Mañana Habit!

(Photo Credit:  www.topten.ph)
(Photo Credit: www.topten.ph)

Mañana Habit — isa sa mga ugaling nakatatak na sa ating mga Pipilino.

Ang Mañana ay galing sa salitang español na ang ibig sabihin ay bukas. Ito ang tawag sa ugaling “bukas na lang”, ugaling ipinamana sa atin ng mga español.

Ang gawaing ito ay sadyang nakababahala para sa ating kultura at para na din sa ating mga sarili. Madalas nating ipagpabukas ang mga bagay na magagawa natin ngayon. Ito ang nagiging dahilan kung bakit hindi natin natatapos ang ating gawain sa tamang oras. Maraming oras ang ating nasasayang.

Ito rin ang nagiging sanhi kung bakit nawawalan tayo ng dedikasyon at konsentrasyon sa kahit ano mang mga bagay na ating gingawa. Bumababa ang tiwala mo sa iyong sarili at sa iyong kakayahan. Bakit ba kailangan nating ipagpabukas pa ang isang bagay na kaya mo namang gawin bago pa ang itinakdang oras. Hindi ba’t mas masarap naman sa pakiramdam kung natapos mo ang isang gawin o proyekto ng mas maaga. Yung tipong wala ka ng alalahanin at mapapabilis mo pang magagawa ang iba mong gawain.

Displina sa sarili yun ang dapat nating ugaliin. Magfocus ka sa kung anong ginagawa natin, huwag kang patukso sa mga distraction sa paligid mo. Magkaroon ka ng motivation at unahin natin ang dapat unahing gawin at magset ng deadline para sa mga bagay na gagawin mo.

‘Ika nga, kung ano daw nakaugalian mo mahirap nang alisin pero kung susubukan at desidido kang baguhin ito, magagawa mo din. Hindi naman minamadali yan e, kailangan mong dumaan sa proseso hanggang sa unti unti mong mabago ito.

Don’t say “there is still time” or mabe “next time” because there is also the concept of “its too late.

Be responsible enough in everything you do…..

About Cryptic

Simple Girl /Joker/Humble/Adventurous/Moody/Unique/art lover.