Manny Pacquiao angat sa Music Charts

Si Manny Pacquiao, ang number one pound for pound na boksingero ay nagiging isang ganap na mang aawit sa labas ng ring.

Ang kanyang pag awit ng “Sometimes When We Touch”, isang awit na pinasikat ni Dan Hill noong dekada 1970 ay lumampas na sa top 10 ngayong linggo.  Kasulukuyang nasa pang pito sa Secondary Adult Contemporary Chart na sinukat ng Friday Morning Quarterback Album Report (FMQB).

Si Dan Hill ay simulang kumontak kay Pacquiao pagkatapos niyang mapanood ang Fighter of the Decade na umawit ng “Sometimes When We Touch” sa Jimmy Kimmel Live sa una niyang labas sa telebisyon dito sa Amerika noong Nobymbre 3, 2009.

Noong Oktubre, ilang linggo bago siya manalo ng unanimous 12 round na desisyon kalaban si Antonio Margarito na pinagkapanalo niya ng bakanteng WBC super welterwight championship, isiningit niya sa pag ensayo sa boksing ang pag ensayo sa pag awit sa isang Hollywood studio para ma i record ang di makalumitang awit kasama ang mismong mga tao sa produksyon ni Dan Hill noong 1977.

Kasama ang lumikha at unang umawit na si Dan Hill sa tabi ni Pacquiao, at ang mga producer na sina Matthew McCauley at Fred Mollin, nagbigay si Pacquaio ng awit na masasabing mula sa puso at kagigiliwan ng marami.

Maaring idownload itong awit sa iTunes at Amazon.com.  Makikita ang isang preview dito sa www.mannysings.com o sa ibaba.