Mas Okay Pang Manood ng Wrestling Kesa sa Telenovela

4/10/2014 10:37:26 AM

Sa totoo lang, ang isang sporting event ay isang pinakaperpektong halimbawa ng reality show, o ng isang television series. At kung ganun lang naman ang usapan, aba, mas okay pang manood ng wreswtling kesa sa teleserye!

Ano?! Seryoso ka ba?!

O, ano? Napataas ba bigla ang kilay mo? Uminit ba ang ulo mo? Kumulo ba ang dugo mo?

Kung ganun, aba, hindi ko na problema yan.

Paano ko nasabi ‘to? Kamakailan lang, marami akong nababasang mga kumento sa kaliwa’t kanang mga Facebook page. At marami dun ay nakikipagtalo dahil diumano sa kakornihan ng World Wrestling Entertainment. Scripted daw.

Oo, scripted naman talaga yan e. Kaya nga “World Wrestling Entertainment,” ‘di ba? Kaya nga rin tinawag na ‘sports entertainment’ ang mundong ginagalawan nila.

So what can you expect pa ba?

Lately, nagiging parte na rin ng daily grind ko ang mag-isip at magsulat ng mga post na may kinalaman sa WWE. Maliban pa yan sa mga beat ko sa UFC (though never ko pa siyang nailalahad sa sarili kong blog), NBA , PBA, at kung anu-ano pa. Siguro dala na rin ito ng pagiging fanboy ng WWF nung bata pa ako.

At noong umusbong ang ika-30 edisyon ng WrestleMania, naging matunog na naman ang pangalan ng WWE. Nagtrend sa Twitter. As in pinag-usapan na naman siya. Maraming nagsasabi (na usually namna y mga taong nabuburat na rin sa palabas na ito), scripted daw ‘to. Ops, basahin ulit ang nasa itaas (kailangan bang paulit-ulit sa pag-eexplain ha?).

Pero kumokorni na nga ba ang WWE dahil sa kung anu-anong pautot ng mga ‘to? Mantakin mo, maraming nagbabalik na mga alamat sa kasaysayan ng professional wrestling. Bibihira lang na bigyan ng pagkakataon ang mga biglang usbong na superstar. Madalas ay inaambush.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

 

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.