“Malusog na bato, ‘yan ang gusto ko”

Photo credit: Dr. Ketan Desa/Pinterest

Alam ba ninyo na isang pilipino ang namamatay dahil sa sakit ng bato kada isang oras? Ito ay ayon sa datos ng Department of Health. Ang sakit sa bato ay nakalista sa number nine pagdating sa top ten killer diseases sa ating bansa.

Napakamahal ng dialysis. Kinakailangan ito kapag ang tao ay may kidney failure. Sa Philhealth, ito ang may pinakamataas na reimbursement expenditure. Ang solusyon para hindi ito lumaganap ay ang pag-iwas sa “kidney diseases.”

Ano ba ang kahalagahan ng ating mga kidneys? Para saan ba ito?

Dalawa ang kidney natin na ang hugis ay kasinlaki ng kamao.

Ito ang nagsasala ng mga bagay na pumapasok sa ating katawan, tulad ng pagkain, inumin, minerals at dumi. Inilalabas nito ang waste products sa pamamagitan ng pag-ihi.

Samakatuwid, inihihiwalay nito ang mga nutrisyon at dumi sa dugo. Sa ganitong proseso ay iniaalis nito ang sobrang fluid upang mapanatiling balanse ang sustansiya sa dugo at mabantayan ang presyon nito.

Pinananatili rin nitong maayos ang daloy ng kemikal at tubig sa katawan. Kung normal ang pagdaloy nito, masasala kung ano ang makabubuti sa katawan o hindi.

Bukod sa pagtulong nito sa pagdaloy ng dugo, nakatutulong din ito sa produksiyon ng red blood cells sa katawan at maging ang iba pang bitamina.

Paano ba tayo nagkakaroon ng sakit sa bato?

Walang pinipiling edad ang sakit sa bato. Ayon sa pag-aaral ng DOH, maging ang mga paslit ay maaaring dapuan ng sakit na ito. Ang pagpipigil sa pag-ihi ay nagreresulta sa urinary tract infection na makaaapekto sa bato. Ngunit mas malaki ang tiyansa na dapuan ng karamdamang ito ang mga taong may diabetes, high blood pressure, naninikip na arteries, at kung nasa lahi na ang ganitong sakit o family history.

Ano ang mga pwede nating gawin para maiwasan ang sakit na ito?

1. Iwasan ang pagkain ng maaalat na pagkain. Nakaka-alta presyon ito at puwedeng makaapekto sa kidneys.

2. Uminom ng 8-10 glasses na tubig araw-araw. This is to prevent dehydration.

3. Siguraduhing matulog nang sapat. Iwasan ang stress.

4. Magkaroon ng balanced diet. A good diet na hindi masyadong fatty at salty.

5. Habang maaga, sumailalim na sa urinalysis na nagkakahalaga lamang ng ilang daang piso kumpara sa ilang milyong gagastusin sa dialysis o transplantation.

6. Tight control of blood pressure. Dapat hindi tataas ng 130/80.

7. Tight control of blood glucose levels. Bawasan ang mga pagkain na sobrang tamis.

8. Bawasan ang pagkain na may LDL, o bad cholesterol. Ito ay mga lechon, liempo at mga pagkaing nabibili sa fast-food.

9. Iwasan ang paninigarilyo at pag-inom ng alak.

10. Dapat magkaroon ng motibasyong baguhin ang lifestyle o ang pamumuhay. Eat a well balanced diet and less salty food.

Pag nagkaroon kayo ng signs and symptoms, katulad ng mga ito:

Photo credit: freedoctorhelpline

Nahihirapan umihi o umiihi nang sobrang dami
Foamy o bubbly ang inyong ihi o may dugo
Nagkakamanas kayo, lalo na sa may paa
Nahihilo, nanghihina at nawawalan ng gana kumain
Biglaang pagbawas ng timbang
Palaging sumasakit ang tiyan at nasusuka

Magpakonsulta na nang maaga sa doktor. We can combat kidney disease early. The earlier you know, the better. Prevention is always better than cure.

[In Memory of DF Blogger Mariands]

About Mommyjoyce

Isang simpleng nanay na adik magbasa, adik magsulat at adik sa anak! Idol ko si Mother Theresa, kaboses ako dati ni Ate Shawie Cuneta (joke); maawain sa mga madudungis, siga sa mga taong nang-aapi, at lifecoach sa mga kabataan at mga magulang na walang ibang makausap, Ang simpleng motto ko in life: Cherish everyday (not just because it could be my last); kundi kasi, bukas iba na naman ang flavor ng buhay! Kaya namnaming maigi!