Mahal Ko… Mahal Mo… Part 2 (A different Story)

Love (Photo Credit: Dahilwalakarito.blogspot)
Love (Photo Credit: Dahilwalakarito.blogspot)
Love  (Photo Credit:    Dahilwalakarito.blogspot)
Love (Photo Credit: Dahilwalakarito.blogspot)

“Hello, kumusta ka na?” ang sabi niya.
“Eto, mabuti naman” ang sagot ko.
Flight ko na sa Linggo, hindi ba tayo magkikita man lang bago ako umalis?” tanong niya sakin.
Oo nga, nabanggit ni Tita (nanay nya) na paalis ka na nga” atubiling sabi ko.
Gusto kitang makita for the last time. Namimiss na kita. Hindi mo na sinagot ang mga tawag at text ko sa ‘yo. Bigla ka na lang hindi nagparamdam” dagdag pa nya.
“Para ano pa? Wala na naman tayong dapat pag-usapan pa” malungkot na sabi ko.

Biglang bumalik sa aking ala-ala ang nakaraan.

Si Dan… Kasama ko sa pinapasukan ko. Ang lalaking pinag-alayan ko ng aking sarili, nang buong puso at buong kaluluwa.
Kinalimutan at tinalikuran ko ang lahat para lang sa kanya.
Kasama na doon ang galit ng aking mga magulang.
Si Dan… isang lalaking may pananagutan na. Kakakasal lang sa asawa ngunit wala pang anak.
Pilit akong umiwas sa pag-aakalang lalayo siya sa akin.
Pero pursigido siya sa panunuyo sa akin.
Nakatadhana yata na mahulog ang loob ko sa kanya.
Hanggang sa ang mali at bawal na relasyon ay nabuo.

Hindi ako naghangad ng kahit ano pa man sa kung anong relasyon mayroon kami.
Sa instance na nagkasakit sya nang malubha, nakuha ko pang mag-alaga at mag- alala sa kanya nang higit pa sa ginawa ng asawa niya.
Hindi ko hiningi sa kanya na iwan ang isa upang malaya naming magawa ang lahat ng gusto namin.
Sapat na sa akin ang malaman ko na mahal niya ako nang higit pa sa pagmamahal niya sa legal na kinakasama.
Tatlong taong naging maayos ang set-up namin.
Nakilala at nakasundo ko pa ang kanyang nanay at pinsan na kasakasama ko minsan sa lakaran.
Hanggang unti-unti nagbago siya.
Sa maliit na pagbabago nag-uumpisa ang pag aalinlangan.
Sa maliit na pagbabago nag-uumpisa ang pagdududa.
Ayaw ko mang isipin, marahil ay may iba na.

Hindi lang isa o dalawang beses kong nalaman na may nililihim siya sa akin.
Hindi lang makailang ulit kong nakita ang mga unnecessary calls sa ibang ibang babae sa cellphone niya.
Ang mga yun kaya kong palagpasin.
Pero hindi ang huling natuklasan ko.

Minsan magkasama kami sa bahay.
Sa himbing ng kanyang pagkakatulog, naalimpungatan ako sa tawag sa telepono.
Hinanap ko ang kanyang mobile.
Hindi ko agad nakita.
Ang nakawiwindang ay pinakatatago niya sa kaloob-looban ng sapatos niya.
Tiningnan ko kung sinong tumatawag.
Nakailang miss call na pala. Hindi lang isa kundi isang dosena.
At hindi pa nakuntento nagpadala pa ng text message.
“Honey, what time tayo magkikita? I cant wait to see you?
Susunduin mo ba ako dito? Bilisan mo ha? Iloveyou. – Ivy”.

Bigla kong binato sa mukha niya ang cellphone at tinanong kung sino si Ivy.
Inis na inis ako.
Galit na galit.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa sobrang galit.
Kinompronta ko siya at pinaamin.
Ang lakas ng loob na makipagkita sa babae niya pagkatapos naming magkita.
Isang malaking sampal sa aking pagkatao.
Nalaman ko na hindi lang isa kungdi tatlo pa kami sa buhay niya.

Parang binuhusan ng yelo ang pagkatao ko.
Parang inihampas sa matigas na pader ang ulo ko.
Tama pala ang sinabi ng nanay ko sa akin.
Tama nga sila, what can I expect from someone na niloko din ang asawa niya.
Tama nga sila, kung ang asawa nagawang lokohin, ako pa kaya.
Dapat lang pala na noon pa ay umiwas na ako.
Dapat lang pala na hindi na ako nagpadala sa nararamdaman ko.
Pagkatapos ng pangyayaring yun ay tuluyan na akong lumayo sa kanya.
Mahirap, masakit pero kailangan.
After four months nakuha pa niyang tawagan ako para lang magpaalam.

“Nandyan ka pa ba?” tanong nya
“Oo “ sagot ko.

“So ano, pwede ba tayong magkita? Ayusin naman natin to.
Miss na miss na kita at mahal na mahal pa rin kita.
Hindi ko pala kaya ang mawala ka. Please naman magkita tayo at ayusin natin ito” pagsusumamo niya.

“I’m sorry Dan. Lahat na naibigay ko sa ‘yo.
Tinalikuran ko at pinaglaban kita sa magulang ko sa pag-aakalang you are worth it.
Pero niloko mo ako, hindi lang isang beses kundi marami.
You cheated on me behind my back.
You had me at my best. You chose to break my heart.
Hindi mo isinaalang-alang at nakita yung sakripisyo ko sa relasyon natin.
You didn’t see my worth.
Mahal pa rin kita, pero mas mahal ko ang sarili ko.
Nasaktan mo na ako at sapat na iyon.
Hindi ko na papayagan na babuyin at saktan mo pa ako ulit.
Tama nang magkaibigan na lang tayo. Napatawad na kita” pahikbi kong sabi.

“I am sorry sa nagawa ko sa ‘yo. I guess it’s true.
Hindi ko nalaman ang halaga mo hangga’t hindi ka nawala sa akin.
I am sorry” malungkot niyang sabi.

“Be good to your wife. She deserves better than how you’re treating her.” Huling kataga na namutawi sa aking labi.

“I wish you could find a better man who will treat you better and love you more than what you can give.  I love you, Agnes”, pagtatapos niya.

And then I hung up.

May mga pagkakataon na sinusubok ng Diyos kung gaano tayo karupok o katatag.
Nadapa man tayo minsan, may panahon pa para magbago.
May panahon pa para tumayo at itama ang mga mali.
At may panahon para humingi ng tawad sa mga taong nagawan ng mali.

Loving someone doesn’t necessarily mean losing yourself.
Nararapat lamang na magtira ka ng para sa sarili mo.
Sometimes loving means letting go.
Lalo pa kapag ikaw na ang nasasagasaan.
When you love someone, you are blinded, you are deaf.
In a relationship it should be two-way.
It takes two to tango.
It doesn’t have to be equal. It just have to be fair.
In the end, we’ll realized that in loving we should distinguish whom to trust and who’s worth loving and fighting for.
So in that way, we won’t end up crying.

author:  iloveme

p.e./kf