sa katas ng bawang at pinalamanan ng dinikdik na asin. Pula ang mga mata ng mga bumbay; mahahaba ang kuko, at ang paboritong diet ay makukulit na mga bata.
May mga pagkakataong nagbabalat-kayo ang mga bumbay na parang si Little Red Riding Hood or yung witch sa Hansel and Gretel. Bibigyan ka ng kendi, tapos mahi-hypnotize kang sumama. Bumbay ang pangunahing salarin sa dumaraming kaso ng student disappearances at kidnapping noong grade school ako, at least kung ang nanay ko ang tatanungin.
Totoo man o hindi, uso noon ang slasher films at parating nakakandado ang lahat ng mga pinto sa bahay kapag nanonood kami ng mga pelikula gaya ng The Vizconde Massacre at ‘yung version ni Vilma Santos habang hinihintay si papa na makauwi galing trabaho.

About Vernon Velasco

The reason I carry a handkerchief is that I am meant to save a lady's day.