“MANNY-NIGURADO”

(Photo Credit: Usatoday)
(Photo Credit:  Usatoday)
(Photo Credit: Usatoday)

Nagbubunyi na naman ang buong sambayanang Pilipino sa pagkapanalo ng ating PAMBANSANG KAMAO laban kay Bradley by unanimous decision. Lahat ay nagkakaisa ng damdamin dahil sa muling pagbandera ni Manny ng ating lahi sa buong mundo sa kanyang pinakitang galing, husay at determinasyon sa larong Boxing!

Ngunit ‘di pa man umiinit ng husto ang pagkapanalong ito ni Pakman, marami nang MANNY-NIGURADO sa pagkapanalong ito ng ating Idol. Malamang sa oo, nariyan na naman ang mga sugapa sa pera na mga pulitiko at ilang ahensya sa gobyerno na nag-aabang sa panalo ng ating Kampeon. Nakikini-kinita ko na ang ilan sa kanila na gagawa ng isang hakbang laban kay Pacman para lamang magkamal ng salapi. Ano na namang isyu ang muling ipupukol sa ating Pambansang Kamao?

Ito ang susubaybayan ng taumbayan. Dahil nagdudumilat ang katotohanan na sa bawat panalo ni Pacman, kaakibat nito ang pananamantala ng iba para lamang sa pansariling interes at kapakanan.

Gayunpaman, isang Bigwas ng pagbati sa ‘yong tagumpay Pacman. You made all the Filipino Nation Proud!!!

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.