Mag-aasawa na Ako!

(Photo Credit: philologus.wordpress)
(Photo Credit:  philologus.wordpress)
(Photo Credit: philologus.wordpress)

” Mag-aasawa na ako ate!”

” Ha? Ka graduate mo lang asawa agad? Hanap ka muna ng work, sayang ang pinag-aralan mo!”

Minsan nakakasama rin ng loob ang mga kapatid natin na binuhos mo lahat ng suportang financial para makapagtapos o makahanap ng trabaho pero, ang inasahan mo ang sama ng loob ang ibibigay sayo. Yung todo kayod ka para masopurtahan sila pero, babalitaan ka nalang:

MAG-AASAWA NA AKO!

Ha???   Ginastusan mo ng dalawang taon at wala kang naipon!

BUNTIS NA ANG NOBYA KO!

Hala! Binigyan mo ng pera para makapasok o makahanap sana ng maayos na trabaho.

Gala-gala time!

‘Yung nagkada utang-utang ka para mabuo ang pang placement fee na pambayad sana sa agency, pero naubos sa galaan kasama ang mga kaibigan.

Wala na yatang mas sasakit pa kung mismong pamilya mo ang sasaksak sa iyo nang patalikod.

Hindi naman sana naghihintay ng kapalit sa suporta at tulong, pero ang nais lang sana ay ang makitang maayos ang pamumuhay; ‘yung hindi nila maranasan ang hirap na dinanas dito sa banyang lupa. Ang makitang successful sila ay sapat na sanang gantimpala sa pagod at sakripisyo mo. Pero, wala…  parang walang halaga ang lahat ng sakrapisyong ginawa mo para sa kanila.

Realidad.com

Inday Jo

About jovelyn

Im not a good writer but i love to 🙂 Masaya din, Malungkot din (Karanasan ng OFW) this is my first book under my name as a writer and Sindi Ng Lampara OFW stories book with Raquel D. Padilla and DFBI writers, columnist in Pilipino Star Ngayon Middle East [email protected] Super kulit at kalog..proud bisdak at tamad na masipag na yaya:)