Makabagong Teknolohiya na si Juan

Hindi na rin siguro papatalo ang Pinoy pag dating sa paggamit ng mga makabagong Teknolohiya tulad ng selpown laptap, aypad, kumpyuter at kung anu-ano pang gadyet. Paano natin sasabihin na “naghihirap na ang bansang Pilipinas” sa tuwing may lalabas na bagong gadyet meron lagi ang Pinoy.

Sadya yatang hindi sa atin hadlang ang mga problemang kinakaharap pag dating sa pera, nariyan ang iba na nangungutang para lang maka-bili ng gadyet, yung iba naman kumukuha ng hulugan para lang mapasa-kamay ang inaasam nila na kahit alam nilang luging-lugi sila.

Pag dating sa makabagong Kumpyuter /Laptap hindi na rin ito iba sa atin, pero karamihan sa atin ginagamit ang mga ito pang peysbuk, twiter, tumblr, prendster, games, chat  at iba pang mapaglilibangan.

Karamihan sa trabaho ngayon hinahanap na ang “computer literate” o yung aplikanteng marunong gumamit ng kumpyuter. Isang magandang halimbawa ay ang mga ” Technical support,  Customer Service” o mas kilala sa tawag na call center. Maraming gradweyt ng ibat-ibang kurso pero kadalasan nag-ta-trabaho bilang call center.

Ipod/Ipad nauuso na rin ito sa atin palibhasa ito ang madalas nating nakikita gamit ng mga kilalang tao sa buong mundo lalo na yung mga mayayaman. Minsan kahit hindi na natin alam kung paano gamitin ito binibili parin natin para masabing “nasa uso ka” kung iisipin mo, bakit ka bibili ng isang mamahaling Ipod/Ipad kung gusto mo lang ay makinig ng kanta? o gusto mo lang gumamit ng kumpyuter.

Karamihan na ata ng pinoy ngayon mayroon ng cellphone. Ito ang pinaka mabisang komyunikasyon ngayon pero ngayon kadalasan ito ang ginagamit sa ibat-ibang uri ng panloloko, na kunwari nanalo ka ng milyon-milyong piso at para makuha ito kailangan mo magbayad ng libo, palibhasa mahirap matunton ang may-ari ng cellphone at hindi mo kailangan i-rehistro ang iyong sim card kya marami ang gumagawa nito.

Ang mahirap kasi sa ibang Pinoy mahilig mag-yabang, gusto nila angat sila, gusto nila kung ano ang meron ang iba, meron din sila yung tipong hindi makuntento kung ano ang meron sya. Halimbawa na lang ay ang cellphone bibilin mo sa halagang dalawam pung libong piso, susunod na buwan may lumabas na bagong cellphone syempre dahil sa kagustuhan mong bumili, ibebenta mo ngayon ang binili mong cellphone na halos kalahating presyo ng tunay mong pagkabili dito.

Habang may bagong na iimbento ang tao, meron din kaakibat itong ibat-ibang uri ng problema.

About ejaybasaliso

bago lang po ako sa pagsusulat. pag tiyagaan ninyo na lang 🙂