Mantsa sa  Imahe ng mga Pinay

(Photo Credit: bakitbitteranglife.blogspot)
(Photo Credit:  bakitbitteranglife.blogspot)
(Photo Credit: bakitbitteranglife.blogspot)

Paalala: Lahat ng komento at sitwasyong nagamit ay nababase lamang sa paniniwala at karanasan ng nagsulat.

Nung  mga unang araw ko dito sa KL (Kuala Lumpur)  naguguluhan pa ako kung alin ang Malay, Indonesian, at Pilipino. Siyempre, Chinese hindi naman natin kamukha. Lalu naman Indians. At lalong-lalo namang hindi mga puti. Kulay pa lang. Pero pag Malay at Indonesians, kakulay na nga, kamukha pa. kaya nahirapan talaga ako.

Minsan, pumunta kaming Petronas Tower ng tita ko. May mga nakasalubong kaming mga babae. Sabi ng tita ko, “Pilipino mga yan.” Sabi ko, “Paano mo alam?”. Hindi naman niya naririnig magsalita. At habang papalapit na kami, narinig ko na sila magsalita. Pinoy nga. Sabi ko na lang, “Galing ah!”. May sumunod ulit, babae pa rin. “Pinoy ulit yan.” Nagtaka na ako. Nung nagsalita, pinoy nga. Nagtanong na ako. Kung paano niya nalalaman.

Binigyan niya ako ng nakakainsultong tawa sabay sabi, “Kapag nakasleevless, naka shorts, nakatsinelas, pinoy na. Walang duda.” Natawa ako. Sabi ko na lang, “Wow ha? Hindi ka naman nag i-stereotype sa lagay na yan?” Pero hinamon nia ako. Bakit hindi ko rin daw subukan magturo ng iniisip kong pinoy based on sa criteria na sinabi niya. And i said, ok. Masubukan nga. I pointed one girl, wearing shorts. Pagdaan, Pilipina. One point for her. I pointed another one wearing slippers, pagdaan, pinay nga. Turo ulit. Ulit. At ulit. Walang mintis. Pilipino nga. Basta ganun ang suot. Wala ako nagawa kundi sumuko at maniwala na tama siya. Nung naglalakad na naman kami, mai nakita siyang babae na parang nakikipag away sa kausap sa phone. Hindi pa namin naririnig salita pero sa expression mukha, alam mong mai kaaway sa fone. Sabi tita ko, Pinay ulet yan. Hindi nmn siya naka sleeveless. Hindi rin nakashorts. Hindi rin nakatsinelas. Disente nga e. Hindi nga mapagkakamalang Pinay kasi mejo maputi. Paglapit namin, tama na naman xia. Pinay nga. Tinananong ko anung ginamit niang criterion. Sabi nia, “pag palengkera, maingay, walang delikadesa, kalahi na natin yan.”.

Wow. Ganun  na ba talaga? Nakatatawa na nakaeewan. Kasi, Pilipino ako. Parang ang sama naman sa pakiramdam na, “kung anu siya, ganun ka rin.”. Stereotyping. Pero minsan, hindi na rin kasi cla masisisi. Kasi, karamihan naman na talaga.

I have nothing against Filipino women. Isa pa, hindi ko nilalahat. Karamihan lang. At nagkukwento ako base sa nakikita at naririnig ko. Kasi kahit ako, pinay. Dati, naiinis ako pag ganun tingin ibang lahi sa atin. Pero habang tumatagal, mukhang hindi naman natin sila masisisi. Reputasyon. Yun na ang tawag dito. Yun na binigay nating identity e.

Isa pa, siguro, sa lahat ng Pinay dito sa KL, baka 5% lang ang walang boyfriend dito.(Based ln din sa mga nakilala ko. Included na rin jan mga old age filipino women. Take note, may nameet pa akong early 60s ang edad, mai boyfriend din. Tsk.). At karamihan pa ng boyfriends nla, Indians. Nagtataka nga ako kung paano nila natitiis ang amoy ng mga lalaki nila. Makatabi nga lang sila sa train, masusuka ka na. Ang yakapin pa kaya? No way! Para ka lang naman nakipag yakapan sa kambing.

Ano nga bang nagustuhan nila? Eto. Nalaman ko na lang, (base din sa mga nameet ko), na after every sex, ay babayaran sila. It’s more than being a hooker. Kasi, pag hooker, walang relasyon db? Sila, mai relasyon, mai bayad pa. hindi ko na alam kung anu tawag sa kanila. Pero meron naman iba, walang relasyon, pero mai bayad. Meron ding, walang bayad, pero mai relasyon. Pero ang pinakamasaklap sa lahat, wala na ngang relasyon, wala pang bayad. Ano yun? Sex for free? Maiintindihan ko pa kung mai bayad e. Kapit sa patalim. Pero ang walang bayad? Is it just about lust? At karamihan pa sa mga babaeng ganun, mai pamilyang iniwan sa Pinas. Anu kaya sasabihin ng mga anak nila pag nalaman nila yun?

Hindi na siguro nakakapagtaka sa lahat bakit mababa ang tingin ng mga ibang lahi sa mga Pilipina. Kasi gawain nga nmn talaga ng iba. Hindi ko alam paano mawawala eto sa isip ng ibang mga lahi. Na kapag nalamang Pinay ka, ang tingin agad sa’yo sex toy. Sasakay ka ln ng taxi, tatanungin lahi mo. Pag sinabi mong pinay, ssbhn sa’yo,”Are you looking for a boyfriend? I’m free.”. Sarap sabihin ng, “Yes. Im looking for one. But i dont want a taxi driver like you. So just keep driving.”  Kaso, marerealize mo na ln, baka bigla ka ihulog sa taxi. Meron pang tahimik kang naghihintay ng taxi, biglang may titigil sa harapan mo sabay sabing, “Hey! Need a ride?”. At bibigyan ka pa ng ngiting nakakakilabot. Nakakataw na nakakainis. Kung pwede lang sabihin na, “I didn’t know that here in KL,  you use Mercedes Benz as a taxi.” Tsk.

Minsan, naikuwento ng nanay ko; pumunta daw siya with her friends sa isang pub dito. May mga nakikita daw siyang mga babae na palipat-lipat ng table na parang may sinasabi sa mga customers (mostly Kano). Tinanong niya sa waiter kung anong work ng mga yun.

Sabi ng waiter, “those are your fellow Filipinos. Offering for sex. You know what I mean?” sabay ngisi.

Yes. Prostitutes. Nakakaawa raw sila tignan kasi ilan sa mga lalaki, itutulak pa sila na parang nandidiri sila. May ilan naman na pumapayag. Past time lang.

Ilan lang yan sa mga sitwasyon na nangyayari. Ngayon.. Ang tanong, ano nga bang paraan para mabura ang paniniwala ng ibang lahi sa atin? O.. May solusyon pa nga ba? Buti pa nga ang mantsa ng damit, lagyan lang ng bleach, mawawala na. Ahh.. Mali. Hindi nga pala lahat, madadaan sa bleach. May mga mantsa na hindi na talaga matatanggal. Kaya minsan, bibili na lang tayo ng bago, ‘di ba? Pero kailangan nang alagaan para hindi ulit mamantsahan. Ito na rin siguro ang angkop sa atin. Mantsa ng lahi natin na walang makabubura. Maliban na lang kung yung mga susunod na bagong damit (bagong henerasyon), ay maalagaan nang mabuti at hindi na sila muli pang pumayag para mamantsahan pa.

About lifeexplorer

A nurse by profession. A lawyer by frustration. A musician by passion. A business magnate by aspiration. A writer by cognition. A computer wizard by imagination. Martial arts master by illusion.   Call me fool. Dope. But i just simply call myself, IDEALIST.:)