Mataba {} Bakit ako ang laging nakikita?

Image by The Quint

Ano ba talaga?

Dati sinasabi nila sa ‘kin kumakain ka ba?

Bakit ganyan ang katawan mo, ang payat-payat mo?

At meron pang isa —  pandak!!

Sabi ko, matakaw naman akong kumain eh.

Kumakain naman ako ng tatlong beses  sa isang araw; minsan, may meryenda pa.

Naisip ko na baka dahil may ginagawa ako sa araw-araw at dahil sa araw-araw akong naglalakad pauwi at papasok sa eskwelahan.

Sagot ko naman sa kanila: “Ok lang, at least ‘di mataba hahaha!!”

 

Minsan natatawa rin ako sa mga matataba lalo na kung ang itim itim ng leeg.

Pero ‘di ko naman ipinagsisigawan ang pagtawa ko. ^_^

At minsan rin sa aming magkakaibigan na matataba ay aming pinagtatawanan.

Na “Bakit ang baboy mo, ang taba taba mo na, pinabayaan ka ng nanay mo sa kusina ano?”

“Hala, Bess! Buntis ka, bakit ang laki ng tiyan mo?” na nakakatawa sa kaibigan namin.

At ganun na nga, hindi maganda na pagtawanan ang isang taong mataba pero katuwaan na naming magkakaibigan ‘yun.

At ngayon eto na ako.

 

“Bakit?? Ano’ng nangyari sa ‘yo?

Oo, payat ako dati, pero ‘di sobrang payat.

Naka-graduate ako sa kolehiyo at may trabaho na; isang home-based work. Ang saya, ‘di ba? ^_^

Gigising ako sa umaga, haharap na sa computer/laptop. Kakain, upo ulit… Work, kain, upo, work, kain….

Hanggang sa isang araw tumingin ako sa salamin.

“Hala tumataba na ako, ‘di na ako seksi huhuhu”

Dahil mataba rin ang mama ko, sinasabi niya sa ‘kin: “Ang taba mo na!!! Humahabol ka sa akin ah!”

At doon ko naramdaman ang guilt  — at inis — sa mga taong nagsasabi sa akin na mataba ako.

At isang araw, kaarawan ng kaibigan ko, nagkita-kita kami.

Sabi ba naman sa akin na: “Day, buntis ka? Bakit ang taba mo?”

Meron namang iba na nagsabi ng good vibes kasi bagay naman daw ito sa ‘kin.

At ang iba na talagang nakakainis na, sasabihan ka ng:  “Ang taba taba ahah!”

‘Yung pakiramdam na ganito pala ang nararamdaman ng mga matataba pag pinupuna ang katawan nila.

‘Yung malait ka at pagsasabihan ka at pag-uusapan ka; nakatalikod ka man o nakaharap.

Na sadyang may mga mata at mga bibig na mapanghusga.

Sa karanasan ko …

Na dapat ‘di tayo nagsasalita at nagpapahamak sa ibang tao lalo na at masasakit na salita na puwede tayong makasakit; ‘di man pisikal kundi emosyonal.

Na dapat tingnan natin ‘yung mga taong posibleng masasaktan natin.

Dahil sabi nga nila: Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa ‘yo”. 🙂

 

 

 

 

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.