“MATA”

Noong una kitang makita ang puso kong nananahimik sadyang kay pait tumibok ulit akala ko wala na
ngunit sadyang kay saklap ng buhay
Hinahanap ko ang pangalan mo sa social media tila wala ata account pagkat wala
akong makita
Nais ko munang magpahinga ipikit ko ang aking mga mata
puro masasamang alaala ang aking nakikita noong nakaraan nating buhay
Minsan gustong magpakamatay dahil sa namatay ang aking nanay
tila ba pumatak ang aking luha noong nalaman ko na may asawa ka na
hindi na pwede maging tayo dalawa, pakiramdam ko tuloy nasa pagitan ako ng mahal kita at paalam na

Wasak na wasak ang aking puso hindi ako maka-move on sa iyo, sinta
muli kong binuksan ang aking puso sa iba pero ganun din ang istorya
ma-i-in love ka rin lang sa maling tao pa

Pilit kong tinatanong sa aking sarili mayroon pa bang tamang babae para sa akin
pero huwag naman ‘yung may tama, iba ‘yun
pilit tinatakbong sinasabi ng aking kaluluwa, bakit ikaw pa?
sa panaginp ko na muna sasabihin sa iyo ang nadarama mahal kita, mahal kita

Maghihintay ako sa iyo, hindi na ‘to titibok para sa iba, akala ko wala na akong kaluluwa pero meron pa pala

Nais kong malaman mo gustong-gusto kita
hindi ako babaero palaging nasa bahay
nagpapasaya lang ako sa mga post ko.

Kahit may kapansanan ako nagmamahal din ako nang totoo,

halos durog na durog ang puso ko, hindi ko na kakayaning magmahal pa ng iba.

Ayokong mabuhay sa mundo, sabi pa ng mga katrabaho mo dami mo raw mga lalaking pinaasa

tila yata  dahil labis tong nasaktan sa mga babaeng puro paasa.

Sana ‘wag mo ako paasahin, sinta, dahil ikaw lang ang may pinakamagandang mata.