Maghihintay Sa Aking Mr. Right

questionmarkAfter a year, ngayon lang uli kami nagkita ng isa sa mga tinuturing kong best friend from high school days. Actually, masasabi pa ring biglaan kong naisipang madalaw ang aking married and a young mother of a ten-month old baby girl na kaibigan ko nang kami ay magkaroon ng chance na makapag-usap through text message nang batiin ko siya during holiday season. Mula nang araw na iyon ay napagkasunduan naming makadalaw ako sa kanila a few days after the New Year celebration.

Siyempre nang magkita ay kuwentuhan to the max na parang ang dami talagang nangyari kahit isang taon lang nang hindi kami magkita. Ang huli ko ngang naalala na dalaw ko sa kanila ay nang nakalipat na sila ng asawa niya sa bago at sarili nilang bahay na malapit lang naman sa lugar ng bahay ng kanyang pamilya.

Isa sa mga napag-usapan namin ay ang tungkol sa love story nila ng kanyang napangasawa na masasabi kong kasundo ko rin naman. Bilang best friend niya, tiwala niyang nasabi sa akin ang mga bagay na tunay niyang pinagdasal para sa lalaking pinapangarap niya sanang mabigaya sa kanya ni Lord sa takdang panahon na pwede na siyang makapag-asawa. Nakatutuwang sa tagal ng panahon ng kanyang paghihintay at paghiling niya nang masasabi niyang halos mga imposibleng mga bagay na mayroon at gagawin sana ng lalaking nakatadhana sa kanya panghabambuhay since college student pa lang ata kami noon ay nagkatotoo sa nagging asawa niya ngayon. Natatawa nga ako na kahit nga raw sa physical na hitsura na kasama s inilista pa niya at ipinagdasal, kahit paano raw ay umakma sa hitsura ng asawa niya. Sa mga narinig ko nga sa kanyang mga kuwento, masasabi kong masuwerte ang kaibigan ko at natagpuan na rin niya sa wakas ang lalaking laan ng Diyos para sa kanya.

Kungsabagay, naniniwala naman ako  na may isang tao na talagang nakalaan para sa atin. May tao na sinasabing makakatapat natin at nakatakdang makasama panghabambuhay. Sa edad ko ngan ito, hindi naman ako nawawalan ng pag-asa. Madalas ko ngang sinasabi,”Tiwala lang.” Saka ipinagdarasal naman dapat iyon and I do believe in the power of prayer. Tried and tested ko na iyon sa buhay ko. Sa iba, hinihintay talaga at may ilang sila mismo ang naghahanap ng sarili nilang kapalaran sa pag-ibig sa iba’t-ibang pamamaraan. Tipong para din sa iba na hindi takot magmahal at kahit na masaktan. Sa usaping ganito, bigla ko tuloy naalala ang sinabi ng isa kong estudyante nang mapag-usapan namin ang topic about love and relationship sa isang subject,

“Ang importante ay alam mong marunong kang magmahal, bonus na lang kung mahal ka rin ng taong mahal mo.”

May katotohanan naman kasi ito. Natural na katangian ng tao ang magkaroon ng emosyon na bumabalanse sa takbo ng ating kaisipan na isinasagawa ng pagkilos ng katawan natin. Isa rin sa parehong pinakamasarap at pinakamasakit na pakiramdam ang salitang pagmamahal. Kapag naramdaman mo iyon, ipinapakita mo na lang na totoong tao ka. Bilang tao rin, normal na magpahalaga tayo sa ating kapwa at isang masaya ring pakiramdam na mahal ka rin ng taong mahal mo.

Natutuwa nga ako sa best friend ko for more than ten years of our lives na kasama ako sa ipinagdarasal niya sa Diyos na mahanap ko na ang lalaking nakalaan naman para sa akin at makakasama ko panghabambuhay. Gusto rin niyang kagaya ng kung paano siya naging maligaya sa buhay niyang may asawa’t pamilya, makita akong maranasang maglakad patungo sa altar na sa dulo nito ay naroon nag-aabang ang lalaking tunay na nagmamahal sa akin at mamahalin ko rin. Iyong tipong makakasama ko sa hirap at ginhawa, sa lungkot at saya panghabambuhay hanggang dumating ang katapusan ng buhay.

Pero habang wala pa iyon, sa ngayon, patuloy ko pa rin pipiliin ang laging maging masaya kahit na nag-iisa habang taimtim na ipinapanalangin ang lalaking itinakda at inihanda ng Diyos para sa akin at naririto pa rin akong maghihintay sa pagdating ang aking Mr. Right.

 

About teacher Di

although, I may not be the best one, but I just want to follow my passion in writing...