Loving Your Job

Naunahan ko na naman ang tunog ng alarm clock ko kaninang umaga sa paggising. Di ko alam kung bakit ganun pero siguro kapag ganado ka talaga o excited sa isang bagay, nawawala talaga ang pagod at hindi mo kailangang kumpletuhin ang walong oras na tulog sa gabi.

Excited ako pumasok ngayong araw na ito. Labindalawang oras ang trabaho ko pero ok lang, iba pa rin ang pakiramdam na sa isang araw, marami akong nakakahalubilo na tao, maraming nakakausap, maraming mga karanasan na naikukwento, at higit sa lahat, maraming bagong ideya at kaalaman na naman akong matututunan. Iba talaga pag gusto mo ang ginagawa mo, ang trabaho ay parang laro na lang, nageenjoy ka, at nageenjoy din ang mga kalaro mo. Merong nakapagsabi noon na isang kilalang doktor, “You have to work hard, because the work is hard.”. Siguro ganun ang pananaw nya sa trabaho, seryosong tao kasi. Tumatak sa isip ko yun lalo na noong nasa ospital pa ako. Kaya siguro inayawan ko ang pagiging clerk at intern ko noon, kasi kailangan matugunan ko ang mga expectations nila. Nito lang merong sinabi ang lola ko habang kami ay nag-uusap “Love your work. Because if you love your work, it will not be a work for you anymore. Enjoy it. Be happy.” Kaya ako nagmumoonlight ngayon at hindi muna nagresidency.

Hindi ko makakalimutan ang sinabi nyang to. Tama nga naman. Maaaring isang batayan ng pagpili ng trabaho ay kung gaano kalaki ang sweldo, kung gaano kaganda o kasikat ang lugar, kung sino at anong klaseng tao ang mga makakasama at makakatrabaho mo. Pero iba pa rin kung gusto mo talaga ang trabahong ginagawa mo. Kung gusto mo ito, walang reklamo, walang expectations. “Kaya siguro ako ganado”, sabi ko sa sarili ko.

Bukas.. panibagong araw, panibagong adventure… Sigurado ako, mauuna na naman ako magising sa tunog ng alarm clock. 🙂

About khristiansan.ph