Magmahal ay ‘Di Biro :(

 

Naranasan mo na bang magmahal? ‘Yung tipong pinangakuan ka ng taong inakala mong naiiba sa lahat?

Ganito kasi yan, una, dadaanin ka sa mga ninja moves. Yung tipong huli na niya agad ang kiliti mo sa una pa lang. Kahit na minsan lang kayo nagkita at nagkasama, pag talagang nagustuhan ka gagawa at gagawa siya ng way para lang malaman kung nasaan ang kiliti mo. Dadaanin ka sa mga simpleng jokes.  Jokes na maaaring sa iba hindi nakakatawa pero sa iyo ay bentang benta na.

Nakakatuwa lang kasi in his simplest ways nakukuha ka niya. Papapaniwalain ka sa mga tamis ng salitang inilalabas ng kanyang  bibig na animo’y puro katotohanan.

Once na nakuha na nya ang iyong kalooban, ayan siya pasasayahin ka na hanggang sa makuha na niya ang matamis mong oo. Ibibigay ang buong tiwala sa kanya, magkakaroon kayo ng masasayang moments pag naging kayo na. Pasasakayin ka sa mga effort na akala mo ay totoong- totoo na. Ganyan naman kasi ang mga lalaki, ang magpakita ka sa kanila ng interest at pakitaan ka nila ng effort, masaya na sila.

Lalabas sa kanilang bibig na “Hindi sila ganito, Hindi sila katulad ni ganyan ganito, Huwag silang itulad sa nakaraan, Ako na nga lang ang nagmamahal sa ‘yo, Nasaan na ba ‘yung mga lalaking sinabing hindi ka sasaktan, etc. etc.”

Dahil sa mga linyang yan, ikaw naman si tanga, paniwalang-paniwala. Maaaring “Oo” minahal ka nga niya talaga, pero sapat bang rason na kapag nabalikan mo ang nakaraan mo at ay iiwan ka na lang nang basta basta. No valid reason. Reasons unacceptable.

Kesyo hahanapin ang sarili, unfair na mahalin ka nang hindi pa rin siya buo? Teka nga muna, sa statement na “Hahanapin ang Sarili”, aba ang tagal mo na palang nawawala, bakit hindi mo pa dati hinanap? Ano ka, hilo? Ano ka baliw? Nagpapatawa ka ba? At sa ” Unfair na Mahalin kita nang hindi pa rin ako buo”, ano ka, pira-piraso? napunit kaya kailangang buuin? Ano ka, damit o papel? Paano naman ‘yung mga taong nagmahal sa inyo nang totoo?

Katwiran ba na kung “Ayaw mong masaktan, huwag kang magmahal?”

Kaya ka nga nagmamahal, ‘di ba? Oo, nagmamahal tayo sa paraang alam natin. Sinasabi nila, hindi ka makaka-move on kung walang kapalit. Hindi ka makaka-move on kung hindi mo tuturuan ang sarili mo, lahat naman nasasaktan talaga at alam ko ‘yan. Pero ‘yung iparamdam sa ‘yo na sa loob ng kulang kulang isang taon na hindi ka niya kayang mawala at nagpaka-Loyal ka sa kanya tapos sa isang iglap nagparamdam si Ex, bibitiw ka agad at kung anu-anong alibis ang sasabihin mo sa kasalukuyan mong partner.

Hindi pa ba matatawag na panggagamit yun? Nanggamit ka ng taong nanggaling din sa masakit na nakaraan na nung  matagpuan mo ay kasalukuyang nagpapahilom ng sugat. Ngunit sa iyong pagdating, umasa na ang sugat na pinahihilom ay tuluyang mawawala at pati ang pilat sa puso ay mabubura. Pero hindi iyon ang nangyari.

Sa pagdaan ng panahon, ang sayang kanyang ipinaramdam, ang pagmamahal na kanyang ipinaramdam ay nawaglit lamang nang dahil sa isang nakaraan.

Maaari bang magkaroon ng hustisya ang mga taong nag-alay ng totoong pagmamahal nung kasalukuyang lugmok pa ang mga taong minahal nila? Unfair nga naman sa isang katulad namin, na ang kalaban mo ay ang kanilang mga nakaraan.

Ngunit kung susumahin mo ang totoong kahulugan ng pagmamahal, kahit nasaang lupalop ng mundo ang taong minamahal mo, hinding-hindi ka maghahanap ng atensyon sa iba, unless may ginawang kalokohan sa iyo at paulit-ulit ka nang niloko ng taong minamahal mo.

Makatarungan bang dahil sa distansya at wala ang taong mahal mo nang mga panahong kailangan mo ng taong aantabay sa ‘yo ay ipagpapalit mo na siya? Na umalis ang taong nagmamahal sa ‘yo para sa future na kanyang hinahangad kasama ka? Hindi, ‘di ba? Nagpadala ka sa tukso. Kaya nga may tinatawag na Long Distance Relationship, ito ang test kung saan at kung paano kayo mas magiging matatag na dalawa despite of your distance.

Isa lamang naman ang ibig sabihin niyan eh, ang taong totoong nagmamahal hindi hadlang ang distansya. Mananatili ang loyalty n’yo sa isa’t isa. Kung hindi mo matagalan ang isang LDR, hindi ka dapat pumasok sa ganitong klaseng relasyon. O kaya naman ay hindi ka mabubuhay nang malayo sa iyo ang taong mahal mo.

Oo, mahal mo at nagmamahal ka, pero hindi sapat ang salitang MAHAL ka para lang malaman niya na mahal mo siya, kundi ang iparamdam at patunayan sa kanya na kaya mong maghintay, kaya mong magtiis at kaya mong panindigan ang mga pangakong inyong binitawan.

Ngayon, sa pagtatapos nito, nais ko lamang ipabatid sa mga mambabasa nito, na huwag na huwag kayong papasok sa isang relationship na hindi pa kayo tapos magmahal ng iba> Kung magmamahal kayo, dapat empty ang puso at walang lamang iba.

Dahil kung hindi, isa ka lamang sa masasabing “Panakip Butas” ng nakaraan. Isa ka lamang instrumento para makalimot sa sakit ng kanilang nakaraan na kapag dumating sa puntong nagpanagpo ang landas niya at ng kanyang nakaraan ay mababasura at mababale-wala ka lamang. Hindi nila iindahin ang sakit na mararamdaman ng kanilang mga maiiwan o bibitawan sa mga rasong hindi naman katanggap-tanggap.

Napakasakit, na halos kulang na lamang ay iaalay mo ang iyong buhay dahil sa pag-aakalang tunay ang effort na ginawa sa ‘yo nung mga panahong kayo pa ang magkasama.

Payo lamang ulit, kaibigan, sa susunod mong pagsakay sa eroplano, siguraduhin mong kasama ka kahit saan, dahil kapag ikaw ay naiwan, malamang na ikaw ay mapapalitan.

About glorioussoulsilver

Typical Woman, loves to blog