Magnanakaw si Noy!

(Photo Credit: Fanpop)

(Photo Credit: Fanpop)

‘Hindi po ako magnanakaw, wala po akong ninakaw kahit isang butil ng palay,’ sigaw ng isang lalake habang nasa interogasyon ng mga pulis.

Awang-awa ako sa kanya, halos maluha ako sa sobrang awa sapagkat hindi mo kakikitaan ng kasamaan ang kanyang maamong mukha. Kilala ko ang mga magulang niya; parehas silang nirerespeto sa aming bayan.  Hindi sila gumawa ng anumang dudungis sa kanilang pangalan.  Ang nanay niya ay isang tao ng simbahan at ang tatay naman ay isang respetadong empleyado ng gobyerno.  Sa kasamaang palad parehas na silang sumakabilang buhay.

Mula nang nawala na ang kanyang mga magulang, dito umusbong ang pangalan ng kanilang bunsong anak.  Noong una’y maganda ang mga naririnig na kuwento mula sa kanya. Nakapagtapos ito sa magandang eskwelahan at siya rin ay masasabing isang pihikan sa babae sapagkat sa ganoong edad ay wala pa siyang asawa.

Sa blotter ng pulis, isang mafia ang sinaniban niya at halos lahat ng mga mamamayan sa bayan ay naloko nila.  Nadala sila sa mga pangako niya  kung saan nakalikom siya ng limpak-limpak na salapi mula sa mga pobreng tao na nag-akalang siya ang mag- aangat sa kanila.

Hindi ko mawari ang ugat nito, ngunit sa aking pagtatanong, parang ginamit lang siya ng mga kasamahan niya upang gawing pain sa mga tao sapagkat siya ay mula sa mapagkakatiwalaang angkan.

Marami ang sumusuporta sa kanya noon, pero kung gaano siya kabilis bumagsak ay ganoon din kabilis na naglahong parang bula ang mga nakapaligid sa kanya.

Para siyang may sakit na ketong na iniiwasan na ng kanyang mga malalapit na kaibigan, at halos ayaw dalawin sa presinto.

Nagbago ang pakikitungo ng lahat sa kanya; wala nang naniwala sa mga sinasabi niya.  Kahit pa kapatid niya ay nawalan na ng tiwala sa kanya.

Isang araw nabalitaan ko na lang na nagpakamatay siya sa loob ng presinto, sinaksak niya ng bolpen ang kanyang leeg.

Hindi ko mawari kung nakonsensya ba siya o pinatay siya dahil sa sobrang dami ng nalalaman.

5 Comments

  1. Unquestionably believe that that you stated. Your favorite reason appeared to be at the internet the simplest factor to bear
    in mind of. I say to you, I definitely get irked whilst
    folks consider issues that they plainly do not understand about.

    You managed to hit the nail upon the highest as neatly as defined out the whole
    thing with no need side effect , people can take a signal.
    Will likely be again to get more. Thank you

Leave a Reply

Your email address will not be published.