Maikling Talumpati Para sa Atin

A time foe change (Photo credit: wakeup-world)
A time foe change (Photo credit: wakeup-world)
A time foe change (Photo credit: wakeup-world)
A time foe change (Photo credit: wakeup-world)

Naririnig n’yo ba ang hinaing ng kabataan ngayon ng ating bayang Pilipinas?

Ang Ama ko ay druglord.
Bayarang babae naman si Ina.
Kapwa pusher si Ate’t Bunso.
Si Lolo at Lola naman ay lider ng sindikato.
Ang aking Tito ay ang presidente ng bansa at ang kanyang mga sangay, ang aking iba pang mga kamag-anak ang nag-aagawan sa puwestong numero uno sa pagkakurakot.

Ako? Sino ako?

Ako ay ang Kabataang Pilipino. Produkto ng mga tiwaling magulang. Lumaking kapiling ang mga tiwaling kapatid. Natuto sa pariwarang buhay ng aking lolo’t lola. Ganito na ba ang pamilyang Pilipino? Pamilyang buhay sa kamalian, mga lintang lider na sinisipsip ang buhay ng bayan. Mga kabataang nagtitiyaga sa katas ng kanilang gawi. Mga katas ng lason na pumapatay sa ating pag-iisip.

Ngunit ako rin ay produkto ng mga ninunong lumaban para sa ating inang Pilipinas. Mga ninunong tama ang landas na tinahak. Landas na ating kinatatayuan sa ngayon. Kanilang pinaghirapan, atin na lang bang pababayaan?

Kabataang Pilipino. Tayo ang pagbabago

Ako, ikaw, tayo, mga kamag-aral ko ay si Kabataang Pilipino. Mananahimik na lang ba tayo? Hindi ba’t tayo ang pagbabago? Ang pagbabago ay walang bibig para magsalita, ngunit tayong kabataan ay nagtataglay ng higit pa dito, hindi lamang ang bibig ngunit pati na rin ang boses para isabuhay ito. Pati rin mga kamay upang maisulat at maibahagi ang ispirito ng pagbabago. Ngunit isang tanong, mga tagapakinig ko, nasa inyo bang mga sarili ang lakas ng loob para magbago?

Ako ay tulad n’yo rin. Ako ay Kabataang Pilipino. At ako ay naniniwala na:

Kung ano ang tibay ng mga maling pundasyon at sandigan ay siya na ring anay na kakain ng kahoy ng kamalayan.”

Naniniwala ako sa pagbabago.

18 Comments

  1. I would like to borrow your piece for my activity hope that it was fine for you don’t worry I’ll give a proper credits to you.

  2. Ganda po nito ! :))
    `to po Gagamitin ko sa Talumpati namin sa Filipino..
    keep it up ! gawa ka pa po ng marami ! galing 😀
    Godbless po 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published.