Mali, Kailan Magiging Tama?

(Photo Credit: Itworksforbobbi)

Kailan mo nga ba masasabing tama ang isang mali? Lahat gagawin mo kahit na masaktan pa ang ibang tao. Minsan naiisip ko, bakit may mga taong patuloy pa din sa paglaban kahit alam naman nila wala sila pinaglalaban talaga?

Marami akong kaibigan na mas gugustuhin nilang maging pangalawa kaysa maging una. Hindi sa hinuhusgahan ko sila, pero kasi minsan alam mong kailangan nang bitiwan ang isang bagay na hindi sa ‘yo at alam mong hindi magiging sa iyo kahit kailan, ngunit patuloy ka pa rin sa paghawak.

Mahilig akong makinig sa kuwento ng mga kaibigan ko, kasi hindi naman ako makuwentong tao. Minsan nag-aadvice ako, pero madalas ay nakikinig na lang ako, kasi alam ko na kahit magdamag pa akong magsasalita sa kanila, in the end they are  still the one who will decide what to do or not to do.

Hindi sa jinujudge ko yung iba tao na third party ng mga mag-asawa. May mga kaibigan kasi ako na pangalawa sila sa lalaki na mahal nila, sayang kasi sila dalaga pa naman, yung isa ko kaibigan grabe siya murahin nung lalaki pero hindi pa rin niya maiwan, minsan nga nasabi ko sa kanya kahit ano gawin mo, pakamatay ka man sa harap niya, hinding hind na siya mapupunta sa ‘yo kasi may asawa na siya..sagot niya, mahal na mahal niya daw kasi yung lalaki. Napakarami kasing pangako sa kanya, puro salita na kahit kailan hindi na mangyayari pa.

Naawa lang kasi ako sa pamilya nung lalaki and doon din sa kaibigan ko. Nasabi ko nga sa kanila minsan, babae din kayo what if pagnagasawa kayo gawin din sa inyo ng magiging asawa niyo. Nasa babae naman kasi ang decison kung papayag ka o hindi, isa din akong bababe. Ang decision nasa sa akin kung papayagan kong gawin  ang lahat sa akin...kasi hanggang kaya mong tanggihan ang mga lalaki, kahit anong pilit nila sa ‘yo matatanggihan mo sila. Hindi ako nanghuhusga ng iba tao, ito ay ayon lang sa pananaw o opinyon ko.

Noong bata ako, sabi ng nanay ko sa akin, lahat daw ng ginagawa ko ngayon, pag nagkaanak ako  gagawin din daw ng magiging anak ko at doble pa nito.

Naisip ko lang, kung hindi man mangyayari sa ‘yo yung ginagawa mong paninira ng ibang pamilya, paano kung sa magiging mga anak mo mangyari?

1 Comment

  1. Tama, madaming babae na alam na nila na taken na ay sumisigi pa rin sila sabi nila tao lang at in love,there are some who will do everything para maagaw ang hindi nman kanila, like ang mag paanak last recourse ng mga desperadang kabit, kya dagdag problema na nman sa kanila at sa legal na asawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.