Mangarap Ka! Habang may buhay ay mayroon pang Pag-asa

(Photo Credit: momsinablog)
(Photo Credit:  momsinablog)
(Photo Credit: momsinablog)

Mangarap Ka! Habang may buhay pa at may hininga ka pa, mayroon pang pag-asa.

Dito sa mundong ating ginagalawan na punong-puno ng mga materyal/bagay na naggagandahan, mga palamuting nagsisikintaban, para ika’y akitin at gusto mo ring maangkin at makamtan.

Mga naggagandahan at mga naglalakihang opportunidad na kabilaang nakaabang.

Sa ating buhay, ito ang ating mga inaasam-asam na makamtan.

Sa dami nila, hindi mo na alam kung saan, ano at sino ang uunahin mo sa kanila.

Pero paano kung …

Isang hamak na mahirap ka lang.

Walang pera…

Walang trabaho…

Walang syota o nobyo…

Walang mayayaman na kaibigan,

As in..walang-wala ka talaga!

Kakayanin mo pa ba ang hamon ng buhay?

Kakayanin mo pa bang mabuhay?

Kakayanin mo pa bang makipagsabayan sa uso ng karamihan?

Kakayanin mo bang haraping mag-isa, lalo na ang mga suliranin sa buhay, problema sa pera at kung ano – ano pa?

O ‘di kaya….

MAKIKIPAGSAPALARAN ka na lang?

Huwag kang matakot makipagsapalaran, dahil hindi mo malalaman ang tunay na KAHULUGAN ng hamon ng buhay kung hindi mo SUSUBUKAN.

O baka naman….gusto mo nang magpakamatay? Wakasan na lang ang iyong buhay?

NAKO!!! Yan talaga ang huwag na huwag mung gagawin, kaibigan. Dahil kasalanan ‘yan. Si God lang ang puwedeng kumuha ng ating buhay, siya lamang ang nakaaalam kung kailan tayo mamamatay.

Ang buhay natin ay hiram lang..ito’y isang beses lang. Hangga’t may buhay ka pa, hangga’t humihinga ka pa, MANGARAP KA!

‘Ika nga sa paborito kung kanta 🙂 by After Image…

Simulan mo sa pangarap ang iyong minimithi
At ito’y iyong damhin
At itanim mo sa iyong puso at ito ay lalaki
Ikaw rin ang aani

REFRAIN
Hayaan mong lumipad ang isip
Sa lawak ng langit
Ito’y umaawit
At ito’y nagsasabing

CHORUS
Mangarap ka
Mangarap ka
Dinggin ang tawag ng iyong loob
Umahon ka
Umahon ka
Mula sa putik ng iyong mundo

Mangarap ka para sa iyong sarili, para sa iyong pamilya o sa iyong mga minamahal sa buhay.

Libre lang ang mangarap, ito’y walang bayad.

Ngunit…Ito’y may kapalit.

GAWIN MO!

Trabahuin mo..

Paghirapan mo..

Pagtiyagaan mo..

Pagsikapan mo..

at subukan mo lahat ng pagsubok at hamon sa iyong buhay..

“Subukan mong gawin ‘yung mga bagay na magdadala sa katuparan ng iyong mga pangarap, at nang malaman mo ang kahulugan nito!”

Tulad nung ikay bata pa, sinubukan mong tumayo at maglakad. At kahit ilang beses ka pang nadapa, nasugatan at umiyak tuloy-tuloy ka pa rin hanggang sa ika’y ganap nang nakakalakad na kahit umiiyak ka, tumatawa ka, dahil ika’y masayang-masaya dahil nakalalakad ka na.

Ngayong matanda ka na, at marami ka nang puwedeng magawa, bakit hindi mo ulit subukan? Kung gugustuhin mo lang, walang sinong makahahadlang, kahit kahirapan ito’y hindi hadlang para ito’y pagtagumpayan.

Live Your DREAMS…

Dream it!

Wish it!

Do it!

“The Future Belongs To Those Who Believe in the Beauty of their DREAMS”

-Eleanor Roosevelt-

__( “aj” )__

Enhanced by Zemanta

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.