Ma’am,May I Go Out?

Asking permission (Photo credit: facebook)
Asking permission (Photo credit: facebook)
Asking permission (Photo credit: facebook)
Asking permission (Photo credit: facebook)

Nasa huling subo na ako ng aking tanghalian nang biglang bumaba ang aking ina sa kusina habang ninanamnam ko ang balat0ng, dilis at sinaing na tulingan. Kuwento na naman siya ng kuwento. Ang dami. Minsan nga, naka limang beses na ata niya nakuwento yung ilan. Iniisk0ran ko na nga siya tapos sabay kaming tatawa. Pero ngayon, sa kuwento niya, puro tango lang ang naisagot ko… paan0 mu-al pa ako.

Kumakanta pa siya. Sabi ko, “ang galing namang mgsaulo ng kanta ah. Haha“. Yun nga daw ang paborito niya, ang magsaulo…

Ganito na lang lagi ag routine ng aking ina. Tutungguhan niya ako habang kumakain o kaya pag siya e namamlantsa, gusto niya kaharap ako para ay makausap. Pero eto ngayon ang kuwentong kakaiba sa lahat na hindi ko puwedeng iskoran…

Noong bata pa ako, kapag ang tan0ng na ng titser e ‘what I want to be when I grow up’, bigla na lang ako nagpapaalam, “ma’am, may I go out?” Dahil alam kong wala akong maisasagot. Dahil alam k0ng ‘di ako makakapag-aral, kanyang sambit.

Natawa ako. Medyo napalakas pa nga. Pero dalawang magkahal0ng pakiramdam. Natawa na mas ang nalungkot. Bago ito sa mga kuwento niya at tila ayaw ko na marinig ulit kasi nakalulungkot lang.

Samantalang ako, ‘di magkaintindihan kung an0ng kukuhaing karera… Madaming nasa isip kahit walang pera na sigurad0ng pang tuiti0n. Guro ata ang first ch0ice ko nung kinder tapos manunulatnoong elementarya hanggang hayskul. Pero nung magpapasukan na sa k0lehiyo, ‘di na magtugma kung ano talaga. Enr0ll-an na kinabukasan… wala pa din. Ayun, at Psychology ang pinagtapusan. Gusto ko ito kaso ‘di nakayanan ang h0mesick ng Maynila. At biglang ganito na. Ayun. Ang dami. Pero ang kuwento na narinig ko ngayon ang tila nagpagising sa akin na masarap mangarap, pero minsan dapat palang tanggapin na din na di lahat ng gusto ay makukuha.

Kahit pa ganoon, siya pa rin ang isa sa mga pinaka astig na tao sa aking buhay. Mapagmahal, madiskarte, makalinga at lahat na. W0nder m0m na din nga. Kasi lahat ng itan0ng ko, masasagot. Haha. “Ma, asan ang medyas ko? Yung bl0use na orange, saan nakapatas? Anong ulam ko mamaya? Nasan ga ang tatay ngayon?” at marami pang iba.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.