Mangarap ka!

Sino ba naman sa atin ang walang pangarap, ang nangarap, ang nangangarap o mangangarap pa lang? Libre naman kaya siguro lahat tayo, Ang tanong hanggang pangarap na lang ba ang ating mga pangarap? Hindi ganoon kadali ang maabot ang pangarap lalo na kung masyadong matayog ito, Samahan mo rin ng konting tyaga at dasal sa may-kapal at tulong ng ibang tao tiyak matutupad ito. Kung may oras ka makinig ka sa kwento ko 🙂

Galing ako sa simpleng buhay, simpleng pamilya. Noong bata ako pangarap kong maging Pulis, meron kasi akong mga laruang kotse-kotsehan na Police Car, syempre noong lumaki ako hindi iyon natupad, hindi dahil ayaw kong mag Pulis kundi napaka-pangit ng imahe ng Pulis sa atin maging sa tv o totoong buhay. Isa ako sa libo-libong Kabataang na adik sa mga Computer games, nakaka aliw kasi at masaya lalo na kung kasama mo ang iyong barkada. Parang lahat ata ng mga taong na lulong sa Computer games ay nalimutan ng may mas magandang buhay pa sa labas ng Computer Shop o meron pang mas pedeng pag-aksayahan ng oras, pera at pagod at dahil din sa mga naglabasang iba’t-ibang games at iba’t-ibang uri ng computer hindi ako nakatapos ng kolehiyo.

Hindi ko sinisisi ang sarili ko sa ginawa ko, dahil ginusto ko yun at hindi ko inisip ang kinabukasan ngayon ko lang naisip ang sinabi ng magulang ko na “Magiging maganda ang buhay mo ‘pag nakatapos ka ng pag-aaral” at “nasa huli ang pagsisisi”

Habang tumatanda ako naisip kong wala na talagang nangyayari sa buhay ko, hilig ko talaga ang computer e, anong magagawa ko. Kaya nag focus na lang ako sa computer. Sa tulong ng aking magulang, dasal, tiyaga, kaibigan at ni kumpareng Google natuto ako ng kaunti sa pag-aayos, maintenance at trouble shooting pag dating sa computer. Hindi ako I.T. at hindi ko rin natapos ang ECE, CoE at ACT noong kolehiyo ako dahil sobrang irita ako sa mga walang ka-kwenta-kwentang subject tulad ng rizal, science, araling panlipunan at NSTP na alam ko namang hindi makakatulong sa kursong kinuha ko.

Dahil hindi naman kami gaanong kahirap nakapag pundar ang ermat ko ng maliit na negosyo ang sarili naming Computer Shop at dahil sa mababait ang tao sa Pinas wala pang dalawang taon ninakaw lahat ng aming unit, salamat sa kanila dahil nag tira pa ng isang CPU.

Ngayon meron na akong asawa at isang anak, kaya siguro nabuo ang aking pangarap, sila ang inspirasyon ko sa buhay ngayon sila rin ang dahilan kung bakit ako nakipagsapalarang mag trabaho sa pinas ayaw ko rin namang mag trabaho sa pinas, yung mga graduate nga at board passer hirap mag trabaho at kumita ng malaki ako pa kayang undergrad? Syempre dahil sa walang sawang pag tulong at pagsuporta ni ermat sa akin naka-alis ako ng bansa at ngayo’y nagtatrabaho bilang IT (woah IT) dito at sana mag tuloy-tuloy na ito dahil pro-visionary palang ako. Galing lang recto ang diploma ko at hindi rin ako gaanong kagaling pagdating sa computer siguro diskarte at konting dasal lang.

Kaya hindi ako naniniwalang hanggang dyan na lang ang buhay mo. Kaya mo pang umangat. Matuto ka lang mangarap

About ejaybasaliso

bago lang po ako sa pagsusulat. pag tiyagaan ninyo na lang 🙂