Makatha o May Tama?

Poetic Trips (Photo Credit: Goldilocks-humptydumptyluv.blogspot)
Poetic Trips (Photo Credit: Goldilocks-humptydumptyluv.blogspot)
Poetic  Trips       (Photo Credit:    Goldilocks-humptydumptyluv.blogspot)
Poetic Trips (Photo Credit: Goldilocks-humptydumptyluv.blogspot)

Oh, Babae, isa kang mapalad na nilalang. Dahil sa yo nakasasalay ang pagdami ng aming lahi. Mapalad ka at ikaw ang siyang magdadala at magpapayabong ng binhi na aking itatanim. Sa iyong mga kamay nakasalalay ang pag usbong ng panibagong pag-asa .Dala mo ang isang biyaya ng langit.

Sa iyong pagdadalang-tao, sa kabila ng pagdurusa at pagdadalamhati ,sa mga oras na ikaw ay nahihirapan ,nandito ako at naka-alalay. Sinusubaybayan at laging aalalayan. Mula’t sapul ikaw na ay pinagmamalaki. Nararapat lamang na ikaw ay ingatan,mahalin at respetuhin.

Sa iyong pagdadalaga, lapitin ka ng lalake.  Sa taglay mong ganda sila’y nabibighani. Oh, Babae ikaw ang siyang pinapangarap ng mga kalalakihan, tanggapin mo lamang ang pag-ibig na sayo’y alay pakakasalan ka kahit saang simbahan.

Mga tala sa iyo’y iaalay, mga pangakong ibubulong sa hangin upang makamit ang aking mithiin. Sinasamba kita . Ikaw ang ilaw sa gabing madilim taglay mong kagandahan walang kapantay.

Pag-ibig ko sa yo ay hindi kayang sukatin sapagka’t puso koy tumitibok sinisigaw ang iyong pangalan. Hindi ako halos makakain at makatulog. Laman ka ng aking isipan ,maging sa panaginip kasakasama kita. Ako’y nanabik sa iyong mga yakap kailan ko kaya matitikman ang matamis mong halik. Huwag mo sanang biguin ang puso na tapat na umiibig sa yo.

Nais ko’y ikaw makasama habang buhay sa huling hininga at nais kong magkahawak-kamay tayong naglalakad at binabaybay ang paraiso upang marating natin ang inihanda kong kastilo. Ikaw ang gagawin kong reyna at ako naman ang hari sa tulong ng aking mga kawal tayo’y tahimik at ligtas na mamumuhay sa mundo.

Sino kayang babae ang hindi kikiligin na magbasa o makarinig ng mga salitang ito? Nakakakilig nga naman may kahulugan ang bawat salita at letra umaapaw na kaligayahan ang maramdaman, Kung may isang taong nagtapat at lakas loob na gumawa ng isang makabuluhang tula, sa harap ng maraming tao ang tapang niyang magtapat at magpahiwatig ng kanyang damdamin.

Sa kabila ng modernong pamamaraan ng panliligaw, kapag romantic at lalo na kapag magaling gumawa ng tula, Nakakaakit at nakakalipad ng isip ang mga tulad nilang matalinhaga ang bawat salitang lumalabas sa kanilang bibig. Pero huwag tayo basta padadala sa mga ganitong istilo baka bumaliktad ang lahat ng katagang kanyang binitawan.Siya pala ay isang lalakeng maituring na Makatha.Tatakbuhan ka naman, pagkatapos kang anakan. At mahilig sa Panata. Panatang manloloko sa isip sa salita at sa gawa. Iniibig ka lang niya at padadamihin lang niya ang kanilang lahi. Dadalhin ka pala sa paraiso na napapaligiran ng mga tuyong bulaklak at dugyot na lupain at hindi k anaman kayang pakainin.

Iibigin ka habambuhay subalit marami ka palang kasabay hanggat siya ay nabubuhay. Ikaw daw ang ilaw sa gabing madilim dahil ikaw pala ang magsisilbing taga-akay sa mga gabing uuwi siyang lasing.Mula’t sapol ikaw ay iingatan sa iyong pagdadalaga, siya pala ang lalake na walang hangad kundi makuha ang iyong pagkababae.

Mapalad ka Babae, kung mapunta ka sa matinong lalake. Paano na kaya kung mapunta ka sa lalaking mapagsamantala sa iyong kahinaan at pagdadalamhati. Oh, Babae ingatan mo ang iyong puri at dangal. Huwag mong hayaan na mapunta ka sa lalaking hangal. Hindi makatulog at makakain daw, subalit ito pala ang kanyang gawain.

Walang masama kung ikaw ay maniwala sa masugid na manliligaw, huwag mo lamang hayaan na matangay ng hangin ang iyong mga pangarap, dahil sa yo nakasalalay ang kinabukasan ng iyong buhay. Mamumuhay kayong payapa sa mundo, kung di lang ang puso ang paiiralin, ngunit pati na rin ang isipan.

Maging mapanuri sa mga nanliligaw. Wag padalos-dalos.  Baka iyong madiskubre na ang iyong manliligaw ay may kakaiba palang ugali, at mga magaganda lang ang pinapakita sa yo.

Oh, Babae. Huwag kang padadala sa mga gawain ng mga lalaking Makatha, Masalita, ngunit  may Kakaibang Tama, LOL!

author:   mjsweetiecarreon

p.e./mj

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.