Mataba ba ako? (Just a Thought P-2)

(Photo Credit : Reflectionsofahighbrowhillbilly.blogspot)
(Photo Credit : Reflectionsofahighbrowhillbilly.blogspot)

Heto na naman, muli ay may isang makamandag at mabangis na tanong ang ibinato sa ‘kin kanina. Walang kaabug-abog, bigla na lang akong tinanong. Tanong na di ko malaman kung matatawa ako o kung sasagutin ko ba ng kalokohan…

“Kuya, mataba ba ako?

Mataba. Chubby. Cute. Malusog. Malaman. Healthy (ingles lang yun ng malusog ah? Ano magagawa mo, gusto ko isama) Bahala kang mag-isip kung ano gusto mong itawag, basta ‘wag lang sa nakakabastos na paraan. Yan ang masasabi natin sa tao na hindi payat o kabaligtaran ng mga taong payat (hindi matawag na sexy.hehe)

Ano nga ba ang batayan para matawag na mataba ang isang tao? Partikular ang babae? Puwede yung BMI o body mass index (basal metabolic indicator daw sabi ng isang reviewer na naencounter ko) kung saan kinukuha ang height at weight ng tao regardless ang age para matawag na under nourished (oo,yung payat nga, na konting ihip lang ng hangin ay tatangayin na o kaya yung maaawa ka kapag nakita mong nakasakay sa jip dahil sa tindi ng kapit ng mabutong kamay sa railings lalo na pag umaandar na, sa takot na maiwanan sila.) healthy (o yung nasa NORMAL range ng BMI), obese (katamtamang taba) at super obese.

Puwede rin yung vital statistics.. (1-2-3?) na kapag above 30 (eg, 32-32-33, wow, daig pa ref, walang kurba.  hehe) ay mataba nang tinatawag. At kapag below 30 inches naman, ay sexy “DAW” o payat pa na matatawag.. Eh paano kung ang height ay napakasuwerte na umabot ng 4’5 na ang vital stats ay nsa 32-29-33? At paano rin kung minalas na 5’8 tapos 31-24-28? Well, kayo na humusga.  hehe

O kaya, depende sa mata ng tumitingin? (ehem, ehem)

Tinanong ako, nakakabuwisit naman siguro kung ‘di ko sagutin.. Sabi ko “hindi.” (hmm,bakit kaya?) healthy o cute nga pag dating sa kin nung sinasabihan ng karamihan na mataba eh. Duling ba ako? Hindi. Bulag ba ako? Hindi rin. Pasensya na, hindi ko talaga makita ang essence kung bakit halos magpakamatay para lang pumayat ang karamihan. Ano ba maganda, ang may napipisil kang ‘laman’ o yung natitinik ka sa buto?

Aminado ang nagtipa ng kalokohang ito, masasabi ko na ‘weak’ ako o mas tamang term, ‘attracted’ ako sa mga cute..(ah..kaya pala si kwan..) In short, mas maganda sa paningin ko yung chubby.. Sarap kaya ng may malambot na niyayakap…kaya pag tinanong ako ulit ng “mataba ba ako?” ang isasagot ko na lang, “mabait ka. ^_^

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.