Maiba Lang, Pag-ibig ?

Pumu ~ puso ?

Pumu ~ puso ?
Pumu ~ puso

Pag-ibig puro pag-ibig . Para maiba naman, sige, pag-ibig .
Yung title ko , pang ~ epal lang . HAHA :))

Kamusta na ?

Matagal ~ tagal na panahon na rin noong huli kitang nakita at nakausap . Hanggang ngayon , ramdam ko pa rin yung sakit . Yung sakit na dulot ng pagmamahal at pagpapahalaga ko sa iyo at ‘yung sakit na dulot ng sinasabi mong pagmamahal mo .

Hindi man lamang pumalya sa aking isipan ang pagtatanong ng,

” Ano’ng nangyari sa tin ? “

” Ano’ng mga bagay ang nagawa ko upang matapos tayo nang ganito? “

” Nasaan na nga ba yung pangako mong  ‘Hindi mo ako iiwanan’ ? “

Magulo. Sa sobrang gulo, hindi ko na alam kung sino ang paniniwalaan at kung ano ang totoo sa mga bagay na bibitawan ng labi mo .

Masakit. Sino ba namang hindi masasaktan sa ginawa mo?

Sapat na ba yung mga salitang , “Hahanapin ko lang ang sarili ko . Patawad . Ayoko na talaga.”

Oo, alam ko na hindi mo pa ganoon kakilala ang sarili mo, gano’n din naman ako, pero … noong makilala kita sinabi at ipinangako ko sarili ko na kikilanin ko ang pagkatao ko na kasama ang taong mahal ko .

Umasa kasi ako. Umasa na ako lang ang laman ng puso mo kagaya ng mga salitang binibitawan mo. Umasa na totoo yung forever mo. Umasa sa mga salitang nagpakilig at nakapagpalimot sa problemang dala-dala ko . Umasa kasi ako kaya may kung anong kirot na nadarama itong lintik na pusong ‘to.

Pero , MALI ako . Isang pagkakamali ang umasa sa relasyong simula’t simula ay walang titulo .

Salamat na lang nga siguro. Salamat sa pagkakaibigang binuo mo kasama ang tulad ko.  Salamat sa limos na pagmamahal na inialay mo.   Salamat sa panahong inilaan mo . Salamat sa lahat.  Nagpapasalamat rin ako sa kaniya dahil ipinakilala niya ang gaya mo sa tulad ko.

Patawad.  Patawarin mo ako sa mga pagkakataong sumama ang kalooban mo sa akin.  Patawad . Alam mo naman na hindi ako perpektong tao .

Masaya na rin ako at nakakilala ako ng tulad mo .

Masaya ka na rin nga siguro . Masaya ka na nakasama mo na yung totoong minahal ng puso mo .

Hindi ko alam kung kailan ko masasabing ok na ako.   Hindi ko alam kung hanggang saan ang tatag ng kalooban ko na itinuro mo .

Isang araw, kapag kaya ko na, haharap ako sa ‘yo at magiging masaya na ako para sa kasiyahan mo.   Haharap ako nang wala nang nararamdamang sakit ang puso ko .

Kung darating man ang araw na handa na ako, sana… magkaibigan pa rin tayo .

 

Nagmamahal ,
Ang taong mahal, minahal at minamahal ka pa rin .

Follow me : iceberg?

About pjdeguzmann

This is a page of a wondrous poetic human being who scribbled poetry in a sheet of paper. (Visit my blog: The Poetic Wanderer)