Masarap ang luto ni Inay!! <3

Image by: PinoyCookBook, Shutterstock

Pag tilaok ng manok  madarama mo na ang malamig na hangin

Sabayan pa ng pagluluto ng Inay.

Umaga pagkagising ko naamoy ko agad ang napakasarap na luto ng Inay.

Na kahit amoy pa lang mapapatakam at magugutom ka na.

Kahit simpleng putahe lang ang ihain ni Inay talagang ganado kang kainin ito.

Sabayan pa ng isang basong kape.

Papasok na ako ng eskwelahan ay kanya pa rin akong ipinaghahanda ng aking maibabaon, pati na ng aking mga kapatid.

Pag pumapasok ako sa eskwelahan at oras na ng lunch break

ay aking ipinagmamayabang ang luto ng aking Inay.

Masayang-masaya ang mga kaklase ko na aking ibinabahagi ang kakaunti kong baon na adobong manok na pininyahan.

Halos lahat sila ay nasarapan rito.

Pagkauwi ng bahay ay agad kaming sinalubong ng aming inay

niyakap namin siya at panay naman ang halik niya sa amin. 🙂

At naikuwento ko ang baong luto sa akin ni Inay na aming pinagsaluhan ng aking mga kakalase.

Natuwa si Inay at sa susunod ay magdadala daw ako ng araming ulam upang ipatikim ko sa aking mga kaklase.

 

Gabi na naman at maghahapunan.

Dumating na si Itay galing sa trabaho.

at binigyan ni Itay ng isang halik sa noo si Inay

Ah! Kay sarap sarap nilang tingnan habang ang inay ay may suot-suot pang apron.

 

Naghain na ang aking Inay ng isang masarap na hapunan na talaga namang may kasamang pagmamahal.

Masarap kumain nang sabay sabay sa isang hapag kainan kapag kumpleto ang isang pamilya.

Hmmm. ang sarap ng tinolang manok ni Inay!

Ibang klase talaga si Inay pagdating sa kusina.

 

At kahit ako ay malaki na, may trabaho at may kaalaman na sa pagluluto,

‘Di pa rin mapapantayan ang galing sa pagluto ng mahal kong Nanay!

 

#DFBI    #DefinitelyFilipino   #DFBloggersIntl

 

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.