Manggagawang Pilipino sa Disyerto

Nagkakilala kami ni Mang Sendong nang minsang dumalo ako sa pagpupulong ng mga Pinoy.  Taga Ilocos Norte pala siya.  Nagkapalagayang-loob kami kaagad. Nakarating siya at ang kaniyang asawa sa Amerika dahil pinetisyun sila ng kaniyang anak na isang nurse.

Sampung taon din daw siya sa Saudi; iyon nga daw ang dahilan kaya napag- aral niya ang tatlong anak.  Guro ang isa at ang isa naman ay inhinyero.  Ngayon ay maayos na ang kanilang buhay.  Sa pag- uusap namin ay nabanggit niya ang mga bagay na ginagawa ng ilang lisyang Pinoy sa Saudi.

Bawal daw ang sabungan sa Saudi, kaya ang ibang mga tusong Pinoy nagdala ng itlog ng manok na panderby at doon pinisa sa disyerto, kaya naman ayun, nakapagsusugal din ang mga pinoy at nagpupustahan dahil may mga manok sila. he he.  Tinanong ko pa kay Mang Sendong kung totoo iyon, ang sagot niya,

“ Hindi naman ako magsisinungaling dahil wala akong mapapala”.  Kungsabagay, hindi naman imposible hindi ba? Isa pa, bawal din daw ang alak sa Saudi, kaya naman ang ilang Pinoy, he he, sila na rin ang gumagawa ng sariling alak. Hanga talaga ako sa galing ng Pinoy, resourceful. yon daw mga katas ng prutas, binuburo pagkatapos ay nilalagyan ng yeast, nagiging alak na raw.  Kaya ang mga pinoy kapag nagparty sila e ‘di may tomaan din.

Walastik, talagang dala na yata ng Pinoy ang paglabag sa batas, pero ilan lang naman, marami pa rin naman ang law abiders.

Sinabi rin niya sa akin, na minsan ang isang kasama niyang Pinoy ay naging kabit ng Madam nito.  Masyado raw kasing workaholic ang Sir nito kaya ayun natipuhan daw ng Madam.  Kahit daw hindi naliligo, mabango rin daw si Madam dahil sa dami ng cologne nito. Ang Pinoy na iyon ay napakayaman na ngayon sa Ilocos.  tsk tsk

Mayroon din daw paraan ang ibang pinoy para kumita ng pera, masyado raw kasing hayok ang mga Arabo na makakita ng babae, kaya nagdala raw ang isang Kabayan natin ng larawan ni Vilma Santos, may bayad kapag gustong makita. he he, Buti na lang walang nagsumbong, mas malaki daw ang bayad kapag inarkila. tsk tsk.

Sinabi rin niya sa akin na magaling magnakaw ang ilan nating kababayan.   Minsan ang iba sa kanila, papasok sa jewelry shop, umiinom diumano ng coke in can, doon pala inilalagay ang mga alahas, pagkatapos bibili lang ng isang alahas at aalis na, siyempre hindi halata, dahil noon daw walang detector ang shop.

Minsan ang iba nating kababayan na Muslim, papasok sa Mosque, hindi raw kasi puwedeng ipasok ang tsinelas o sapatos sa Mosque.  Magaganda raw ang mga footwears ng mga arabo, ang gagawin daw ni Pinoy, unang lalabas tapos hindi yung footwear niya ang kukuhanin kundi ang footwear na gusto niya. he he.

Pagdating sa usapang sexual, ang ilang pinoy daw ay nag-li-live in doon kahit na sila ay may kani-kaniyang pamilya sa Pinas. Tsk tsk

Ang mga ito ay first hand imformation, base sa karanasan ni Mang Sendong, hindi ko rin alam kung totoo o hindi.   Gayunpaman, sana ang mga bagong henerasyon ng nangingibang-bansa, lahat ay maging law abider, mga tapat at hindi mangungupit, isipin ang pagmamahal sa pamilya at hindi ang libog lamang.

Negatibo man itong aking narinig kay Mang Sendong, gusto ko pa ring ibigay ang mensaheng ito sa mga tapat nating kababayan, dahil alam ko na mayroong mang ilang pulpol pero karamihan pa rin ay tapat at tunay.

Sa ating mga kababayan,lalo na sa mga nasa Saudi Arabia, sa lahat ng mga tapat at tunay, kayo’y bayani ng bansang Pilipinas, saludo po ako sa inyo!

4 Comments

  1. Good day! Do you know if they make any plugins to assist
    with Search Engine Optimization? I’m trying to get my blog
    to rank for some targeted keywords but I’m
    not seeing very good gains. If you know of any
    please share. Thanks!

  2. Hindi pa huli para gawing tama o pagsisihan ang pamumuhay ng mga taong nasa ganitong mga situation ngayon. Alam natin sa ating isip at puso kung alin ang tama at mali, its your choice. But once you are in front of JESUS, na Siya ang ating HUKOM walang ka nang rason. Magsisisi na po tayo sa ating mga kasalanan at maghanda sa kanyang ‘SECOND COMING’…God Bless Us All!

Leave a Reply

Your email address will not be published.