

“Sana ako na lang ang naging asawa mo.”
Ito ang mga unang katagang kanyang itinayp sa Facebook nang una kaming magkachat matapos ko siyang iconfirm.
Si Bodoy ay kakilala ko na mula pa nang mga teenager pa kami. Magkaibigan ang aming mga magulang. May tindahan kami parehas sa palengke noon. Nag-aaral siya ng Nautical noon nang lagi ko siyang nakikita sa kanilang tindahan at ako naman ay nag-aaral din ng Nursing sa isang pribadong eskwelahan sa amin.
Tuwing hapon pagkatapos ng klase ay bumabalik ako sa aming tindahan upang tumulong sa aking Nanay. Minsan inuutusan din akong pumunta sa kanila upang mamili ng mga pangtinda namin (Grocery sa kanila sa amin naman Refreshment). Lagi akong ligaw tingin sa kanya, pasulyap-sulyap at hindi makatingin ng diritso sa kanyang mga mata dahil ako ay nahihiya. Hinayaan ko lang ang nararamdaman ko sa kanya at hindi niya yun nalaman.
Taon ang lumipas, natapos siya ng kanyang pag aaral at hindi ko na sya nasilayan sa kanilang tindahan. Hindi rin ako nagtanong sa kanyang Nanay kung nasaan na siya baka iba ang isipin at ako din ay nagsikap upang makatapos. Sa mga panahong iyon, marami rin sa akin ang nanligaw at naging kasintahan hindi naman po sa pag mamayabang. Lampas ng isang dekadang hindi man lang kami nag panagpo at wala kahit ano mang balita mula sa isa’t isa. Ako ay nag asawa sa Mindanao at ganun din siya. Nito lang mga nagdaang mga Buwan ko siyang naging kaibigan sa Fb. Nashock ako ng nagrequest siya sa akin upang maging kaibigan at kinompirma ko naman. Nagmensahe agad siya ng “Sana ako nalang naging asawa mo” masaya sana ako ngayon. hindi ko inaasahang sasabihin niya yun kasi ako lang naman ang may pagtingin sa kanya noon. Hindi naman niya alam na may paghanga na akong nadarama para sa kanya.
Tinanong ko siya kung bakit ganyan ang mensahe niya. Sabi niya na noon pa raw siyang may pagtingin sa akin kaso lang binalaan na daw siya ng Nanay niya dahil malayo pa daw kaming magkamag anak. Lumayo na lang daw siya at pinipilit niya akong limutin. Ngunit nakita niya ako sa Fb at nabuhayan daw siya ng pag-asang makausap ako. Sinabi niya ang kanyang nararamdaman sa akin, pero parehas na kaming may mga asawa at ayaw kong may masaktan sa aming mga partner at lalong ayoko ring magtaksil sa aking napakabait na asawa. Nagtetext siya ng I love you sa aking roaming, nakikipagchat sa Fb or Skype pag nasa port sila.
Iinaamin kong nahuhulog muli ang loob ko sa kanya at nauungkat ang matagal ko ng paghanga na alam kong matagal ko nang ibinaon sa limot sana. Pero heto siya at nagsusumamong mahalin at buksan kong muli ang aking puso para sa kanya kahit para maisakatuparan ang dati pa niyang nararamdaman para sa akin. Inaamin kong mahal ko pa rin siya, ngunit ito’y bawal.
Naka-block na siya ngayon sa aking Fb, Skype at nagchange na rin ako ng aking roaming number. Ayaw kong patuloy na magkasala sa aking mahal na asawa na napakalaki ng pagmamahal at tiwala sa akin.
Tama po ginawa mo…
tama nga ang gnawa mo.pra sa ganun malyo kna sa tukso.god bles u
thank you po..