Masarap ba’ng may manugang?

<3 ¸.•°*”˜˜”*°•. <3
. <3 ¸.•°*”˜˜”*°•. ..<3 . ¸.•°*”˜˜”*°• <3
manugang

 

Three years…. that’s how long I’ve had a daughter-in-law.

Eh masarap ba namang magkamanugang?

‘Yan ang tanong ng mga kaibigan kong wala pang manugang.

Ang sagot ko….

Depende….

Depende sa kung anong klase ba ang manugang mo.

Masarap ba magluto? Para naman hindi magugutom ang anak at apo ko. ^_^

Mahusay ba mag-alaga ng asawa at anak? Kasi ipapasa mo na ‘yung pag-aalaga mo sa anak mo sa kanya eh, ‘di ba? ^_^ Siyempre gusto mo maalagaan rin nang mabuti ang apo mo.

Marunong bang maglaba? Baka kasi puro pa-laundry eh mamumulubi sila. ^_^

Masinop ba sa pera? Baka kasi waldas at shopping ang bisyo. ^_^

Magaling bang nanay? Baka kasi ipababahala lang sa yaya ang pagpapalaki sa apo ko. ^_^

Responsable ba sa trabaho niya? Mas masaya kasi kung tulong silang magpundar ng bahay at kabuhayan ng anak ko, ‘ di ba, para mas mabilis ang asenso. ^_^

Maasikaso ba sa kanilang tahanan? Siyempre, mas masarap umuwi sa bahay na may ‘loving tough’ ng ilaw ng tahanan, ‘di ba?

Malambing ba? Eh dapat lang dahil diyan nagsisimula ang mas malalim na samahan. ^_^

Mapagkakatiwalaan mo ba sa sikreto at sa mga usaping pampamilya? Dapat kasi isang team na kayo, dapat magdadamayan at magtutulungan, walang iwanan.

Hindi ba madamot? Siyempre naman mas masarap ‘yung may give and take sa pamilya. ^_^

Mapagmahal ba? ‘Yung tipo na hindi lang asawa at anak ang mahal niya kundi kayo na bagong pamilya niya. Lalo na sa iyo na biyenan, kasi nanay ka na rin niya. ^_^

Nag-oopen up ba sa iyo kapag may dinaramdam o kung naguguluhan ang isip? Aba, ang saya kung ganyan ang relasyon ninyong magbiyenan. ^_^

Masaya ba siyang kasama sa mga get together? Hindi lumalayo o nagtatago sa isang kuwarto? Siyempre, kung kalog at masayahing tao, boom na boom yun! ^_^

Maalalahanin ba? ‘Yung tipong gagawa pa ng surprise birthday mo, me surprise na video, me special pasalubong kasi naalala kaniya, etc etc? ^_^

Appreciative ba siya sa mga effort mo bilang biyenan? ‘Yung tipong ramdam mo na well-accepted ka niya, ang iyong mga payo kapag may gusto siyang ikonsulta. Kasi lalo kayong lalalim kung ganoon ang inyong relasyong magbiyenan.  ^_^

Hindi ba siya abusado kung mabait kang biyenan? Gaya nung iba na sa sobrang bait ng biyenan eh niloloko na, inuuto na? Suwerte ka kasi kung tunay na magulang din ang trato ng manugang mo sa iyo! ^_^

Maganda ba ang mga values na nakikita mo sa kanya? Kasi siya ang magtuturo ng values sa iyong apo eh, kaya siyempre mahalaga ring maganda ang mga pananaw at prinsipyo niya sa buhay, di ba?  ^_^

Panatag ba ang kalooban mo dahil pakiramdam mo nasa mabuting kamay ang anak mo? Siyempre, ang anak ay anak kahit mapalayo na sa iyo kasi nagpamilya na, mahal na mahal mo pa rin ‘yan!  ^_^

Aba, kung yes ang sagot mo sa mga katanungan na ‘yan…. mapapasagot ka nang pasigaw.

“OO, NAPAKASARAP NG ME MANUGANG! LALO NA KUNG KAGAYA NG MANUGANG KO ANG MAGIGING MANUGANG N’YO!”


P.S.

HAPPY HAPPY ANNIVERSARY SA INYO, mga anak kong Jhobie and Jerwin!!!  and my apo Althea Skye for having the best parents possible!

Best wishes, with all my love, lots of prayers for a more fruitful marriage <3

I know you are on the right track. Life is not perfect, but your love for each other will beat all odds.

More happy years, mga pinakamamahal kong babies!

minions ko

 

About Mommyjoyce

Isang simpleng nanay na adik magbasa, adik magsulat at adik sa anak! Idol ko si Mother Theresa, kaboses ako dati ni Ate Shawie Cuneta (joke); maawain sa mga madudungis, siga sa mga taong nang-aapi, at lifecoach sa mga kabataan at mga magulang na walang ibang makausap, Ang simpleng motto ko in life: Cherish everyday (not just because it could be my last); kundi kasi, bukas iba na naman ang flavor ng buhay! Kaya namnaming maigi!