Mangarap ka!

Sino ba naman sa atin ang walang pangarap, ang nangarap, ang nangangarap o mangangarap pa lang? Libre naman kaya siguro lahat tayo, Ang tanong hanggang pangarap na lang ba ang ating mga pangarap? Hindi ganoon kadali ang maabot ang pangarap lalo na kung masyadong matayog ito, Samahan mo rin ng konting tyaga at dasal sa may-kapal at tulong ng ibang tao tiyak matutupad ito. Kung may oras ka makinig ka sa kwento ko 🙂

Galing ako sa simpleng buhay, simpleng pamilya. Noong bata ako pangarap kong maging Pulis, meron kasi akong mga laruang kotse-kotsehan na Police Car, syempre noong lumaki ako hindi iyon natupad, hindi dahil ayaw kong mag Pulis kundi napaka-pangit ng imahe ng Pulis sa atin maging sa tv o totoong buhay. Isa ako sa libo-libong Kabataang na adik sa mga Computer games, nakaka aliw kasi at masaya lalo na kung kasama mo ang iyong barkada. Parang lahat ata ng mga taong na lulong sa Computer games ay nalimutan ng may mas magandang buhay pa sa labas ng Computer Shop o meron pang mas pedeng pag-aksayahan ng oras, pera at pagod at dahil din sa mga naglabasang iba’t-ibang games at iba’t-ibang uri ng computer hindi ako nakatapos ng kolehiyo.

Hindi ko sinisisi ang sarili ko sa ginawa ko, dahil ginusto ko yun at hindi ko inisip ang kinabukasan ngayon ko lang naisip ang sinabi ng magulang ko na “Magiging maganda ang buhay mo ‘pag nakatapos ka ng pag-aaral” at “nasa huli ang pagsisisi”

Habang tumatanda ako naisip kong wala na talagang nangyayari sa buhay ko, hilig ko talaga ang computer e, anong magagawa ko. Kaya nag focus na lang ako sa computer. Sa tulong ng aking magulang, dasal, tiyaga, kaibigan at ni kumpareng Google natuto ako ng kaunti sa pag-aayos, maintenance at trouble shooting pag dating sa computer. Hindi ako I.T. at hindi ko rin natapos ang ECE, CoE at ACT noong kolehiyo ako dahil sobrang irita ako sa mga walang ka-kwenta-kwentang subject tulad ng rizal, science, araling panlipunan at NSTP na alam ko namang hindi makakatulong sa kursong kinuha ko.

Dahil hindi naman kami gaanong kahirap nakapag pundar ang ermat ko ng maliit na negosyo ang sarili naming Computer Shop at dahil sa mababait ang tao sa Pinas wala pang dalawang taon ninakaw lahat ng aming unit, salamat sa kanila dahil nag tira pa ng isang CPU.

Ngayon meron na akong asawa at isang anak, kaya siguro nabuo ang aking pangarap, sila ang inspirasyon ko sa buhay ngayon sila rin ang dahilan kung bakit ako nakipagsapalarang mag trabaho sa pinas ayaw ko rin namang mag trabaho sa pinas, yung mga graduate nga at board passer hirap mag trabaho at kumita ng malaki ako pa kayang undergrad? Syempre dahil sa walang sawang pag tulong at pagsuporta ni ermat sa akin naka-alis ako ng bansa at ngayo’y nagtatrabaho bilang IT (woah IT) dito at sana mag tuloy-tuloy na ito dahil pro-visionary palang ako. Galing lang recto ang diploma ko at hindi rin ako gaanong kagaling pagdating sa computer siguro diskarte at konting dasal lang.

Kaya hindi ako naniniwalang hanggang dyan na lang ang buhay mo. Kaya mo pang umangat. Matuto ka lang mangarap

8 Comments

  1. ang salitang “provisionary” ay synonym o kasingkahulugan ng salitang “probationary” ngunit ang tamang pang-uri ng salitang ito ay “provisional” na ang ibig sabihin ay “nangyayari ngayon na maaaring mabago sa hinaharap”. ang “probationary” naman ay may kahulugan na “obserbahan ang abilidad ng isang taong bago sa trabahong kanyang ginagampanan”. magkaiba sila ng gamit kahit na halos pareho ang kanilang kahulugan.

    ang ginamit mong “pro-visionary” ay mali dahil gumamit ka ng gitling na nagbigay ng panibagong kahulugan sa ibig mong tukuyin. ang “provisionary” ay galing sa salitang-ugat na “provision”. sa paggamit mo ng “-“, nagkaroon ka ng unlaping “pro” na ang ibig sabihin sa tagalog ay ang “pagsang-ayon”. ang mga halimbawa nito ay “pro-life” at “pro-RHB”. ang ibig sabihin ng “visionary” ay “pagpaplano sa hinaharap” o ‘di kaya naman ay “isang taong nakikita ang hinaharap”. kung sumasang-ayon ka sa pagiging visionary, ikinalulungkot kong sabihing walang salitang “pro-visionary”. hindi rin ito malamang tumutukoy sa estado ng pagiging empleyado mo ngayon sa pinapasukan mong kumpanya.

    subukan mong itanong kay google ang “pro-visionary” ay tatanungin ka rin niya kung ang ibig mo bang sabihin ay “provisionary”. sa totoo lang, hindi nga rin tinatanggap ng spell checker ang salitang provisionary.

    gusto ko ang nakalagay sa profile mong isa ka lang bagong manunulat kaya dapat pagtiyagaan. dapat ay handa ka sa mga ganitong klase ng koment dahil ito ang magpapatibay sa’yo. wala akong masamang hangarin sa pagpuna sa’yo. walang taong perpekto kaya dapat ay bukas tayo sa pagtatama ng mali.

    at kung sasabihan mo akong huwag kong pakialaman ang diskarte mo, parang sinampal mo na rin ang mukha mo nang isulat mo sa nakaraan mong entry ang nangyari sa mga ka-batch mong nagtrabaho bilang waiter kahit na nakapagtapos. diskarte nila ‘yun kaya wala ka ring pakialam.

    kung alam mong mas magaling ka pa sa ibang taong may diploma, pasalamat ka. pero matuto ka sanang magpakumbaba kung ayaw mong mapulaan ng ibang tao.

  2. Tamaaa!!! Libre nga naman mangarap kaya todo ko na!!.. Pangarap ko lahat ng kung ano meron mga mayayaman na yn ay meron din ako.. Lahat naman talaga tayo nangangarap umasenso at mabigyan ng maayos at maginhawang buhay ang pamilya natin kaya dapat ang gawin natin ay sabayan natin ng dasal at pagsisikap sa buhay ng bonggang bongga at huwag puro pangarap na lang..

  3. Tamaaa!!! Libre nga naman mangarap kaya todo ko na!!.. Pangarap ko lahat ng kung ano meron mga mayayaman na yn ay meron din ako.. Lahat naman talaga tayo nangangarap umasenso at mabigyan ng maayos at maginhawang buhay ang pamilya natin kaya dapat ang gawin natin ay sabayan natin ng dasal at pagsisikap sa buhay ng bonggang bongga at huwag puro pangarap na lang..

  4. Tamaaa!!! Libre nga naman mangarap kaya todo ko na!!.. Pangarap ko lahat ng kung ano meron mga mayayaman na yn ay meron din ako.. Lahat naman talaga tayo nangangarap umasenso at mabigyan ng maayos at maginhawang buhay ang pamilya natin kaya dapat ang gawin natin ay sabayan natin ng dasal at pagsisikap sa buhay ng bonggang bongga at huwag puro pangarap na lang..

  5. ejay……..hindi lang mangarap…………sabayan mo ng dasal sa buong Maykapal at hindi ka mapapariwara sa magandang landas ng iyong buhay….

  6. baka ang ibig mong sabihin ay probationary. kung nag-aral ka lang ng mga subjects na walang kinalaman sa pagiging peke mong IT, sana ay alam mong mag-spell ng tama.

    hindi masamang mangarap. hindi masamang dumiskarte. huwag mo lang sanang ipangalandakan sa mundo na mas pipiliin mong dumiskarte ng baluktot para lang matupad ang mga pangarap mo.

    • ganda ng username mo, pero Hindi ka perpekto, try mo i search ang ibig sabhin ng provisionary kung ano ang meaning. 🙂 bka mapahiya sir 🙂 dahan dahan lang sa pag search 🙂

      diskarte ko ito, wlang paki alamanan. ginawa ko lang ang bagay na makakatulong sa akin.saka kwento ho ng buhay ko ito, ayaw kong magpaka plastik at sabhing graduate ako 🙂 pero kaya kong sabayan at lamangan pa ang ibang graduate ng IT.. papel lang ang pinagkaiba namin

Leave a Reply to ejaybasaliso Cancel reply

Your email address will not be published.