Mahal Ko ang Lahat Sa Kanila

Ang buhay ay sadyang mapaglaro – may ngiti, luha at saya.
Sa bawat hakbang mo, marami kang pagdadaanan.

May mga daan na sa unang tingin ay konkreto pero nasisira sa tagal ng panahon.
May mga daan namang kaakit-akit sa una pero naluluma lang din.
May mga daanang marurupok at sa isang sulok ay tanaw ang daanang duguan.

Anong daan ang tatahakin mo?

Masaya ako bilang GURO.
Wala akong ibang nais kundi mapabuti sila.
Hangad ko ang kaunlaran nila.
Handa akong magsakripisyo para maging maayos sila.

Ngunit hindi ito ganun kadali.
Maingat at nag-iingat ako sa bawat hakbang ko.
Tao rin sila — NASASAKTAN.

Kahit ganyan sila, mahal ko ang mga ‘yan.

Oo, hindi sila ganun katalino.
Oo, hindi sila ganun kasipag.
Oo, hindi sila ganun ka-aktibo.
Oo, mabagal silang mag-isip.
Oo, hindi ganun kabilis ang pagkaintindi nila.
Oo, mga sutil sila.

Oo, ganyan sila. Oo, ganyan sila.
Oo, ganyan sila pero HINDI HABANG BUHAY!
HINDI SILA MAGIGING GANYAN HABANG BUHAY!

IBA SILA.
Ibang-iba sila.

Nagbabago ang tao at NANINIWALA AKO DUN.
May tiwala ako sa mga batang ‘to.
Matitigas man ang ulo ng mga ‘to, alam ko na sa darating na panahon MAGTATAGUMPAY DIN SILA.

AKO ANG UNANG PAPALAKPAK kapag napagtagumpayan nila ang mga pangarap nila sa buhay.

Oo, pangarap.
Oo, pangarap – PANGARAP na puwedeng maudlot dahil sa MGA BIBIG NA MAPANGHUSGA at sa mga MATANG MAPANGLAIT.

NAKALULUNGKOT ISIPIN na maraming nakaMASKARA sa paligid. Hindi lahat ng ngiti ay totoo.

PINAGKAKATIWALAAN KO ang mga batang ‘to, sana ganun din kayo.

Photo credit: Philippine Basic Education

HINDI NAMAN SILA MANHID.

Huwag n’yo naman silang ikumpara sa iba.
Pagalitan ninyo sa tama.
Minsan, kinakailangan rin nating makinig sa saloobin nila.
Bigyan din natin sila ng tamang choice.

Lahat ng tao nagkakamali.
Wala namang taong perpekto.
HINDI TAYO PERPEKTO.

Ang kamalian ay kamalian.
ANG TAMA ay HINDI MINAMALI.
Magpakumbaba kung nagkamali at HUWAG NANG MANGDADAMAY ng iba.
Hindi kabawasan sa pagkatao ang PAGHINGI NG SORRY.

Ang PAGPAPAKATAO ay HINDI isang kompetisyon.
Hindi rin ‘yan hinihingi. Kusa siyang ibinibigay.

‘DI TAMA ANG PAGIGING MAKASARILI.
Tao din sila — NASASAKTAN, NASASAKTAN.

Alam kong napapagod kayo pero sumagi rin ba sa utak n’yo kung anong klaseng pagod ang pinagdaraanan nila?
Sumagi ba nang maayos sa utak n’yo na hindi ganun kadali ang buhay na mayroon sila?

Sa likod ng kanilang NGITI ay may KALUNGKUTAN.

TAYO ang may kakayahan na umintindi.
Huwag nating gamitin ang anumang POSISYON sa mali. Pangaralan sila sa TAMA.

Katulad natin, NASASAKTAN DIN SILA.

HINDI N’YO ALAM ANG BAWAT KUWENTO NG MGA BATANG ITO.

Hindi n’yo alam ang araw-araw na sakripisyo nila.
Hindi n’yo alam ang pagsisikap na ginagawa nila.
Hindi n’yo alam kung gaano kahirap maging SILA.

Sa mga nakababasa at makababasa nito, ISA LANG ANG HILING KO:

‘WAG N’YO NAMANG IPARAMDAM ANG PAGIGING LOWEST SECTION NILA.

Oo, LOWEST SECTION sila.
Pero kung ano ang kaya ng FIRST SECTION ay KAYA RIN NILA.

Sabi ng isa sa kanila sa akin after class,
“Ma’am Suzette, hindi ko po basang namati na lowest section kami”.

“…syempre kasi hindi ko ‘yun pinaparamdam sa inyo. Mahal ko kayong lahat,” ang sambit ko.

TIWALA LANG. Pagkatiwalaan n’yo sila.

Sana pagkatapos ng araw na ito, ay matutunan n’yong bigyan ng PANTAY at TAMANG KARAPATAN ang mga estudyanteng ito.

Kahit ganyan sila, MAHAL KO ANG LAHAT SA KANILA.

About Suzette P. Barcena

I write to express.